Sylvia Sanchez to married son Arjo Atayde: “Masaya ako kasi nakikita kong sobrang masaya ka at mahal mo at mahal ka ng mga in laws mo”

Aktres binalikan ang araw ng kasal nila Maine at Arjo. Nakipagpustahan pa siya sa anak kung sinong unang maiiyak sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sylvia Sanchez may sweet na birthday message sa anak na si Arjo Atayde. Aktres ikinuwento ang feelings ng anak noong araw ng kasal nila ni Maine Mendoza.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Birthday message ni Sylvia Sanchez sa anak niyang si Arjo Atayde.
  • Arjo masaya sa married life nila ni Maine Mendoza.

Birthday message ni Sylvia Sanchez sa anak niyang si Arjo Atayde

Larawan mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Nitong November 5 ay nadiwang ng kaniyang 33rd birthday ang actor-turned-politician na si Arjo Atayde. Ang ina niya at aktres na si Sylvia Sanchez may sweet birthday message sa kaniyang anak. Ibinahagi niya ito sa Instagram kung saan sinimulan niya ang mensahe sa pag-alala sa araw ng kasal ni Arjo at misis niyang si Maine Mendoza.

“Tandang tanda ko pa ang araw ng kasal mo. Pagkagising ko pinuntahan kita sa room mo, kabado at naiiyak ako pero sobrang saya ko at kinulit kulit pa kita. Nakita kong ganoon din ang nararamdaman mo, kabado, masaya at naluluha luha. Pero kahit pilit mong tinatago sa akin ang tunay mong nararamdaman kitang kita ko yon nak?.”

Ito ang sabi ni Sylvia sa kaniyang Instagram post.

Kuwento pa ng aktres, nakipagpustahan siya kay Arjo sa kung sinong unang maiiyak sa kanila sa kasal. Sa katunayan ay nilakihan niya daw ang pusta na nagkakahalagang 5 million pesos. Pero si Arjo hindi pumatol sa pusta niya. Dahil kuwento pa ni Sylvia alam ni Arjo na matatalo siya at ang aktor ang maunang maiiyak sa kasal niya. Ito nga ang nangyari.

Arjo masaya sa married life nila ni Maine Mendoza

Larawan mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kaniyang birthday message kay Arjo ay ibinahagi rin ni Sylvia kung gaano siya kasaya sa anak. Lalo na sa married life nito na masaya dahil sa tunay na pagmamahalan nila ni Maine. Dagdag pa na mahal na mahal din ng kaniyang mga biyenan ang anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Today is your 1st Birthday na may Asawa ka na. Nasa tamang Path ka @arjoatayde sa pagiging Anak, Kapatid, Actor, Public Servant at sa pagiging Asawa. ❤️”

“Masaya ako para sayo at higit sa lahat masaya ako kasi nakikita kong sobrang masaya ka at mahal mo at mahal ka ng mga in laws mo at sobbbbrang saya mo lalong lalo na sa piling ng asawa mong si Maine.?”

Sa huli ay pinasalamatan ni Sylvia si Maine sa ginagawang pagmamahal at pag-aalaga nito kay Arjo. Saka binati ng tuluyan sa kaniyang kaarawan ang aktor.

“Maine nak, salamat sa pag aalaga at pagmamahal mo kay Arjo. Maligayang kaarawan Juan Carlos Campo Atayde. Love you nak. ???”

Ito ang sabi ni Sylvia Sanchez sa kaarawan ng anak niyang si Arjo Atayde.

Larawan mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement