Sylvia Sanchez excited na talagang maging bahagi ng kanilang pamilya si Maine Mendoza. Aktres nag-organize ng bridal shower para sa soon-to-be daughter-in-law niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Sylvia Sanchez nag-organize ng bridal shower para kay Maine Mendoza.
- Reaksyon ni Maine sa ginawa ni Sylvia na malapit niya ng maging mother-in-law.
Sylvia Sanchez nag-organize ng bridal shower para kay Maine Mendoza
Kaunting paghihintay na nga lang ay magiging ganap ng bahagi ng pamilya nila Sylvia Sanchez si Maine Mendoza. Hindi man ibinahagi ni Maine at Arjo Atayde ang petsa ng kanilang pagpapakasal ay mukhang malapit na malapit na nga itong mangyari. Lalo pa’t kabi-kabilang bridal shower na ang inorganize para kay Maine. Una, ang inorganize ng Eat Bulaga dabarkads niya na sinundan naman ng bridal shower na ang soon-to-be mother-in-law niyang si Sylvia Sanchez mismo ang nangunang mag-organisa.
Sa Instagram ay ibinahagi ni Sylvia ang inihanda niyang bridal shower para kay Maine. Ito ay dinaluhan ng lahat ng babae mula sa kanilang pamilya. Mula sa mga pinakabatang dalaga hanggang sa matatanda. Ang mas nagpasaya pa sa bridal shower ay ang kasimplehan nito dahil naka-pajama o sleepwear lang ang lahat ng dumalo. Pero mararamdaman kung gaano sila kasaya na i-welcome si Maine sa kanilang malaking pamilya.
Larawan mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez
“Happy to welcome you to our big happy and crazy family🤪🤪🤪
Soon!!! Mrs Maine Mendoza Atayde ka na ♀♀♀
Cant wait for the Big Day ❤
👰♂💍🤵♂
Love you, my soon to be Daughter in law. 😘😘😘”
Ito ang sweet na mensahe at caption ng IG post ni Sylvia kalakip ang mga larawan at video ng bridal shower na inorganize niya para kay Maine.
View this post on Instagram
Reaksyon ni Maine sa ginawa ni Sylvia na malapit niya ng maging mother-in-law
Larawan mula sa Instagram accout ni Maine Mendoza
Si Maine labis rin ang pasasalamat sa mainit na pagsalubong na ginawa ng mga kababaihan mula sa pamilya ng mapapangasawa niyang si Arjo Atayde. Ito nga ang mensahe ng pasasalamat niya sa mga ito.
“Aahhhh thank you so much Roco, Campo, and Atayde family for last night ❤. Had such a wonderful time with everyone. Thank you, tita… future mom!!! Love you ☺❤.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!