Sylvia Sanchez to Maine Mendoza na constant adventure buddy ni Arjo Atayde ngayon: “Ako yan dati Maine”

Netizens napa-sana all nalang sa ipinapakitang support at love ni Sylvia sa relasyon ng anak na si Arjo at fiancée nitong si Maine Mendoza.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sylvia Sanchez inalala ang mga oras na siya noon ang laging kasa-kasama ng anak na si Arjo Atayde. May mensahe para kay Maine na siyang constant adventure ngayon ni Arjo.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Mensahe ni Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza.
  • Relasyon ni Sylvia at Maine Mendoza.

Mensahe ni Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza

Larawan mula sa Facebook account ni Arjo Atayde

Maraming netizens na naman ang napasana-all sa isa sa Instagram post ni Sylvia Sanchez. Ito ay ang video ni Arjo Atayde at Maine Mendoza na nakasakay sa isang roller coaster ride.

Ayon kay Sylvia, may mga memories na bumalik sa kaniya ng makita ang naturang video ng anak at fiancée nitong si Maine. Ito ay noong siya pa ang laging inaaya at kasama ng anak na si Arjo sa mga adventure rides.

“Watching this brings back so many memories! Dati ‘pag gusto mong mag roller coaster, ayaw mong sumakay mag-isa, ako lagi ang niyayaya mo. Ganyan ka na bata pa lang. Wala pa ring pinagbago, sigaw at tawa ka pa rin hahaha.”

Ito ang sabi ni Sylvia sa kaniyang IG post.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatuloy pa niya, bagamat nakakamiss ang mga memories nila na yun ng anak niyang si Arjo, happy siya sa bago nitong constant adventure buddy. Nagpasalamat din siya kay Maine sa pagiging mahalagang bahagi ng buhay ng anak niya.

“Ngayon, masaya akong makita na may iba ka nang nakakasama at ligtas na ako sa pagyayaya mo. Ako yan dati, Maine. Ngayon, you’re Arjo’s constant adventure buddy! Thank you, Maine ❤. My heart is full! Love you both 😘.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Arjo Atayde

Relasyon ni Sylvia at Maine Mendoza

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Sylvia ang pagmamahal niya kay Maine Mendoza bilang partner ng kaniyang anak na si Arjo.

Matatandaang may sweet na mensahe ring ibinigay si Sylvia kay Maine nang mag-proposal ng kasal si Arjo sa Tv host.

“He asked Her and She said, YES!!! Finally!! Welcome to the family, Maine. Thank you for loving my son. Love you Nak. I promise that I will take care and love you as my own Daughter.”

Ito ang mensahe noon ni Sylvia kay Maine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Sylvia Sanchez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement