Sylvia Sanchez sa engagement ng anak niyang si Ria Atayde sa boyfriend nitong si Zanjoe Marudo: “Deserve mo yan dahil napakabuti mong anak ❤️”

Netizens napasana-all lahat ng biyenan katulad ni Sylvia Sanchez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sylvia Sanchez masaya sa engagement ng anak na si Ria Atayde at boyfriend nitong si Zanjoe Marudo.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Sylvia Sanchez to daughter Ria Atayde on her engagement.
  • Ria Atayde at Zanjoe Marudo engagement.

Sylvia Sanchez to daughter Ria Atayde on her engagement

Larawan mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Masaya ang aktres na si Sylvia Sanchez sa engagement ng anak niyang si Ria Atayde. Ito ay ibinahagi ni Sylvia sa Instagram kalakip ang maikling video ng anak. Ayon kay Sylvia masaya siya para kay Ria. At deserve niya ang kasiyahan na ito sa kaniyang buhay dahil sa mabuti itong anak.

“Happy ako sobra para sa iyo Potpot @ria ❤️. Deserve mo yan dahil napakabuti mong anak ❤️.”

Ito ang pagbabahagi ni Sylvia ng kasiyahan niya sa engagement ng anak.

Sa isa pang Instagram post ay nagbahagi rin si Sylvia ng larawan ni Zanjoe at Ria na magkasama. Maliban sa kasiyahan sa engagement ng dalawa ay ito pa ang nasabi ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My heart is over flowing with Joy ❤️. Perfectly Matched ???”

Larawan mula sa Instagram account ni Ria Atayde

Ria Atayde at Zanjoe Marudo engagement

Nitong nakaraang linggo ay ginulat nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo ang kanilang mga fans ng ibahagi nila sa Instagram ang kanilang engagement. Gamit ang mga larawan nilang magkasama at ang kanilang engagement ring, ito ang caption ng post ni Ria.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Forever sounds good ??.”

Ito ang sabi ni Ria na kinomentan naman ni Zanjoe.

“And tastes even better ❤.”

Ito ang dugtong naman ni Zanjoe.

Maliban sa ina ni Ria na si Sylvia Sanchez. Nagpakita rin ng suporta sa milestone na ito ng relasyon nina Ria at Zanjoe si Maine Mendoza. Siya ay ang sister-in-law ni Ria at misis ng kapatid nitong si Arjo Atayde.

Larawan mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, ang mga netizen natuwa naman sa naging reaksyon ni Sylvia sa engagement ni Zanjoe at Ria. Ito ang ilan sa naging reaksyon nila.

“Kung ganito lahat ng mother in law, this world will be a better place ❤️❤️❤️.”

“Pag kagaya ni Ma'am Sylvia magiging biyenan mo napaka-suwerte mo n?Congratulations to the newly engaged couple.”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement