Palasyo, hinihikayat na magsuspinde muna ng trabaho ang mga kumpanya

Ito raw ay dahil sa ashfall na nagmula sa Taal Volcano na posibleng makaapekto sa kalusugan ng mga empleyado.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ang naganap na Taal Volcano eruption kahapon ay maraming lugar sa mga karatig na lugar ay naapektuhan ng ashfall. Dahil sa posibleng panganib na dala nito, hinihikayat ng Malacañang na magsuspinde raw muna ng trabaho ang mga kumpanya sa mga apektadong lugar.

Magsuspinde raw muna ng trabaho ang mga kumpanya dahil sa Taal Volcano eruption

Naglabas ng statement kamakailan si Presidential Spokesman Salvador Panelo, at sinabing kung maaari ay magsuspinde muna ng trabaho. Aniya, “The Office of the President highly encourages the private sector to suspend work for the safety of their employees.”

Ito ay matapos magdeklara ang gobyerno na walang pasok sa mga apektadong lugar sa Calabarzon, NCR, at Central Luzon alinsunod sa naging rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Lubos na mapanganib ang ashfall lalong-lalo na sa mga lugar na malapit lamang sa bulkan dahil posibleng pumasok sa lungs ang mga abo nito. Matatalas at nakakasugat ng lungs ang abo, at posibleng magdulot ng iba’t-ibang sakit, lalong-lalo na sa mga bata.

Bukod dito, ang mga alagang hayop rin ay posibleng maapektuhan ng ashfall. Kaya’t hangga’t-maaari ay huwag muna silang dalhin sa labas ng bahay.

Safety tips para sa Taal Volcano eruption

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heto ang ilang mga dapat tandaan upang mapanatiling ligtas ang iyong pamilya pati na rin ang iyong sarili sa naganap na pagsabog ng bulkan.

  1. Hangga’t-maaari ay huwag munang lumabas ng bahay. Kung hindi maiiwasan, siguraduhing magsuot ng N95 na face mask dahil nasasala nito ang hangin.
  2. Siguraduhing may sapat na pagkain at tubig sa bahay.
  3. I-charge ang mga cellphone pati na ang ibang mga gadgets upang makapaghanda kung sakaling mawalan ng kuryente.
  4. Kung nakatira malapit sa bulkan, tutukan ang mga ulat at balita kung kinakailangang mag-evacuate.
  5. Kung walang face mask, maaaring gumamit ng basang tela bilang panandaliang face mask.

Mga empleyadong hindi papasok dahil sa natural calamities walang sanction, ayon sa DOLE

Isa ka ba sa mga nagpaalam sa mga nagpaalam na hindi pumasok ngayong kasagsagan ng Taal volcano eruption? Naglabas ang CNN Philippines tungkol sa mga kaalamang maaari mong ibahagi tungkol sa mga ipinapatupad na work suspension January 13, 2020 na galing mismo sa DOLE.

Ayon sa Department of Labor and Employment, o DOLE, sa Section 1 ng Article 5 ng Labor Code of the Philippines, sa panahong mayroong panganip galing sa natural calamity, maaaring magsuspinde ang mga private sectors upang unahin ang kaligtasan ng mga empleyado.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga panahong ito, hinahayaang makipag coordinate ang mga private company sa kani kanilang safety officers at magdeklara ng suspension of work day.

Taal volcano eruption

Taong 1977 ang huling naitalang pagputok ng Taal Volcano. Ngunit nitong mga nakalipas na taong 2011, 2012 at 2014 ay nagpakita ito ng mga palatandaan na ito ay maaring sumabog. Hanggang nitong January 12, 2020, kahapon, pumutok na nga ang bulkan. At ito ay nagdulot ng pag-ulan ng putik at abo sa Batangas at iba pang lugar sa Southern Luzon.

Sa kasalukuyan, ang Taal Volcano eruption ay nasa alert level 4. Ito ay nangangahulugan na maari itong pumutok ng mas malakas sa mga susunod na oras o araw. Na maaring maglagay sa kapahamakan sa maraming Pilipino na nakatira malapit sa kinaroroonan ng bulkan. Upang ito ay maiwasan ay nagsimula ng magsilikas ang naninirahan malapit sa lugar. At patuloy na naglalabas ng mga paalala ang kinauukulan para sa kaligtasan ng lahat na apektado ng Taal Volcano eruption.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit dapat bang ipag-alala ng mga Pilipino ang pagputok ng Taal Volcano?

Ang Taal Volcano ang pangalawa sa pinaka-active na bulkan sa Pilipinas. Noong 1754 naitala ang pinakamalakas na pagsabog ng Taal Volcano na tumagal ng halos pitong buwan. Ayon sa mga report, apat na bayan sa Batangas ang nalubog sa putik ng sumabog ang Taal Volcano ng taong ito. Noong 1911 Taal Volcano eruption naman ay naging sanhi ito ng pagkamatay ng 1334 na tao. Na kung saan pati ang ash fall nito ay umabot hanggang sa kalakhang Maynila.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo: Inquirer, www.freepik.com

Source:Manila Bulletin

Basahin: Mga first aid techniques na dapat malaman ng lahat ng magulang

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara