SAFETY TIPS: Dapat bang mag-alala sa pagputok ng Taal volcano?

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa pagputok ng bulkan at ang maari mong gawin upang maging ligtas sa mga oras na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Taal Volcano eruption nagpaulan ng putik at abo sa Batangas at iba pang lugar sa Southern Luzon.

Taal Volcano eruption

Taong 1977 ang huling naitalang pagputok ng Taal Volcano. Ngunit nitong mga nakalipas na taong 2011, 2012 at 2014 ay nagpakita ito ng mga palatandaan na ito ay maaring sumabog. Hanggang nitong January 12, 2020, kahapon, pumutok na nga ang bulkan. At ito ay nagdulot ng pag-ulan ng putik at abo sa Batangas at iba pang lugar sa Southern Luzon.

Sa kasalukuyan, ang Taal Volcano eruption ay nasa alert level 4. Ito ay nangangahulugan na maari itong pumutok ng mas malakas sa mga susunod na oras o araw. Na maaring maglagay sa kapahamakan sa maraming Pilipino na nakatira malapit sa kinaroroonan ng bulkan. Upang ito ay maiwasan ay nagsimula ng magsilikas ang naninirahan malapit sa lugar. At patuloy na naglalabas ng mga paalala ang kinauukulan para sa kaligtasan ng lahat na apektado ng Taal Volcano eruption.

Ngunit dapat bang ipag-alala ng mga Pilipino ang pagputok ng Taal Volcano?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Taal Volcano ang pangalawa sa pinaka-active na bulkan sa Pilipinas. Noong 1754 naitala ang pinakamalakas na pagsabog ng Taal Volcano na tumagal ng halos pitong buwan. Ayon sa mga report, apat na bayan sa Batangas ang nalubog sa putik ng sumabog ang Taal Volcano ng taong ito. Noong 1911 Taal Volcano eruption naman ay naging sanhi ito ng pagkamatay ng 1334 na tao. Na kung saan pati ang ash fall nito ay umabot hanggang sa kalakhang Maynila.

Normal na earth activity

Bagamat nakaka-panibago para sa atin ang pag-ulan ng putik at abo, ang pagputok ng isang bulkan ay isang kalamidad na normal na nararanasan ng mundo. Ayon nga sa United States Geological Survey o USGS ay may naitalang 50-60 na volcanic eruption sa buong mundo taon-taon. At taliwas sa haka-hakang mas dumadami ang pagsabog ng mga bulkan ngayon ay pinatuyan ng statistics mula sa Smithsonian’s Global Volcanism Program na ito ay hindi totoo. Naiiba-iba lang daw ang intensity at oras ng pagsabog ng bulkan. Ngunit normal lang daw itong aktibidad na nararanasan ng mundo taon-taon.

Ayon naman sa volcanologist na si Erik Klemetti na isa ring professor ng Geosciences sa Denison University sa Ohio, hindi usok ang makikitang lumalabas mula sa bunganga ng bulkan kapag pumuputok ito. Ito ay tinatawag na volcanich ash na binubuo ng maliliit na piraso ng lava at bato. At ito ay ang produkto ng matinding pagsabog sa loob ng bulkan. Dahil sa ito ay napakaliliit na inihahalintulad nga sa usok, ipinaalala ni Klemetti na napaka-delikadong malanghap ito ng tao. Ang maliliit na piraso ng abo na ito ay maaring pumasok sa ating lungs o baga na kapag humalo sa fluid na nasa loob nito ay magiging mala-semento. Delikado rin ang volcanic ash sa mga eroplano dahil kaya nitong sirain ang aircraft engines na maaring magdulot at mauwi sa isang aksidente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Safety tips para sa Taal Volcano eruption

Kaya naman dahil dito ay nagbababala na ang pamahalaan at mga eksperto para sa mga mamayang nakatira malapit at sa paligid ng Taal Volcano na lumikas at mag-doble ingat. Pinapayuhan din sila na magsuot ng mask bilang proteksyon mula sa pagkakalanghap ng delikadong abo. Ang uri ng mask na ipinapayong gamitin ay ang N95 mask. Kung walang mabili o magamit na N95 mask, ay maaring gumamit ng basang towel o bimpo at saka ito itakip sa ilong at bibig.

Dapat ding lumayo sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig sa paligid ng bulkan. Ito ay upang makaiwas sa lahar o pag-apaw ng mainit na lava mula sa bulkan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Kailangan ring makipag-ugnayan at makipagtulungan sa pamahalaan na sundin ang mga ginagawang preventive measures laban sa mas malaking sakuna. At higit sa lahat ay pairalin ang pagiging Pilipino at tulungan ang bawat isa na maging ligtas sa kabila ng kalamidad na ito.

Sources: Accuweather, USGS, Washington Post, Rappler

Photo: CNN

Basahin: Palasyo, hinihikayat na magsuspinde muna ng trabaho ang mga kumpanya

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement