Inanunsyo ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) nito lamang June 4. 2024 na ini-extend nila ang Taiwan visa free entry para sa mga citizen ng Philippines.
Visa free entry sa Taiwan extended nang isang taon
Good news para sa mga Pinoy traveler na nais makapaglibot sa bansang Taiwan! Muling na-extend ang visa free entry sa Taiwan para sa mga mamamayan ng bansang Thailand, Brunei, at Philippines. Ito ang inanunsyo ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) noong Martes.
National Theater and Guanghua Ponds, Taipei, Taiwan | Larawan mula sa Shutterstock
Matapos umano ang period of evaluation sa effectiveness ng measures na kanilang itinalaga noong nagdaang mga taon, na-grant na ang karagdagang isang taong extension sa visa free entry ng mga nabanggit na bansa kabilang na ang Philippines.
“MOFA will continue to review and fine-tune visa policies, with a view to strengthening bilateral exchanges and attracting more visitors while ensuring border and public security,” saad ng MOFA.
Sun-Moon Lake in Nantou, Taiwan | Larawan mula sa Shutterstock
“MOFA will also continue to communicate with the governments of related countries to enhance visa treatment for Taiwan nationals and make their overseas travel more convenient,” dagdag pa nito.
Matatandaang nang i-update ng Taiwan ang visa free bulletin nila noong mga nagdaang taon ay naibalik ang visa-free travel para sa mga Filipino mula August 2023 hanggang July 2024. At ngayon nga ay in-extend ito nang isa pang taon, hanggang sa July 2025.
Samantala, hindi eligible sa visa exemption ang mga diplomatic, official, at service passport holders.
Yushan National Park, Chiayi , Taiwan | Larawan mula sa Shutterstock
Excited naman ang mga Pinoy sa balitang ito.
Saad ng isang netizen, “Thank you to the COUNTRY of Taiwan for welcoming more Filipinos to visit your beautiful COUNTRY!”
Hiling naman ng isa pang netizen na sana raw ay gawin nang permanente na visa-free ang Taiwan para sa mga Filipino.
Ikaw mommy o daddy, kasama ba sa bucket list niyo ang pagpunta sa Taiwan with your family? Baka ito na ang tamang pagkakataon para bumyahe kasama ang pamilya!