Maraming bata ang takot sa injection.Para sa parents na ganito ang anak, narito ang mga tips na maaari ninyong gawin.
Mababasa sa artikulong ito:
- What is fear of needles
- 5 tips sa mga parents na may anak na takot sa injection
Fear of needles and injection
Mahirap talagang pakalmahin ang mga bata lalo kung usapin ng injection ‘yan. Marami kasi sa kanila ang may labis na takot dito. Base sa mga pag-aaral, halos 40 percent ng mga batang may edad 12 pababa ang takot dito. Habang 20 percent naman sa mga adolescents ang may fear dito.
Bakit nga ba nagde-develop ang ganitong phobia ng bata sa needle o injection?
Ayon sa mga eksperto, ito raw ay nakukuha sa tinatawag na ‘classical conditioning’. Ito ay kadalasan nagsisimula noong bata pa lamang kung saan nakaranas sila ng vaccine o anumang injection na labis nag-iwan ng pain para sa kanila. Dito nagsisimula ang kanilang takot at anxiety na kadalasang nadadala pa nila hanggang sa kanilang teenager years.
Para malaman kung mayroong phobia ang anak mo sa needle, mayroong dalawang sintomas daw ito ayon kay Dr. Amy Morse, isang pediatric psychologist :
- Makararamdam sila ng pagpapawis at nerbyos sa tuwing tatanggap ng injection. Ngunit susubukan nila itong pigilan para lamang matapos na.
- Sa mas malalang sintomas, makararanas sila ng vasovagal physical symptoms kung saan mahihimatay pa sila at magkakaroon ng mataas na heart rate.
5 tips sa mga parents na may anak na takot sa injection
Sa ganitong pagkakataon, labis na mahalaga ang tulong ng mga magulang. Lalo sa panahon ngayon na nakararanas tayo ng pandemya dahil sa virus na nagdudulot ng COVID-19. Hindi lang dapat mga adults ang dapat maturukan ng vaccine kundi maging ang mga bata upang mapanatiling safe sila.
Para matulungan nang maayos ang mga bata na kumalma sa kanilang vaccine appointment or any injection narito ang ilang tips:
1. Bigyan sila ng chance na magdesisyon
Ayon kay Dr. Morse, kung mayroon man daw unang makakaalam para maibsan ang tamot ng anak, dapat ay mga magulang ito. Dapat ay bigyan ng parents ng chance ang anak kung paano niya gusto i-receive ang vaccine or injection.
Sa mga pagkakataon na kailangang bigyan ng injection ang anak, dapat ay malaman ng mga parents ang gusto nito. Katulad ng gustong panoorin, kantahin o laruin bago ito turukan para maging kalmado muna.
2. Tiyaking nasa komportableng posisyon siya
Mas magiging maayos at mabilis daw kasi ang pagpapabakuna kung maayos ang posisyon ng bata. Natutulungan kasi nitong ma-increase ang comfort na dala sa anak mo kung nalalaman niyang naririyan ka o kaya naman ay nakaupo siya sa iyong lap. Sa ganitong paraan ay nababawasan nang bahagya ang takot na kanyang maaaring maramdaman.
3. Tulungan siyang madistract gamit ang mga bagay na interested niya
Madaling naikakalma ang batang nadi-distract sa activity na kanilang gusto. Halimbawa na lang ay kung habang binabakunahan ay pinapanood siya ng video na kanyang paborito. Maaari rin namang sabayan siya sa pagkanta o kaya naman ay kwentuhan siya upang hindi mapokus ang kanyang isip sa karayom.
4. Aralin ang iba’t ibang relaxation techniques
Makatutulong sa bata kung maipapakalma mo muna siya bago niya turukan. Maaaring i-practice ang slow and deep breaths kung saan bibilang hanggang tatlo sa pag-inhale ng bata at itutuloy hanggang apat na beses ang pag-exhale niya.
Effective rin ang pagii-squeeze ng kamay ng bata o kaya naman hayaan siyang magpisil ng stuffed toy sa kanyang kamay.
Isa pang maaaring gawin ay mag-drawing ng butterfly wings sa kanyang palad. Mag-inhale sa pagdrawing ng isang pakpak at exhale sa pangalawa.
5. Ikondisyon ang pag-iisip ng bata
Dito ay dapat na-aassist ng parents ang bata na makapag-identify ng kanilang worries o kaya naman ay negative thoughts. Heto ang ilan sa mga phrases na pwede niyong sabihin with your kids para lumakas ang kanilang loob:
- “Mommy/daddy is here. I am safe now.”
- “I’m proud of myself because I am strong and brave.”
- “I have done many things, I can do this one also.”
- “Mommy/daddy told me that this is helpful for me.”
- “The pain is just for seconds at it won’t last forever.”
Malaki ang maaaring maitulong ng ilang tips na ito upang ma-overcome ng bata ang takot sa needle. Ayon kay Dr. Morse kung napapansin naman daw na ang takot ng bata sa karayom ay labis nang nakaaapekto sa kanyang araw-araw na buhay ay dapat lang na kumonsulta na sa mga eksperto.
Kung sakali naman na hindi kumalma ang bata, maaari pa ring ipagawa sa kaniya ang ilang therapies na makatutulong para maibsan ang kaniyang pagkatakot sa iba’t ibang bagay.