Bakit ko laging nasisigawan ang anak ko? Anong nangyayari sa akin?

Hindi mo ba mapigilan ang anger problem mo at nasisigawan mo ang iyong anak? Narito ang tamang pagdisiplina sa anak mula sa isang mommy rin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tamang pagdisiplina sa anak

Sobrang nakaka-drained ba ang araw na ito dahil sa’yong stressful work, mommy? Hindi mo na rin nagawang uminom ng favorite mong tea dahil dito! Sumasakit na rin ang iyong ulo sa halo-halong stress na iyong nararanasan. Dumadagdag pa ang iyong mga anak na hindi magkasundo sa show na papanoorin sa Netflix.

At dahil sa pinagsama-samang stress, masisigawan mo sila ng hindi inaasahan. Ang tendency nito, mapapatigil sila sa kanilang ginagawa at hindi maiiwasang matakot sa’yo. Maaaring sila ay umiyak, malito o kaya naman ay lumayo sa’yo.

Mapapatanong ka na lang sa iyong sarili, ano ba ang mali sa’kin?

Ilang weeks pa lang ang nakakalipas ng ma-experience ko ito. Naalala ko ‘non, naghahanda ako ng breakfast. Tinawag ko ang panganay ko para sabay kaming kumain. Pinakuha ko rin ang lunch box sa kanya. Kinuha naman niya ito agad pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. Yung lunch box kasi, basag at sira. Syempre, hindi ko napigilang magtaka at tanungin siya kung anong nangyari. Ang sabi niya, basag na daw ito nang kunin niya sa kwarto. Hindi ko alam pero nagalit talaga ako at tinanong siya ulit kung anong nangyari. At dito na siya nagsimulang umiyak. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ako nakapag-kape o dahil lang sa PMS ko pero nagalit talaga ako sa panganay ko at napasigaw.
Alam kong mali na sinigawan at pinagalitan ko ang anak ko pero, hindi ko talaga alam kung bakit ko nagawa ‘yon.
Pagkatapos ng pangyayaring ‘yon, sobrang nagsisi talaga ako sa nagawa ko. Alam ko naman na hindi lang ako ang mommy na nakakaranas ng ganito. Hindi naman kasi solusyon ang paninigaw at pagkagalit sa iyong anak.
Pero ano ba ang dapa kong gawin sa mga ganitong situation?

Tips sa tamang pagdisiplina sa anak

Sa mommy na nagbabasa nito, sana makatulong ang article na ito para sa’yo. Hindi ako perfect at may anger issues din pero ginagawan ko agad ito ng solution para hindi lumaki ang problema. Lahat tayo ay nagkakamali kaya ‘wag mo masyadong i-pressure ang sarili mo.

Ngunit sa ganitong pagkakataon, ano ba dapat ang tamang gawin sa pag-handle ng problema?

1. Umalis muna sa eksena at kumalma

Makakatulong sa’yo kung lalayo ka muna at mapag-isa. Huminga ng malalim at kumalma. Makakatulong kasi ang pagiging kalmado mo para hindi na madagdagan ang mga nasabi mong masasakit na salita sa anak mo. Pwede mong i-try ang iba’t-ibang way ng pampakalma. Katulad ng meditation, breathing exercises, pakikinig ng music, pagsusulat o pagpepaint. Kapag alam mong kalmado kana, i-ready mo na ang iyong sarili upang harapin ang anak mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Humingi ng tawad at makipag‐usap sa iyong anak

Bilang nakakatanda ang tamang pagdisiplina sa anak ay dapat isaalang-alang. Humingi ng tawad sa’yong anak at alamin kung ano ba talaga ang nangyari. 

Alam mong ang pagsigaw ay hindi makakatulong sa iyong anak. Makapagdudulot lang ito ng frustration at dilemma sa kanya. Pwede ring lumayo ang loob ng anak mo sa’yo dahil masyado siyang nasaktan sa mga sinabi mo. Kaya mas mabuting humingi ng tawad sa kanya.

Tandaan: hindi nito sinisira ang iyong awtoridad bilang isang magulang. Bagkus, itinuturo nito sa kanila, na kahit na sino ka, kahit gaano kalaki o maliit ang pagkakamali, kailangan mong humingi ng taos-pusong pagpapatawad.

Sa una, siguro iniisipan mo pa ng dahilan kung bakit ka nagalit o sumigaw ngunit alam kong hindi iyon tama. Ano ang pinakambisang paraan ng paghingi ng patawad? Maaaring sundin itong formula. Ang paghingi ng tawad + pag-amin ng kasalanan + pangangako na babaguhin ang iyong ugali.

Mga salitang HINDI tama:

“Sorry, pero ikaw kasi eh.” “Anak, sorry na, pero ginalit mo kasi si mommy.” “Sorry, pero bakit ‘di ka kasi nakikinig sa akin?” “Sorry, akala ko nagsinungaling ka kasi sa akin.”

Mga salitang maaaring sabihin:

“Pasensya na nasigawan kita. Susubukan ko nang pigilan ang pagsigaw at pagiging magagalitin.” “Sorry sa mga nasabi kong masasakit na salita. Alam kong hindi ko dapat sinabi ‘yon at dapat ay mahinahon akong makipag‐usap sa’yo.” “Pasensya na nagalit ako dahil sa naisip ko. Nangangako akong makikinig at maniniwala ako sa’yo kapag may sinabi ka sa akin.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Dreamstime

3. Makinig sa kanila

Matapos mong humingi ng tawad, hilingin sa kanila na pag-usapan ang kanilang naramdaman at naisip. Maganda itong pagkakataon upang malaman kung ano ba talaga ang nangyari. Ang goal ng iyong pakikipag-usap ay para malinawan sila kung bakit ka nagalit sa kanila, at kung sila naman ang may pagkakamali, para marealize nila ang kanilang nagawa.

Cause-Effect discussion:

“Bilang mommy mo, ano sa tingin mo ang mararamdaman ko kung nalaman kong nagsisinungaling ka?” “Bilang mommy mo, ano sa tingin mo ang mangyayari kung patuloy mong ginagawa ang pagkilos na ito?” “Ano sa palagay mo ang magiging reaksyon ko kung hindi mo makinig sa sinabi ko sa iyo?” “Ano ang mararamdaman ni lola kung nagpapatulong siya, at hindi mo siya sinunod?”

Bilang isang magulang, nakakatakot isipin na hindi natin alam kung ano ang iniisip o nararamdaman ng ating mga anak. Dahil kapag nagsimula na silang maglihim, dito na nasisira ang relasyon at tiwala ng isa’t isa. Para maiwan ito, humanap ng time at gumawa ng effort para makipag-usap ng mahinahon sa’yong anak.

4. Makipag‐ugnay sa kanila sa personal na level

Pagkatapos ng pag-uusap namin, alam kong hindi pa talaga siya okay. Ramdam ko pa rin yung tensyon at takot na nararamdaman niya sa’kin. Kaya ang ginawa ko, nagshare ako sa kanya kung ano ang mga ginagawa ko nung ka-edad ko siya. Kung paano kami dinidisiplina kapag hindi kami sumusunod sa utos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagsheshare sa anak ng ganitong karanasan ay para hindi sila takutin. Kundi para maintindihan nila na sinusubukan mo lang na itama ang kanilang pagkakamali. Ito rin ang paraan para malaman nila na minsan ka ring naging bata at pinagdaanan mo rin ang mga pinagdaanan nila ngayon. Sa pagkakataong ito mararamdaman ng anak mo na kahit magkaiba kayo ng pinanggagalingan, ay mayroon kayong pagkakapareho ng karanasan. At sinusubukan mo pa ring maging mas mabuti at maintindihing magulang.

5. Muling balikan ang inyong napag‐usapan.

Ito ang isa sa mahalagang step na dapat mong gawin matapos ang misunderstanding niyo ng anak mo. Sa kabila ng sakit na naramdaman ng iyong anak, kailangang matandaan niya na mayroong aral siyang makukuha sa pag-uusap niyo. Dito mo siya miintindihan at dito ka niya maiintindihan. Imbes na ikaw ang magsabi ng aral, mas mainam na manggaling ito mismo sa iyong anak. Huwag gumamit ng mapanghusgang mga salita. Ang mabisang formula? Humingi ng tawad sa iyong pagkakamali + mangako ng pagbabago ng ugali + hingin ang kanilang natutunan.

Sa halip na:

“Anak, nagsisisi ako kung nagalit ako at sumigaw sa iyo. Sa susunod, huwag kang magsinungaling sa akin para di na ako magalit.”

Ito ang dapat mong sabihin:

“Anak, sorry kung nagalit at nasigawan ka ni Mommy. Promise, next time makikinig na ako sa’yo ng mahinahon. Para maiwasan natin ang misunderstanding, ano sa tingin mo ang best way para magkaintindihan tayo?”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Shutterstcok

Sa pagkakataong mapagalitan at masigawan natin ang ating mga anak, walang maitutulong kung i- focus natin na nakagawa tayo nang mali sa kanila. Maraming posibleng dahilan kung bakit natin ito nagawa, pero ang dapat nating tandaan ay pwede pa natin itong baguhin at ayusin. Kung tutuusin, ito’y magandang senyales na gusto mong mas maging mabuting magulang sa kabila ng pagkakamali.

 

Republished with permission from The Wander Mom Blog

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

The Wander Mom Blog is by War (yes, that’s really her name), also known as The Wander Mom.

More about the author:

I am a full-time single mom of 2, and a sales & marketing employee for most of my waking hours. I enjoy long walks, repetitive music, a warm cup of coffee with my daily drag, and great conversations with non-strangers. I’m a neophyte blogger and creative, but I started writing when I was 8. All notes gone and destroyed, left as memories I could no longer get back, I have decided to reclaim my long lost love for writing and life. This is my continued attempt to write and create memories and make a positive impression on this world, one article at a time. Join me in my crazy amazing journeys and evolutions and explorations into food and travel, culture and the arts, prose and poetry, and motherhood and adulting through my writing.

 

BASAHIN: Pinapalo ko ang anak ko, ito nga ba ang tamang disiplina sa mga bata?

Sinulat ni

Mach Marciano