Safe at tamang paghiga ng buntis upang makaiwas sa stillbirth
Ugaliin ang tamang paghiga ng mga buntis. Ito ay isang mahalagang bagay na kailangan bigyan ng pansin upang makaiwas sa stillbirth.
Ugaliin ang tamang paghiga ng mga buntis. Ito ay isang mahalagang bagay na kailangan bigyan ng pansin upang makaiwas sa stillbirth.
Ugaliin ang tamang paghiga ng buntis
Ang pagbubuntis ng isang ina ay isang mahalagang tagpo ng buhay. Halo-halo ang mararamdaman mo dito, saya, excitement kaba at takot. Nariyan rin ang madaming tanong na umiikot sa iyong isipan. Isa na diyan ang tamang paghiga ng isang buntis kapag matutulog. Kung ikaw ay isang buntis, maaaring narinig mo na isa sa mga dapat ugaliin ay ang tamang paghiga o sleeping position ng buntis para mapanatili ang ligtas na pagbubuntis.
May ibang sleeping position sa pagbubuntis ang maaaring makapagdulot ng stillbirth. Ating alamin kung ano ba talaga ang mga pinakasafe at tamang paghiga ng buntis! Sasagutin rin namin ang mga most common question patungkol sa sleeping position ng buntis. Pero una sa lahat,
Bakit nga ba kailangang iwasan ang matulog pahiga ng mga pregnant mom?
Ayon sa research, ang pagtulog ng isang buntis pahiga ay nakakapagpataas ng risk factor ng stillbirth.
Kadalasang payo ng mga eskperto sa mga pregnant mom ay matulog sa ng patagilid o yung tinatawag nating sleep on side. Ito ay kahit na anong ganap sa pagtulog ng buntis. Katulad ng pagtulog sa gabi, pagbalik sa pagkakatulog matapos magising o kahit pa sa mga pag-idlip sa araw.
Don’t worry mommy! Ang iyong risk factor sa pagkakataong ito ay mababa. Sa 200 na baby, 1 sa kanila ang isinisilang na stillborn. Nakapagpababa lamang ng tyansa ang pagtulog sa side.
Pero ano ang gagawin mo kung nagising kana lamang mula sa pagkakahiga patalikod kahit na natataandaan mo na natulog ka sa iyong side? Makakaapekto ba ito kay baby? Paano naman sa iyong partner na sobrang malikot matulog sa gabi? Makakaapekto ba ang kamay niyang tatama sa tummy mo kapag nagkataon?
Tamang paghiga ng buntis: Common questions
Kami sa theAsianparent ay naglista ng mga karaniwang tanong tungkol sa safe na pagtulog habang nagbubuntis. Ito ay para makatulong sa’yo na maiwasan ang stillbirth.
1. Ano ang gagawin ko kapag nagigising na lang ako sa gabi na natutulog paghiga?
Maaari kang bumili ng mga sleeping aids o sanayin ang sarili sa mga safe measures para masigurong makakatulog na sa iyong side. Pero malibang dito, dapat ka bang kabahan kapag magigising kana lang sa gabi na natutulog ka patalikod imbes na patagilid?
Ang sagot? No, mommy. ‘Wala kang dapat ikabahala.
Ayon sa research ng The Lancet, ang huling posisyon sa gabi bago ka makatulog ay ang posisyon na matagal maiba o matagal na posisyon sa pagtulog.
Ang malaking pregnancy bump ang isang dahilan kung bakit nagigising ang isang buntis kapag nakakatulog sa posisyong pahiga. Maraming buntis ang naitalang nagigising dahil sa sipa ng kanilang baby sa tyan o kaya naman sa uncomfortable na sensation sa malalim na pagtulog.
Ang golden rule dito ay dapat matulog sa iyong gilid lagi. Kung magigising ka na lamang sa gabi na nakahiga patalikod, ‘wag kabahan! Ang dapat mo lang gawin ay bumalik sa dating posiyon patagilid.
2. Ilang oras ang dapat na tulog ng isang buntis?
Nagiging mahirap ang pagtulog ng isang buntis dahil sa iniindang sakit at issue sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Katulad ng mabigat na uterus, pagkakaroon ng cramps sa hita at pananakit ng pwet.
Malamang ay natanong mo na ang ibang mommy kung paano sila nakakatulog ng maayos noong sila ay buntis. Mula sa ‘pagtulog ng dalawang oras’ ay nagiging ‘enjoyin mo na lang matulog kapag may pagkakataon’. Maaaring ganito ang scenario at oras-oras mong iniisip kung paano nga ba makakatulog ng maayos at payapa sa lahat ng episode na nangyayari sa pagbubunti?
Ayon kay, Dr Kathy Lee, professor of nursing sa University of California San Francisco, mahalagang tandaan ng mga mommy ang imortanteng benefits ng good sleep “mothers-to-be spend at least 8 hours in bed each night so they can get at least 7 hours of sleep.”
Ayon sa pag-aaral na ito, ang mga first time mommy na natutulog ng less than 6 hours ay 4.5 times more likely na sumasailalim sa C-section kapag manganganak. At ang average na oras ng kanilang panganganak ay umaabot ng 10 oras o higit pa. Ito ay kumpara sa mga first time mom na antutulong ng higit pa sa 7 hours.
Dagdag pa ni Dr. Lee na kailangan ng tama at sapat na pagtulog ang isang buntis. “they can’t keep going on the same amount of sleep they got before becoming pregnant.”
Ayon naman kay Dr. Grace Pien, assistant professor of medicine ng Johns Hopkins University School of Medicine, ang mga buntis na hindi nakaktulog ng maayos at mayroon lamang 5 to 6 hours na pagtulog sa gabi ay mataas ang risk factor na magkaroon ng gestational diabetes,
“Pregnant women who are not getting enough sleep, less than 5 or 6 hours of sleep a night, probably are at increased risk for things like gestational diabetes, and potentially for things like preeclampsia.”
Narito ang ilang tips para masigurado ang maayos na pagtulog ng buntis:
- Maagang humiga o pumunta sa kama
- Subukang umidlip o magpahinga sa araw
- Mag stroll sa hapon o early evening
- Iwasan ang caffeine o tea lalo na bago matulog
- Para marelax at maset ang mood ng pagpapahinga, maaari kang mag long bath, magbasa, makinig ng mga soothing music, manood ng TV o kaya naman magpamasahe sa anak o asawa
- Maiiwasan ang nighttime cramps kung sasanayin ang sarili na mag stretch ng calf muscles, maging aktibo sa araw at pag-inom ng mgadaming fluids. Maaari ring magdagdag ng mga pagkaing mataas sa magnesium katulad ng whole-grain bread, pasta, beans, nuts, seeds at dried fruit. Dahil ang pagkakaroon ng mababang level ng magnesium sa katawan ay nagdudulot ng leg cramp. Maaari mong tanungin ang iyong gynaecologist para sa magnesium supplement.
3. Paano kung napapasobra na ang tulog ko?
Ayon sa pag-aaral ng Birth, napag-alaman na ang sobrang pagtulog ng isang buntis ay maaari ring magresulta sa late stillbirth. Ang sobra sobrang pagtulog (mahigit 10 hours) ay maaaring maghatid o tumaas ang risk factor ng preeclampsia.
Ayon din kay Louise O’Brien, research associate professor ng neurology sleep disorders center and in obstetrics and gynecology sa University of Michigan, “there’s been a lot of public attention paid to sleep deprivation and its impact on health, but not as much to lengthy — perhaps too much — sleep, especially when it comes to pregnancy.”
Base sa findings, napag-alaman na ang 30% ng mga sumailalim sa stillbirth ay nakakatulog ng sobra sobra sa last month ng kanilang pagbubuntis kumpara sa 16% ng mga buntis na nagsilang ng live-born babies.
Dagdag rin ni O’Brien, isa sa mga significant na rason nito ay ang iba -ibang sleeping patterns ng isang buntis.
“Given that a similar proportion of women in the stillbirth and live-birth group were long sleepers before pregnancy, but during pregnancy the stillbirth group had a significant increase in the proportion of women having long sleep, it would appear that it could be the change in sleep duration during pregnancy that is important, Being a lifelong long sleeper versus a pregnancy-associated long sleeper could be the difference.”
“Women often worry when they wake up several times during the night when they are pregnant, but it may be protective in this case,”
Ayon kay O’Brien, umaabot sa lowest point ang blood pressure kapag tulog pero bumabalik rin sa normal kapag nagigising. “These short-lived rises in blood pressure may prevent extended periods of low blood pressure, which has been linked to fetal growth problems, preterm birth and stillbirth”
Kung napapansin mo na ang pagkakaroon ng sobra sobrang pagtulog sa gabi na umaabot sa 9 hours o higit pa, maaaring gumawa ng periodic alarm at subukang ibahin ang sleep pattern para maiwasan ang banta ng stillbirth.
4. Natatakot ako na baka matamaan ng kamay o paa ng asawa ko ang tyan ko habang natutulog kami.
Maaaring ito ay masakit o nakakatakot para sa’yo pero hindi agad agad masasaktan ang iyong baby kapag natamaan ito. Ito ay dahil protektado siya ng madami at makapal na facets katulad ng buto, muscles at fascia.
Lahat ng blunt force na ito ay kailangan munang dumaan sa iyong belly bago maramdaman ng iyong baby sa tyan na napoprotektahan ng amniotic fluid.
Iba naman ang kaso kapag tumama ang tyan mo kapag nalaglag ka. Isama pa ang car accident o severe trauma na maaaring makapagsulot sa placenta mo na madislodge mula sa uterus, ang tawag rito ay abruption.
Kaya naman ang simpleng pagtama ng paa o kamay ng iyong asawa sa tyan habang nagtutulog kayo ay hindi makakagawa ng seryosong problema.
Maaari kang matulog na may unan na nakapagitna sa inyong mag-asawa o bata na natutulog sa tabi mo kung ikaw ay nangangamba pa rin.
5. Paano kung malaglag ako mula sa pagkakatulog?
Ang pagkakalaglag ay maaaring makapagdulot ng seryosong problema sa iyo at sa baby. Bisitahin ang iyong gynaecologist kapag nangyari ito at bantayan ang mga signs na ito na maaaring pagmulan ng problema:
- Vaginal bleeding o fluid leakage
- Uterine contractions o labour pains
- Sobrang pananakit ng tyan
- Pagkahilo
- Hirap sa paghinga
- Pagbigat ng kilos ng iyong baby
Mabuting mag ingat ng lubusan upang maiwasan ang pagkalaglag sa kama. Maaari kang maglagay ng barrier sa dulo ng kama gamit ang pregnancy pillow para maiwasan ito.
Translated with permission from theAsianparent Singapore.
BASAHIN: Ang tamang sleeping position ng buntis upang makaiwas sa stillbirth
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- Ang tamang sleeping position ng buntis upang makaiwas sa stillbirth
- Ano ang tamang posisyon sa pagtulog ng buntis? Tamang posisyon sa pagtulog bawat trimester
- This amazing baby saves her family's life
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."