Ang pagtulog ay may importanteng papel na ginagampanan para sa bawat tao lalo na sa mga bata. Ayon sa ilang mga pag-aaral ang tamang tulog ng bata ay nababase sa iba’t ibang oras at nagbabago depende sa edad.
Narito ang mga bagay na importanteng malaman ng mommies at daddies upang maging benepisyal ang pagtulog ng ating mga anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ilang oras dapat matulog ang bata?
- Mga benepisyo ng sapat at tamang tulog ng bata?
- Anong oras nga ba dapat matulog ang isang bata?
- Mga tips para magkaroon ng healthy sleeping habit.
Ilang oras dapat matulog ang bata base sa edad nito?
1. Para sa mga batang wala pang isang taong gulang
Ayon sa WHO, ang mga sanggol na may edad 3 buwan pababa ay dapat nakakakuha ng 14 hanggang 17 na oras nang tulog sa isang araw. Ang mga may edad 4 hanggang 11 na buwan naman ay dapat nakakakuha ng 12 hanggang 16 na oras nang tulog.
Inirerekomenda rin ng WHO na iwasan lumagpas ng mahigit isang oras sa stroller, high chair o mga carrier ang mga batang wala pang 1 taong gulang.
2. Para sa mga 1 hanggang 2 taong gulang na mga bata
Ayon sa pag-aaral, kailangan ng mga bata na may edad 1 hanggang 2 taong gulang ang 11 hanggang 14 na oras ng tulog. Kasama na sa bilang na ito ang kanilang mga siyesta at pag-idlip. Sa kabila ng pagpapahinga na ito, kailangan din nila ng hindi bababa sa 3 oras na iba’t ibang pisikal na aktibidad sa isang araw.
Tulad nang sa mga wala pang isang taong gulang na sanggol, iwasan din ang lumagpas ng mahigit isang oras sa stroller, high chair o mga carrier ang mga batang wala pang 1 taong gulang.
3. Para sa mga batang edad 3 hanggang 5 taong gulang
Ang mga batang nasa ganitong edad ay kinakailangang makakakuha ng 10 hanggang 13 oras ng tulog. Sa edad na ito ang pagtulog ay nakakaapekto sa emotional development ng bata.
Ayon sa pag-aaral ang mga sa ganitong edad, maaaring mayroong iba’t ibang nap habits ang mga bata. Ang mga batang natutulog tuwing umaga ay may kakayahang matulog late sa gabi. Habang sila ay lumalaki mas kumokonti ang kanilang oras ng pagtulog nila sa umaga.
Mga benepisyo ng tamang tulog ng bata
Ang pagtulog ay ang pundasyon ng malusog na pag-unlad ng isang bata. Samakatuwid kinakailangan ng bata ng maraming oras ng pagtulog. Karamihan sa kanila ay ginugugol ang 40% ng kanilang pagkabata sa pagtulog.
Alamin natin kung ano nga ba ang magandang epekto nito sa ating mga anak
- Motor Skills: Kung ang iyong anak ay mahina at hirap makapag-focus, maaaring resulta ito ng kakulangan ng tamang oras ng tulog. Ang kulang sa tulog ay mayroong mga negatibong epekto sa utak at katawan ng bata. Ito rin ay nakakaapekto sa kaniyang physical coordination. Kaya naman mahalaga ang sapat na tulog para sa mga bata.
- Growth: Ang tamang tulog ng bata ay makatutulong sa tamang paglaki nito. Sa tuwing ang iyong ay anak ay natutulog, naglalabas ang kaniyang katawan ng growth hormones, rason kung bakit importante ang tulog para sa mga bata.
- Malusog na Timbang: Ang mga batang hindi nakakakuha ng sapat na tulog ay may mas malaking tyansa na bumigat ang timbang. Ang kakulangan sa tulog ay naglalabas ng stress hormones sa katawan na siyang nagreresulta sa stress eating. Kaya inirerekomenda na makuha ng bata ang tamang oras ng tulog para sa kaniya.
- Learning: Ang batang may tama at sapat na tulog ay mas umuun ang cognitive abilities. Dahil sila ay mayroong sapat na tulog mas nakakapag-focus at mas natututo sila.
- Healing: Dahil ang katawan ay nire-repair ang sarili nito tuwing tayo ay namamahinga, ang mga bata na nakakakuha ng tama at sapat na tulog ay mas mabilis gumaling mula sa sugat, pasa at iba kumpara sa ibang batang hindi nakakatulog ng maayos.
Anong oras nga ba dapat matulog ang isang bata?
Pinapatulog mo ba ng maaga ang iyong anak bilang parusa sa kakulitan nito? Mga mommies at daddies iwasan natin ito, dahil maaari lang itong makasama sa bata.
Ayon sa ilang pag-aaral ang mga bata na pinapatulog ng maaga ay mas madaling ma-distract, maging hyper, mangulit o ‘di kaya ay mas matulog sa mahabang oras.
Sa kabilang banda ang pagtulog naman ng late sa gabi ay may sariling negatibong epekto, mas nagiging grumpy at madaling makaranas ng pagod ang bata.
Kailangan nga ba ang tamang oras ng pagtulog ng bata?
Ito ay nakadepende sa edad at sa oras kung kailan niyo gustong magising ang inyong mga anak. Halimbawa kung anak mo ay 5-year-old na kinakailangang magising ng 6:15 ng umaga, siya ay dapat matulog na ng 7:00 ng gabi.
8 easy tips upang magkaroon ng healthy sleeping habit ang bata.
- Siguraduhin na patulugin ang bata sa oras kung saan makakakuha sila ng sapat na tulog base sa kanilang edad. Kung ang iyong anak ay hindi natutulog ng sapat. Patulugin sila ng 15 to 20 minutes na mas maaga kaysa sa kanilang oras na nakasanayan.
- Mag-set ng regular na schedule para sa tulog ng bata. Ang pagtulog ng iyong anak ay hindi dapat lumagpas sa 30 minutes hanggang 45 minutes kada araw.
- Umpisang gumawa ng schedule sa paggising ng bata. Sundin ang schedule na ito at gisingin sila isang linggo bago mag-umpisa ang klase.
- Gumawa ng bedtime routine na nakakapagpa kalma at nakakatulong upang makatulog ang bata ng maayos.
- Siguraduhin 60 minutes bago matulog ay hindi na gumagamit ng gadgets ang iyong anak upang maiwasan ang hirap sa pagpapatulog dito.
- Iwasang pakainin o painumin ng mga pagkaing nagtataglay ng caffeine at sobrang asukal ang inyong mga anak lalong-lalo na sa hapon o bago matulog. Ito ay posibleng maging dahilan upang mas maging aktibo ang bata at mahirapang matulog.
- Tulungan ang iyong anak na maihanda sa pagtulog, paano? Siguraduhing nagkaroon sila ng sapat na physical activity tuwing umaga. Ipinapayo na magkaroon ang bata ng at least isang oras ng physical activity.
- Importante ring maging good example sa inyong mga anak, bilang mga magulang gawin din ninyong priority ang pagtulog para sa inyong mga sarili.
Tandaan: Importante ang pagtulogpara sa mga bata upang masiguro na sila ay may malusog na pangangatawan at matalas na isipan.
Karagdagang ulat mula kay Joyce Ann Vitug
Source:
Cleveland Clinic, Sleep.org, MedicineNet, MedicAlert
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.