Tips ni Teacher: Paano tuturuang maging magaling sa Filipino ang anak

Narito ang teacher tips ng kung paano madedevelop ang filipino language ng anak mo! Bakit nga ba importanteng malaman ito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Teacher tips for filipino language

Bilang isang magulang, hindi mo talaga mapipigilan ang anak mo na matuto ng ibang lenggwahe na katulad ng Ingles. Dahil halos 65% ng populasyon dito sa Pilipinas ay nagsasalita ng Ingles.

Hindi naman masama ang matuto ng iba pang salita ang iyong anak. Makakatulong pa nga ito sa pagpapalawak ng kanyang kaalaman pagdating sa lenggwahe. Hindi rin siya mahihirapan makipag-communicate sa ibang tao dahil nga dalawa o higit pa ang kanyang nalalaman na salita.

Nagiging big deal na lang ito kapag nakakalimutan ng isang bata ang kanyang mother tongue na Filipino.

Bago matuto ang isang bata sa paaralan, sa loob ng bahay muna nito natututunan ang mga salitang katulad ng “Mama” o “Papa” na tatatak sa kanilang isip. Kaya mahalagang malaman ng mga magulang na importante ang lenggwaheng ituturo nila sa kanilang anak sa unang mga taon nito.

Teacher tips filipino language | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips ni Teacher: Paano tuturuang maging magaling sa Filipino ang anak

Ano nga ba ang opinyon ng mga tumatayong pangalawang magulang ng iyong anak sa paaralan sa usaping ito?

Ayon kay Professor JP Barcelona ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, maaaring makatulong ang Arts sa pagpapaunlad ng pagsasalita ng Filipino ng iyong anak.

Of course, magiging posible lang ito kung kasama ka ng iyong anak sa pagkatuto niya ng ating salita.

  • Magbasa ng dictionary

Para maka-discover ng bagong mga salitang maaari mong ituro sa iyong anak, marapat lang na magbasa ng dictionary o hindi naman kaya’y sanayin siyang magbasa ng tagalog dictionary. Walang pinipiling edad ang pagbabasa ng diksyonaryo. Lahat ay pwede magbasa.

Makakatulong ito sa iyong anak upang mapalawak ang kanyang vocabulary sa tagalog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Makinig ng OPM

Hindi naman maitatanggi na malakas talaga ang hatak ng music kahit sa mga bata. Sa pakikinig ng mga kanta, marami ang pwedeng madevelop sa isang bata. Nandyan ang potensyal nila sa music at mabilis na pagsasalita. Mas makabubuti kung sa umpisa pa lang, ine-expose mo na ang iyong anak sa filipino music o mas kilala bilang OPM.

Magugulat ka na lang, isang araw nagsisimula nang kumanta ang iyong anak ng ng filipino songs!

  • Gamitin ang mga bagong salitang natutunan

Mas magiging effective ang pag-aaral ng iyong anak ng mga tagalog words kung gagamitin niya ito sa pang araw-araw na salita. Maglaan ng oras sa iyong anak para sa pag-aaral ng tagalog. Halimbawa, tanungin siya kung ano ang kahulugan ng isang tagalog word o kaya naman kung ano ang tagalog word ng isang english ng salita.

  • Manood ng local films

Kung palagi nang nanonood ang iyong anak ng foreign cartoons at dito sya natututo ng ibang englsih words, bakit hindi mo naman siya sanayin sa mga local educational shows dito sa Pilipinas? Panigurado, mas lalo niyang maiintindihan ang mga salita at ginawa rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Keep practicing and learning.” -Prof. JP Barcelona

Teacher tips filipino language | Image from Unsplash

Halos hindi naman naiiba ang binigay na advice ng isa pang propesor mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina na si Professor Ray Jimeno tungkol sa pagtuturo ng mga magulang ng tagalog sa kanilang mga anak.

  • Kausapin ang iyong anak gamit ang tagalog

Ayon kay Prof. Jimeno, isa sa pinaka basic na way ng pagpapabuti ng iyong anak na magsalita ng tagalog ay kausapin lang sila gamit ang ating sariling lenggwahe.

Ang paulit-ulit na salitang kanyang naririnig ay makakatulong sa kanya para ma- familiarize sa filipino. Mas maganda kung tanungin mo pa ang iyon anak tungkol sa mga alam niyang tagalog words. Halimbawa, ipakita ang lapis o papel at tanungin kung ano ang tawag sa naturang bagay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dito mo malalaman kung gaano kalawak ang vocabularu niya sa filipino.

  • Teamwork ng magulang at guro

Hindi lang dapat ang guro ang nagtuturo sa iyong anak ng filipino. Hindi lang dapat nag-aaral ang iyong anak sa oras ng subject nila ng Filipino sa school. Mas mabuti kung magbibigay ng rule na piliting magsalita ng tagalog words sa oras na ito. Dahil bata, machachallenge ang iyong anak sa ganitong mga bagay. Pipilitin niyang mag-sip ng mga tagalog words na bihira lang niyang ginagamit.

Magandang practice ito para sa iyong anak.

  • Manood ng local films

Mas advisable na ipanood sa iyong anak ang mga age-appropriate films na tamang-tama sa iyong anak. Piliin ang mga palabas na makaka-relate siya. Isa na rin itong way para ma-familiarize siya sa mga tagalog words habang natututo siya ng aral na hatid ng naturang palabas.

Mommy, ‘wag lang kakalimutan na dapat nasa tabi ka niya habang nanonood. Likas kasi sa mga bata ang magtanong ng magtanong tungkol sa mga bagay na hindi pamilyar sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“First and foremost talk to your kids in Tagalog habang bata pa sila. Teamwork kasi yan ng parents and teachers.”

-Prof. Jimeno

Teacher tips filipino language | Image from Unsplash

 

Ikaw mommy? Ano ang sarili mong way para turuan ang iyong anak na mapabuti sa Filipino?

 

BASAHIN: 10 Philippine folktales and stories for kids

Sinulat ni

Mach Marciano