LOOK: Internet star Jelai Andres at Ex Batallion member Jon Gutierrez nagkabalikan na?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jelai Andres at Jon Gutierrez—ang Team Jolai ay nagkabalikan na!

Bali-balita nga na nagkabalikan na di-umano ang internet star Jelai at Ex Batallion Jon o mas kilala bilang Team Jolai.

Sa isang kumakalat na video, wari’y nasa isang event si Jelai kung saan present din ang ex-husband na si Jon.

Naghihiyawan nga ang mga tao dahil parang nagkaroon ng comeback ang mag-asawa sa video at naghihiyawan pa ang mga tao ng “Kiss! Kiss!”

May mga negatibo at positibong komentong nakuha ang video ng “comeback” di-umano ng dalawa.

Isa sa mga negatibong komento ng YouTube video post ng isang fan, “Napressure lang jan si jelai kasi maraming audience.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroon namang isa na nagsabi, “Nagcheat na yung partner mo ng dalawangg beses, tapos tatanggapin mo pa rin? Jelai, already clinically diagnosed as depressed that time. Tapos gusto nyo magbalikan pa rin sila? I still stan Jelai, only Jelai. She deserves better.”

May isa rin naman na suportado ang kanilang pagbabalikan, “Hindi Sa Marupok, Mag Asawa Sila Kaya Dapat Ayusin Talaga Nila Wag Kayong Bitter Hindi Naman Kayo Ung Karelasyon Nila”

Isa pang suportado rin ang kanilang balikan di-umano, “Wag kaung gnyan mga (putang ina) nyong bitter na walang mga jowa, mag asawa yan tandaan nyo! Nag sumpaan to sa Diyos sa hirap at ginhawa, tas kaung mga putang ina nyong bitter kau gusto nyo mag hiwalay sila? (Ina) nyo!” (remove yung PI or replace)?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroon namang isa na nagsabi’y nagkasama lang sila sa isang event, “Hindi pa ata sila nagbalikan, pero mukhang okay sila. Chill lang tayo guys hahahahaha. check nyo IG ni jon, nagkasama lang talaga ata sila dyan sa event.”

Break-up story

Nasubaybayan nga ng mga netizens lalo na ang supporters ng Team Jolai ang simula at pagwawakas ng love story nila Jelai Andres at Jon Gutierrez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Jelai, 2015 nang maging sila ni Jon. Taong 2016 nang malaman niyang may iba itong babae at napatawad daw niya noon si Jon.

Hanggang sa magpakasal sila noong taong 2018 ng Oktubre sa pag-aakalang totoong nagbago na si Jon. Ngunit pagkalipas lamang ng ilang buwan ay nagdesisyon si Jelai na hiwalayang muli si Jon.

Inanunsiyo niya ito sa pamamagitan ng Facebook Live, na in-upload din niya sa YouTube, noong ika-24 ng Marso ng taong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement


 Basahin: 6 paraan para i-save ang relationship na papunta na sa hiwalayan