LOOK: Kramer kids may sariling play place sa kanilang "dream house"

Silipin ang loob ng bagong bahay at dream house ng Team Kramer!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Team Kramer lumipat na sa dream house nila!

Image screenshot from Chesca Kramer’s Instagram account

Team Kramer at ang kanilang dream house

Malungkot na nagpaalam ang Team Kramer sa kanilang unang bahay. Ngunit doble naman ang saya nila sa paglipat sa kanilang bahay na itinuturing nilang “dream house”.

Sa isang Instagram post ay nagpasilip ang mag-asawang Chesca at Doug Kramer ng loob ng bagong bahay nila. At ang unang featured area ng bahay ay ang play place na kanilang ginawa para sa kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin.

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer) on

Makikita kung gaano ka-excited ang magkakapatid ng inanunsyo ng ama ang tungkol sa surprise area para sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang nakapikit at hawak-hawak ng kanilang mommy na si Chesca ang kanilang mga kamay ay dahan-dahang ngunit very excited na bumaba ang mga bata sa basement area ng kanilang bahay. Sa sobrang excited ay hindi nga mapigilan ng tatlo na buksan ang mga mata. Agad namang sinisita ang mga bata ng kanilang amang si Doug, dahil ito daw ay cheating.

Nang makarating sa mismong play area ay nagtatatalon sa tuwa ang magkakapatid na sina Kendra, Scarlet at Gavin sa nakita.

Habang ini-explore nga ang kanilang exclusive play zone kasabay ng mga hagikhik at tawa ay maririnig si Gavin na nagsabing “This is awesome” sa sobra niyang tuwa.

Nang tanungin nga ang mga bata sa kanilang reaskyon, isang matunog na “Love you, daddy and mommy” ang kanilang sagot na may kasamang yakap at halik pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Other features ng bagong bahay ng mga Kramer

Una ng ibinahagi ng Team Kramer sa The Asian Parent Philippines ang mga favorite spots nila sa kanilang bagong bahay.

Ito ay sa pamamagitan ng isang interview sa event ng kanilang ineendorsong Trill line ng Uratex—mga mattresses in a box. Ang line na ito ang kanilang ginamit para sa mga kama nila sa bagong bahay. Nagpagawa rin siya ng custom-made mattress sa Uratex para sa kanilang double king size bed sa master’s bedroom.

Ayon kay Doug Kramer, maliban sa basement na ginawang entertainment area at play zone ng mga bata ay gumawa rin sila ng treehouse sa labas ng bahay na kung saan puwede parin silang makapaglaro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Very excited naman si Chesca sa vegetable grocery area ng kanilang bahay may herbs, spices at gulay na sariling tanim nila.

“We are so excited, we made are garden sustainable. One of the feature of the house is we have our own vegetable grocery area there, where we have our herbs and spices and vegetables. For me that’s exciting growing your own food, for a healthy lifestyle,” pahayag ni Cheska.

Napakaself-sustaining nga daw talaga ng bagong bahay ng mga Team Kramer. Dahil mayroon din itong sariling water system at generator na nagsu-supply naman ng kuryente sa buong bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroon din itong study area na kung saan nagho-home-schooling ang mga magkakapatid na sina Kendra, Scarlett. Kaya naman hindi na nila kailangang lumabas dahil maliban sa maganda ay kumpleto na ang loob ng bahay nila.

“More than just a very nice house, its functional also,” pagmamalaki ni Doug Kramer sa kanilang bagong bahay.

“It’s conducive for learning and for play. We love staying home, spending time as a family, so we wanted it not just be our dream house, but the dream house also of the children,” dagdag pa ni Chesca.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Basahin: Chesca Kramer’s advice to wives: “Take care of your husband’s reputation”