Team Kramer new house project magsisimula na!
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Pagsisimula ng Team Kramer new house project.
- Reaksyon ng mga netizens.
Pagsisimula ng Team Kramer new house project
Kung napasana-all kayo ng ipakita ng mag-asawang sina Doug at Chesca Kramer ang kanilang mansion na itinayo noong 2019, malamang ay mapapasana-all ulit kayong muli. Dahil ang mag-asawang Kramer kasama ang kanilang mga anak na sina Scarlet, Kendra at Gavin ay nag-groundbreaking ceremony na kamakailangan sa lupang tatayuan ng kanilang new house project.
Base sa post ni Doug sa Instagram, ang gagawa ng kanilang bagong bahay ay ang Tier One Architects na kilala sa kanilang modern designs. Ang naturang bahay na itatayo ay may 3-storeys at basement.
“Our next house project.
Ground breaking and dedication day.”
Ito ang caption ng post ni Doug tungkol sa groundbreaking ceremony ng bago nilang bahay.
View this post on Instagram
Matatandaang noong nakaraang taon ng inaanunsyo ng mag-asawang sina Doug at Chesca Kramer na sila ay muling magpapatayo ng bahay. Ito ay matapos mag-share noon ng larawan ang mag-asawa sa isang bakanteng lote na kung saan sa caption ng post ay ito ang sabi ni Doug Kramer.
“Building another dream home! A passion project for me and my forever partner. ❤
We’re so excited to put our vision and heart to this project.Thank you Lord. ❤”
Ito ang sabi noon ni Doug.
Sa mga sunod niyang pahayag niya tungkol sa kanilang new house project ay sinabi ni Doug na ang pagtatayo ng bagong bahay ay hindi para sa kanilang pamilya. Ito ay ginagawa nila para sa ibang pamilya na nangangarap na maisatuparan ang pangarap nilang dreamhouse. Sa madaling salita, sa oras na matapos na ang bago nilang bahay ay ibebenta nila ito sa iba para matirahan.
Reaksyon ng mga netizens
Larawan mula sa Instagram account ni Doug Kramer
Ang mga netizens excited para sa bagong project na ito ng mag-asawa at nagpaabot ng kanilang congratulatory messages.
“How exciting!.. AND inspiring!.. Congratulations Doug and Chex!”
“Grabee naman! Congrats po family Kramer. 💖”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!