Donasyon sa Tebow Cure Hospital, ito lang daw ang tanging hiling ni baseball superstar athlete Tim Tebow sa kaniyang 32nd birthday.
Bago pa man ang kaniyang birthday nitong August 14, marami na daw ang nagtatanong kay Tim Tebow kung ano ang gusto niyang regalo. Kaya naman sa pamamagitan ng isang Facebook video ay ipinaalam niya sa lahat kung ano ang magpapasaya sa kaniya sa kaniyang 32nd birthday.
Ayon kay Tim, higit sa kahit ano pa mang bagay, ang mahihiling niya lang mula sa mga kaibigan at fans niya ay ang tulong at suporta sa Tebow Cure Hospital na kaniyang itinayo sa Pilipinas.
“More than anything that I would love is if you can help and support the surgeries at the Tubow Care Hospital in the Philippines.”
“These are kids that without us being there, they wouldn’t be helped, they wouldn’t be love, they wouldn’t be cared for.”
“So if there’s any way that I would love to celebrate is by way of helping people on their darkest hour of needs because that’s the true celebration.”
Ito ang panawagan ni Tim sa isang Facebook video.
Tebow Cure Hospital
Ang Tebow Cure Hospital ay isang ospital na nagbibigay ng orthopedic surgical care sa mga batang may treatable condition tulad ng clubfoot at spinal deformities.
Matatagpuan ang ospital na ito sa Davao City. At maliban sa surgery ay nag-ooffer din ang ospital ng physical at spiritual healing sa mga batang kanilang ginagamot.
Ang Tebow Cure Hospital ay isa lamang sa mga proyekto ng Tim Tebow Foundation. Ito ay itinayo at nag-ooperate sa tulong ng CURE International.
Taong 2014 ng unang tumulong ang ospital sa mga bata at sa loob ng limang taon ay nakatulong na sa higit na 17,000 na bata ang Tebow Cure Hospital. At lagpas na 3, 300 surgeries na ang naisagawa rito.
Hiling ni Tim Tebow sa kaniyang birthday
At para madagdagan pa ang kanilang natulungan, humiling si Tim ng suporta sa sinumang nais tumulong bilang regalo at selebrasyon narin ng kaniyang birthday. Ito ay sa pamamagitan ng pagdodonate para makabuo ng pondo na kailangan sa surgery ng 150 na batang pasyente ng Tebow Cure Hospital. Ang kabuuang halaga sa “life-changing surgery” na kung tawagin ni Tim para sa mga batang ito ay nagkakahalaga ng $150,000.
Makalipas nga lang ng dalawang araw mula noong kaniyang birthday ay masayang ibinalita ni Tim sa kaniyang Twitter account na naabot na ng Tebow Cure Hospital ang kanilang goal.
Nabuo na nila ang $150,000 na kailangan para sa surgery ng 150 na bata. At patuloy parin daw ang pagdagsa pa ng tulong na tunay na pinasasalamatan ni Tim.
“Thank you so much for your support on my fundraiser on my 32nd birthday.”
“Thank you for believing in us, for partnering with us. We reach our goal a sum of $150,000 and still coming in.”
“So it means more than 150 kids, more life-changing surgeries at the Tebow Cure Hospital. It truly means a world to me and I am just so humbled so.”
Ito ang pasasalamat na pahayag ni Tim Tebow sa kaniyang Twitter account.
Ayon kay Tim, kaya nalang ganito ang pagmamalasakit niya sa mga batang Pinoy ay dahil may special place daw sa puso niya ang Pilipinas. Dahil dito siya ipinganak at ang mga magulang niya ay naging Christian missionaries sa bansa sa loob ng 30 years.
Hanggang ngayon ay tumatanggap parin ng donation ang kaniyang ospital. Para sa mga gustong mag-donate ay bisitahin lang ang kanilang Facebook foundation page.
Source: Fox News, Tebow Cure Hospital
Basahin: Batang walang mga braso at kamay, hindi iniinda ang kapansanan para makapag-aral