Matapos ang anim na buwan na pakikipaglaban sa sakit na cancer, pumanaw na ang panganay na anak ni Tirso Cruz III na si Teejay Cruz.
Image from Lyn Cruz Instagram account
Si Teejay Cruz o Tristan Jedidiah Cruz, 37 years old, ay panganay na anak ng beteranong actor na si Tirso Cruz III at asawang si Lynn Ynchausti.
Para sa mga batang 90’s, si Teejay ay matatandaan bilang parte ng original cast ng youth-oriented show na Ang TV noong 1992. At kahapon nga lang ng madaling araw, binawian ng buhay si Teejay matapos ang anim na buwan na pakikipaglaban sa sakit na lymphatic cancer.
Ang lymphatic cancer o lymphoma ay isang uri ng kanser sa dugo na nagde-develop sa lymphocytes o sa infection fighting cells ng ating immune system.
Ayon sa kaniyang kapatid na si Bodie Cruz, matapos ang anim na buwan na pakikipaglaban sa sakit na ito ay tuluyan na ngang bumigay at sumuko ang katawan ni Teejay kahapon.
View this post on Instagram
A post shared by Bodie Cruz (@bodiecruz) on
Isa nga sa unang nagpahayag ng kalungkutan sa mga kaanak ni Teejay ay ang kaniyang pinsan na si Sunshine Cruz na inihayag nito sa kaniyang Facebook account.
Screenshot from Sunshine Cruz Facebook post
Nitong nakaraang buwan lamang ay nagdiwang ng 37th birthday niya si Teejay na kung saan ipinasalamat ng kaniyang ina ang pagkakasilang nito sa kaniya sa pamamagitan ng isang Instagram post. Ibinahagi rin niya dito ang kaniyang pagka-proud bilang ina ni Teejay na mayroon daw busilak na puso at tunay na hardworking at talented.
View this post on Instagram
A post shared by lynncruz525 (@lynncruz525) on
Kinumpirma rin ng talent manager na si Lolit Solis ang pagpanaw ni Teejay sa kaniyang Instagram post na nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya Cruz.
View this post on Instagram
Na-sad naman ako sa news sa anak nila Tirso Cruz III at Lyn na si TJ, Salve. Sabi ni Dolor, lymphatic cancer daw at kanina lang daw madaling araw bumigay ang panganay nila. Nakaka-sad talaga na iyon anak mo mauna sa iyo na kunin ni God. Ang bait-bait pa naman ng mga anak nila Tirso, sina Bodjie at Janine. Si TJ hindi pumasok ng showbiz. At in fairness ha, pag naghahanap kami ng tulong sa ospital siya ang nilalapitan namin. Tulad nila Tirso at Lyn ang mga anak nila, very friendly at magalang. Sana ma-overcome nila ang sadness na ito. We pray that God will welcome TJ, sana forever his memories, his happy ones will always be remembered. We pray for you TJ. We pray for Tirso and Lyn, for the Cruz family, we honor your sadness, we will always be praying for you. #lolitkulit #instatalk #71naako 🙏🏻❤️
A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on
Si Teejay ay tumigil sa pag-aartista noong 2003 at nagtapos sa kursong International Studies sa De La Salle University.
Si Teejay ay isa ring volleyball enthusiast at co-founder ng “Spike For Hope” passion project. Ang Spike For Hope ay nag-o-organize ng mga volleyball fundraising tournament para sa wish granting non-profit organization na Make-a-Wish-Philippines.
Nagsimula ang passion project na ito ni Teejay noong 2014 ng ma-diagnosed sa sakit na lung cancer ang kaniyang ama na si Tirso Cruz III. Kasama niya sa pagtatag nito ay ang kaniyang kaibigan na si Abi Archangel na nawalan ng ina dahil naman sa breast cancer noong siya ay bata pa.
Maliban kay Teejay, may dalawa pang anak si Tirso Cruz III na sumabak din sa pag-aartista na sina Bodie at Djanin Cruz.
Source: PEP, PEP
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!