Paano ba turuan ang iyong anak na maging teen entrepreneur?

Tulungan ang inyong mga teenagers na maging kanilang sariling “boss” ngayong summer! Ito ang mga mahalagang kaalaman ukol sa pagiging teen entrepreneur!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami nang kabataan ngayon ang nagsisimulang maging “money smart”—o matalino sa pera at kumikita sa sarili nilang pag-iisip at pagsisikap. Nakakaisip na sila ng mga unique money-making ventures, bago pa man makatapos ng pag-aaral sa high school o kolehiyo. Hindi na sila kuntento sa mga summer job, dahil hindi na rin kasi ganoon kadali ang maghanap ng pansamantalang trabaho kapag summer. Bukod sa hindi malaki ang bayad, hindi pa ito ang totoong interes nila. Di ba’t mas mabuting hayaan silang hanapin kung saan sila magaling, at i-motivate silang maging teen entrepreneur, sa murang edad?

Paano nga ba malalaman kung mayron ngang “business sense” ang iyong teen entrepreneur? Hindi lahat ng bata ay may drive at motivation, at natural na kakayahan para magpatakbo ng sariling negosyo. Pero naniniwala akong bawat bata, lalo ang mga teenager, ay naghahanap palagi ng pagkakataon na kumita ng pera. At iyon ang kailangang kilitiin ng mga magulang. Kasunod nito ay ang pagpapayabong sa ilang katangian o traits ng mga entrepreneur, na maaaring taglay na ng iyong anak pero hindi pa tuluyang natutuklasan.

Mga skills na kailangang taglay ng teen entrepreneur:

  • Confidence—matibay at hitik. Naniniwala siya sa kaniyang kakayahan at talino.
  • Independent at self-propelling.  Born leader at natural “boss”, kahit noong bata pa.
  • Determinado. Persistent at insistent, at sigurado sa kaniyang ginagawa. Hindi siya nawawala sa focus at nakatuon sa goal niya, kahit pa may mga setbacks at challenges.
  • Resourceful at creative. Isang problem-solver, lalo na kapag limitado ang resources niya. Nakakaisip siya ng mga solusyon kahit pa may mga balakid.
  • Organisado. Kaya niyang ilagay lahat sa ayos dahil may sistema siya na sinusunod niya nang walang humpay.
  • Motivated na kumita. Ito ang una’t pangunahing dahilan niya sa pag-iisip at pagsisimula ng negosyo.

Para sa productivity at profit

Kailangan ng mga teenagers ng productive pursuit, na pagtutuunan nila ng focus. Ito ang klase ng goal na magpapayabong sa tinatawag na “passion” nila sa buhay, o mga partikular na interes nila mula’t sapul. Hindi naman masama ang maging bahagi ng workforce at maging empleyado, pero ang matutong mag-isip ng sariling moneymaking venture na naglilinang sa kanilang mga kakaibang ideya ay hindi rin naman masama. Hindi man natin sila pwedeng pilitin, pwede natin silang bigyan ng inspirasyon at pagkakataon na madiskubre kung saan nga ba sila magaling.

Isipin lang ang mga advantages ng pagiging financially independent at self-sufficient bago pa sumapit sa edad na 20. Kung makakahanap ang iyong teen entrepreneur ng paraan para kumita ng pera at makaipon, hindi ka na niya kailangan kulitin na ibili siya ng bagong sapatos, o latest gadget, o pera para sa isang out-of-town trip kasama ang mga kaibigan niya.

Noong second year pa lang ang panganay kong si Amos sa unibersidad, tinanong ko kung ano pa ang kailangan niya sa eskwelahan. Fine Arts ang kurso niya at napakadaming kailangang bilhin palagi—paintbrushes, canvass, oil paint, at kung anu ano pa. Pero ang sabi niya noon, ayos na daw. Wala daw siyang kailangan dahil nabili na niya lahat. Nalaman ko noon na nagsimula na siyang mag-isip kung paano gamitin ang kakayahan niya para kumita ng sariling pera. Tumanggap siya ng mga commissioned work sa pagdo-drwaing, at nag-“buy and sell” ng mga merchandise ng noo’y nagsisimula pa lang na KPOP craze. Di naglaon, gumawa na rin siya ng mga sarili niyang KPOP fanart cards, stickers, at kung anu ano pa na mabenta sa mga KPOP fans.

“Nakahanap ako ng mga rare items, at kung isa kang KPOP fanatic, hindi ka na magdadalawang isip na bumili ng mga ito. Nakahanap ako ng online sellers at sa kaniya ako kumuha ng mga merchandise—trading cards, posters, clothing items, postcards, photobooks, DVDs at marami pang ibang items. na galing ng Korea, saka ko binebenta sa mga conventions at online din,” kuwento ni Amos. Ngayon, pagkatapos ng ilang taon, kilala na si Amos at napalago na niya ang kaniyang negosyo. Di naglaon, sumunod na rin ang mga kapatid niya. Si Alden, ang pangalawa kong anak, ay nahilig sa photography at drawing din. Sa pagsali nila sa mga Comic Conventions at Komiket, nakapag-ipon na sila para makakuha ng sarili nilang stall at magbenta ng mga gawa nilang stickers, komiks, at iba pang merchandise. Nuong isang taon, gumawa ng isang photo book si Alden, inimprenta ito, at ibinenta. Palaging sold out ang mga produkto nila kapag may convention.

Maraming kabutihang maidudulot ang pagkatutong magpatakbo ng sariling negosyo, financially at experience-wise. Natuto ang anak kong mag-ipon, at mag-isip ng ilang beses bago gamitin ang perang pinaghirapan niyang kitain, dahil sarili niyang pagod ang puhunan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Anong negosyo ang pwede?

Uso ngayon ang negosyo sa Internet. Ito ang pinaka-karaniwang selling portal dahil  wifi subscription lang ang puhunan, at hindi kailangang umarkila ng espasyo sa mall. Mas malaki pa ang abot ng market. May mga kumukuha ng gamit sa ibang bansa tulad ng Korea at US, at may mga nagbebenta ng mga used items na parang ukay-ukay, pero online. Mayron ding mga errand services, cleaning at organizational services, yard service, social media consulting, at blogging na kayang kaya ng mga teenagers.

Narito ang ilang ideas:

Kandila

Mga novelty candles, aromatherapy candles, scented jar candles, floating candles, ay ilang lang sa mga uri ng kandila na pwedeng gawin at ibenta.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga accessories

Paggawa ng mga art jewelry o non-precious stone jewelry at pagbebenta nito ay isang malaking bagay ngayon para sa mga maliiit na teen entrepreneur.

Pet Sitting

Uso na ito sa mga gated neighborhood o subdivision, condo o townhouse compound. May mga pamilya o indibidwal na may mga alagang aso, pusa o ibon na kailangang alagaan kapag sila ay umaalis o nagbabakasyon. Kung mahilig sa hayop at marunong mag-alaga, ito ang magandang negosyo.

Green Thumbs Up

May mga marunong naman na mag-alaga ng halaman kaya’t pwedeng magtanim ng mga herbs, gulay, bulaklak, at ibinebenta ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga tips para sa mga teen entrepreneur

  1. Alamin ang uri ng serbisyo na in demand sa inyong lugar. Mag-research tungkol dito.
  2. Pag-usapan kung magkano ang dapat singilin. Pag-aralan ang puhunan, cash out at capital. Magtanong sa mga kakilalang may negosyo, magbasa online, para malaman kung magkano ang rates o fees para sa ganitong serbisyo o gamit. Pwedeng maningil ng mas mababa para makakuha ng mas maraming kliyente o kostumer, habang nagsisimula pa lang.
  3. Advertise. Magparamdam sa iyong community. Mag-imprenta ng flyers, gumawa ng online page, magpakilala.

 

READ: 5 Kid-friendly business ideas to help you raise money savvy kids!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement