Terrible twos: Tips para sa mga magulang

Ang terrible twos ay isang stage lamang sa buhay ng isang bata na kinakailangan ng ibayong pagsubaybay at pag-gabay ng isang magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakabigla man minsan para sa isang magulang ang pinapakitang behavior ng isang bata lalo na sa terrible twos stage nila. Normal naman daw na yugto ito ng kanilang buhay na kanila ring malalampasan at masasaayos pa, ayon sa isang pag-aaral.

Sa ginawang research University of Montreal sa Canada, lumabas na nagiging violent o marahas ang mga bata habang sila ay lumalaki hanggang sa sila ay maging 3 and half years’ old. Ito ang edad na kung saan dahan-dahan ng nawawala ang kanilang pagiging agresibo. Bagamat ang iba sa mga bata na ito ay nadadala ang antisocial behavior na ipinapakita nila hanggang sa kanilang adolescence years. Ito ang nagpapataas ng tiyansa sa kanilang maging involve sa krimen, social maladjustment at sa alcohol at drug abuse, ayon parin sa mga eksperto.

Ang resulta ng naturang pag-aaral ay lumabas matapos subaybayan ng ilang taon ang pagbabago sa behavior ng 2,223 na batang lalaki at babae mula sa edad na 18 months hanggang 13 years old.

Ang terrible twos ay tumutukoy sa pangalawang taon sa buhay ng mga bata na kung saan sila ay mas nagiging agresibo at nagpapakita ng mga hindi kanais-nais na gawi. Ito rin ang stage sa kanilang buhay na kung saan nagsisimula na silang maging independent at hindi umasa sa mga matatanda. Photo: Pixabay

Resulta ng pag-aaral

Mula sa naturang pag-aaral ay napag-alaman din na may iba-ibang patterns ang pagbabago sa ugali ng mga babae at lalaki. At ito ay naapektuhan ng iba’t-iba ring mga dahilan tulad ng pagkakaroon ng magulang mula sa mahirap na pamilya na walang pormal na edukasyon at pagkakaroon ng maraming kapatid.

Ngunit ayon sa isang child development specialist na si Professor Richard Tremblay mula parin sa University of Montreal, Canada. Ang pagkakaroon ng intervention habang pinagbubuntis at sa early childhood ng isang bata mula sa high-risk families na ito ay maaring magpababa ng tiyansa ng pagkakaroon ng mataas na physical aggression o pagiging marahas at agresibo sa mga bata. Ang findings na ito ay base sa mga panayam mula sa magulang, guro at pati narin sa 2,223 na batang lalaki at babae na sinusubaybayan ng pag-aaral habang sila ay lumalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon parin kay Professor Tremblay, ang physical aggression na ito ay nagsisimula sa terrible twos stage ng mga bata na nawawala naman bago sila pumasok sa elementary school. Samantala ang ibang bata naman ay nadala ang physical aggression na ito hanggang sa kanilang adolescence years.

Ngunit paano nga ba pakikisamahan at pakikitunguhan ng isang magulang ang terrible twos stage ng mga bata upang ito ay hindi maging dahilan ng maling development sa kanilang paglaki?

Sintomas ng terrible twos

Ang terrible twos ay ang yugto sa buhay ng isang batang madalas sa edad na dalawang taon gulang na kung saan makikitaan siya ng mga sumusunod na sintomas:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Screaming o pagsigaw
  • Temper tantrums o pagaalburoto
  • Paninipa at pangangagat
  • Pakikipag-away sa kapatid
  • Total meltdowns o pagwawala

Ang mga sintomas o behavior na ito ng isang bata ay nagpapakita ng kaniyang pangangailangan na maging independent na sinasabayan ng kaniyang frustration dahil hindi niya pa kayang makontrol ang mga bagay sa paligid niya.

Tips para sa mga magulang

Isang paraan para pakitunguhan ang terrible twos stage na ito sa mga bata ay ang turuan silang i-express ang kanilang sarili sa maayos at kamaldong paraan. Bilang magulang kailangan ring intindihin ang stage na ito na pinagdadaanan ng anak na kung saan kailangan nila ang suporta at gabay mo upang malaman nila ang pagkakaiba ng tama at mali sa kanilang ginagawa.

Ayon kay Dr. Jay L. Hoecker, M.D., isang child expert mula sa Mayo Clinic, maraming paraan para ma-encourage ang isang bata na magpakita ng magandang gawi o behavior at malampasan ang terrible twos stage na ito. Ilan sa mga paraan na ito ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Maging consistent o magkaroon ng daily routine na kanilang makakasanayan o susundin tulad ng tamang oras sa pagkain para maiwasan ang hirap sa pagpapakain sa kanila.
  2. Magbigay ng limit o hangganan sa mga bagay na maari mong ibigay o sundin para sa kanila.
  3. Kung lalabas, magdala ng laruan na maaring magsilbing entertaninment ng bata.
  4. Huwag mag-schedule na mga lakad o activities kung kelan oras ng nakasanayang pagtulog o pagkain ng isang bata na madalas na oras din ng kaniyang sumpong.
  5. Hikayatin ang isang bata na sabihin sa pamamagitan ng salita ang gusto niyang gawin o sabihin hindi sa pamamagitan ng tantrums o pagwawala.
  6. Bigyan sila ng sense of control o hayaan silang mamili sa mga choices tulad ng kulay ng damit na kanilang susuotin o pagkain na kanilang kakainin.
  7. Purihin o i-compliment ang isang bata mula sa choice na pinili o ginawa niya.
  8. Purihin din ang magagandang gawi o behavior na kaniyang ginagawa.
  9. Kung nararamdamang magsisimula na naman ang tantrums o sumpong ng isang bata, i-distract ang atensyon niya sa pamamagitan ng isang biro o paggawa ng nakakatuwang bagay.

Ang terrible twos ay isang stage lang sa buhay ng mga bata na malalampasan niya rin sa kaniyang paglaki. Ngunit napaka-importante ng role na ginagampanan ng mga magulang upang kalakihan niya ang aggressive stage na ito ng maayos. Kaya kahit gaano katindi ang tantrums ng iyong anak, ugaliing maging relax at maging kalmado sa lahat ng oras at ipaintindi sa kaniya ang maaring maging bunga ng maling gawi o behavior na kaniyang ginagawa.

 

Sources: WebMD, TodaysParent, Mayo Clinic, MentalHelp

Basahin: 4 Ways to turn the terrible twos into the terrific twos!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement