Thawed breastmilk may tamang oras na dapat ipainom sa mga baby na nakadepende sa kung anong oras ito pinump ni Mommy. Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na ginawa ng mga psychologist tungkol sa papel na ginagampanan ng breastmilk bilang timekeeper sa mga newborn baby.
Epekto ng breastmilk sa body clock ng mga baby
Maliban sa pagiging source of nutrients at meal ng mga baby, ang breastmilk ay may mahalagang papel rin na ginagampanan sa maayos na tulog ni Mommy at baby. Lalo na sa unang linggo at buwan ng buhay ng sanggol na kung saan nagdedevelop ang sense of day at night niya.
Dahil maliban sa liwanag at dilim, ang breastmilk daw ay nagsisilbing “clock” sa mga baby na nagbibigay hudyat sa kanila ng kaibahan ng araw sa gabi. Ito ay dahil umano sa composition ng breastmilk na nagbabago sa pagdaan ng oras sa isang araw.
Ayon sa mga researchers, ang tawag sa phenomenon na ito ay “chrononutrition”. Ito ang tumutulong sa mga infants na ma-program ang kanilang circadian rhythm o mai-set ang kanilang katawan sa kaibahan ng mga oras sa isang araw.
Mga nutrients na makukuha sa breastmilk
Tulad nalang tuwing umaga, ang breastmilk na nilalabas umano ng mga ina ay may mataas na level ng activity-promoting amino acids. Ang morning breastmilk rin ay may 3x na mas mataas ang level ng cortisol, ang hormone na nagpropromote ng alertness ng katawan.
Sa gabi naman ay bumababa ang level ng mga ito sa breastmilk ng ina. Habang tumataas naman ang level ng melatonin na nagpropromote ng sleep at digestion sa katawan. Tumataas din ang level ng DNA building blocks sa breastmilk tuwing gabi na nagpropromote din ng healthy sleep.
Nagbabago din ang level ng mga minerals at nutrients na taglay ng breastmilk sa pagdaan ng oras. Tulad nalang sa umaga na may mataas na level ng magnesium, zinc, potassium at sodium ang breastmilk. Habang mataas naman ang level ng iron sa tuwing tanghali at vitamin E naman sa gabi.
Dagdag pa ng pag-aaral, ang daytime milk ay mas packed ng special immune punch o mga nutrients na mas nagpapatibay ng immune system ni baby.
Ito ang paliwanag kung paano nagbibigay ng chronosignals ang breastmilk ng ina sa circadian rhythm ng isang sanggol. Na deretsong nakukuha ng mga sanggol sa kanilang ina kung sila ay directly breastfed o pinapadede mula sa suso ng kanilang ina at hindi gumagamit ng bote.
Tamang oras ng pag-inom ng thawed breastmilk kay baby
Kaya naman mula sa resulta ng pag-aaral ay may payo ang mga researchers sa mga inang nagbibigay ng thawed breastmilk sa kanilang mga sanggol.
Ito ay ang pagpapadede ng thawed breastmilk sa mga sanggol na alinsunod sa oras na ito ay pinump mula sa suso ni Mommy.
Makakatulong ang paglelabel ng bote ng breastmilk ng oras kung kailan ito pinump o inipon. Sa ganitong paraan ay tutugma ang nutrients at hormones na taglay ng thawed breastmilk sa pangangailangan ni baby. Na magiging daan rin para makakuha siya ng mas maayos na tulog at digestion at mag-improve ang kaniyang development.
Sa ngayon, ang practice na ito ay ginagawa na sa mga neonatal intensive care units o NICU. Para mas maregulate umano ang circadian rhythm ng mga babies kasabay ng pagdidim ng ilaw sa gabi para mas matulungan silang makakuha ng good night sleep.
Source: Newsweek
Photo: Shutterstock
Basahin: Mummy recipe: How to make delicious handmade breastmilk noodles!