The 12 hours and the 15 minutes labor. Normal delivery.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi ng matatanda masarap daw gumawa ng bata,pero mahirap daw pag ilalabas na. Well, totoo nga naman hahaha. Mixed emotion po, masarap na mahirap. I'm a 34 year old mom now. I got married at the age of 29. At the age of 30 when my first born came out. Medyo maedad na hahaha pero may asim pa naman. Anyway, I work as a bank emplyee during that age and during my pregnancy. On my first trimester,everything was fine and normal. But on may second trimester there are some spotting. And on my third trimester I was so busy on my work and overtime are very active, I mean everyday nag oovertime kami sa bangko dahil sa pag aupdate ng system. And on the 19th of October check up day ko sa aking obgyne and she said that biglang bumaba ang posisyon ng baby ko. So she said na kapag may lumabas na dugo sakin o sumakit ang tyan ko anytime manganganak na ako. But my duedate is last week of October. So medyo maaga pa sya if manganganak agad ako. And on the 22nd of October 11pm I was rushed to the hospital kasi nakaramdam na ako ng contraction and may spotting of blood na. 12mn I was admitted. At sa room namin naglalalad ako pabalik balik kasi kailangan ko daw magbantag para bumaba si baby. Pero sobrang sakit nya talaga, yung tipong di ko kaya ihakbang ang mga paa ko para maglakad kapag nagcocontract sya. So ang ginawa ko humiga na lang ako sa bed ng nakatagilid kasi mas lessen yung sakit na nararamdaman ko kesa sa nakatayo na sobrang sakit, pero di ako makatulog kahit gusto ko matulog. Then mga 3am dinala na ako sa labor room, may kinabit na aparato sa tyan ko para mamonitor yung minutes kung gaano kadalas ang pag contract ng tyan ko at heart beat ng baby ko. Then 3 doktor yung nag i.e sakin, first 1cm pa lang tapos 6cm then may itinurok na sakin na pampahilab ng tyan para magtuloy tuloy na ang pagcontract then nung nararamdaman ko na lumalabas na yung ulo ng baby ko sumisigaw na ako na "nurse,di ko na kaya dalhin nyo na ako sa delivery room lalabas na yung ulo" tapos yung nurse sabi nya "mommy wait lang po,pigilan nyo muna malapit na po dumating si dra." Sabi ko "di ko na kaya!!!" Tapos ayun nasa delivery room na ako,ako pa mismo naglipat sa sarili ko sa higaan ng aanak hahaha. Akalain mo yun nakabangon pa ako kahit ang sakit na ng nararamdaman ko. Tapos itinali nila yung hita ko. Tapos eto yung nakakahiyang part, di ko kasi alam kung napa poop ako habang umiire,hahaha di ko na kasi maintindihan yung pakiramdam na napupoop ka o lalabas na yung bata basta focus ko umire. Tapos napagalitan pa ako ng nurse kasi mali pala yung pag ire ko,dapat pala ibabangon ko yung ulo ko kapag iire para may pwersa,yung posistion kapag nagsisit ups ng half lang, mali pala yung nakahiga tapos iire,nakakalaki daw ng leeg. Tapos ramdam ko na ginupit yung pwerta ko tapos sabay ire. So ayun na nga,12:29 baby is out but di ko narinig yung iyak nya. Siguro mga 3 seconds lang sya nakahiga sa tyan ko tapos dinala sya sa isang lugar sa delivery room. Di ko na namalayan kasi pagod na pagod ako after ko umanak,nakatulog agad ako hanggang sa nakarating na ako sa room ko ng di ko alam. Di ko agad nakita at nahawakan baby ko kasi wala ako milk at meron din sya uti.meron din sya konting nakain na dumi at premature sya. After 8days saka lang kami nakalabas ng ospital kasama si baby. Sa second born ko naman wala ako masyadong bantag na ginawa sa kanya habang nagbubuntis ako. Kasi after ko umanak sa first born ko nagresign na ako sa trabaho. So dito sa second born ko more on bahay na ako,nakakain ko na yung mga gusto ko kainin at ontime ang kain kaya lumobo ako,hahaha. Then wala ako halos bantag sa kanya kasi more on bahay lang talaga ako then pandemic pa,bawal lumabas. At the age of 33 ako nabuntis sa second born ko. Ang pagbabantag na ginwa ko lang ay kegel exercise,squat every morning pagkagising. Di ko yun nagawa sa first born ko kasi busy ako sa work,pagkagising kain,ligo,pasok na. Yun talaga nakatulong sakin na mapabilis ang pag anak ko sa bunso ko. June 2, 5pm mejo nakakaramdam na ako ng contraction pero bearable pa at hindi pa sunod sunod. 11pm bumangon ako kasi pakiramdam ko napupoop ako,so nagpunta ako cr and ayun poop nga hahaha. So akala ko mawawala yung contraction perp mas lalo sya sumakit. Kaya sabi ko sa mom ko "mommy anak na ata ako" so bilis bilis kami nagpunta ng lying in malapit sa bahay. Tapos nakakaloka pa ang family ko dahil sa matagtag na kalsada pa kami dumaan,lalo na sumakit yung tyan ko. 1:30am sa lying in i.e sakin ay 2cm pa lang. So naglakad lakad ako ng kaunti sa hallway tapos nagcontract sya ng sobrang sakit tapos may tumulo na dugo sakin. Then 1:45am i.e ulit sakin 10cm na ako,lalabas na si baby e wala pa yung obgyne ko,on the way pa lang. Nataranta yung midwife at nurse na nakaduty at bilis bilis nila inayos at pinrepare yung delivery room. Sabi nung midwife "mommy bilis mo naman maglabor,relax lang muna ha.wag mo muna ipupush ha" so ako naman sipol muna ng sipol kahit masakit na talaga hanggang sa nakahiga na ako sa higaan ng aanak. Then ayun,pina ire na ako nung midwife sabi nya "di pa naputok panubigan ni mommy,pahingi ako ng needle para maputok natin." Ayun,pagkatusok nya sabay bulwak ng panubigan sabay ni baby. 2:09am June 3,baby is out. Hindi na ako nahiwaan ng pwerta sa second born ko pero may maliit na laceration. Tuwang tuwa yung midwife na nagpaanak sakin kasi di sya nahirapan sakin,at magaling daw ako umire. And this time hindi ako napapoop sa pag ire,hahaha. The best experience ito para sakin, kahit mahirap at buwis buhay ang panganganak masasabi kong masarap sa pakiramdam lalo na kapag yakap mo na si baby. Mawawala yung sakit na naramdaman mo habang naglalabor ka.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement