Ito ang aking kwento ng ako’y nakunan. Sabi nila ang miscarriage daw ay nangyayari sa 1 in 4 pregnancy. At kung binabasa mo tong article na to maaari isa ka rin sa mga nakaranas na ng pregnancy loss katulad ko.
It’s a silent grief. Napakasakit. Maaraing hindi maintindihan ng mga tao sa paligid mo ang nararamdaman mong sakit. But to tell, ito’y walang kasing sakit na katulad din nang nawalan ka ng mahal sa buhay.
Paano ko ba nalampasan ang pagkawala ng aking munting baby? I had my miscarriage at around 8 weeks. Oo, maaaring sabi ng iba dugo pa lang siya,p ero para sa akin, that could have been my baby. Iyak ako ng iyak noong mawala ang baby ko.
Araw-araw umiiyak ako, lalo na kapag pupunta ako ng CR. Nalaglagan kasi ako sa CR noon, nakita na may dugo. Iyon sana ang magiging baby ko.
Naniniwala ako na kailanman ay hindi mawawala ang lungkot pero sa pagdaan ng panahon, ito’y naiibsan.
Kwento ng nakunan: Tips para makapag-cope up after pregnancy loss
Heto po ang ilan sa mga bagay na nakatulong sa akin na ma-overcome Ang lungkot ko dulot ng pregnancy loss na aking naranasan.
1. Hayaan mo lang muna sarili mo na maging malungkot.
It’s okay to be sad. It’s okay to cry.
2. Maging patient sa sarili mo.
Huwag mong madaliin ang pag-cope up, eventually malalampasan mo rin, konting pasensya lang sa iyong sarili mo.
3. Reach out to others and get support.
Napakaimportante na mayroon lang masabihan, na maging outlet mo pra mas madali ang healing.
4. Be positive
Look at the bright side of life. I will be pregnant again in the future, tell that to yourself.
5. Pray and don’t ever lose hope
Laging magdasal. Believe me, prayer works. Laging isipin na may Diyos na siyang may control sa lahat ng bagay. And never ever lose hope. Habang may buhay laging may pag asa.
Sana po makatulong itong munting kwento ko at maka-encourage to those women suffering from pregnancy loss. Kaya natin to. I’m here to tell you, Hindi ka nag iisa. Always remember that, “There’s always a rainbow after the rain.”