5 bagay na makakatulong upang hindi mabagot ang iyong anak

Moms and dads! Madalas mo bang napapansin ang pagsumpong ng boredom ng iyong anak? Ito ang mga dapat gawin kapag bored ang iyong kids.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas mo bang napapansin ang pagsumpong ng boredom ng iyong anak? Ito ang mga dapat gawin kapag bored ang iyong kids!

Ang boredom sa bata ay normal na bagay at karaniwang nangyayari sa bata. Ngunit alam niyo ba na ito ay isang way upang maging creative ang bata? Dahil napipilitan silang sumubok ng ibang mga bagay!
 

“Babies have mechanisms built in to prevent them from wasting time on things that don’t have sufficient amounts of learning value, you could think of that as boredom.”-Dr. Celeste Kidd
 

Things to do when bored for kids

1. Books

Isa sa magandang pampalipas ng oras sa mga bata ay ang pagbabasa ng libro. Nakakatulong ito upang mahasa ang ang kanilang skills sa pagbabasa. Sa pagbabasa rin madadagdagan ang vocabulary nila.

Image from Mael Balland on Unsplash

Kung napapansin mo na ang iyong anak ay magaling tumingin ng kulay, maaari mong ibigay ang mga coloring books, pop-up books at interactive books. Para sa kanila ito ay laruan ngunit makakatulong ito sa kanila nang hindi nila inaasahan.

O hindi naman kaya, dalhin ang iyong anak sa mga local book store o malapit na library sa inyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Toys

Karamihan sa mga magulang, kapag alam nilang bored ang kanilang anak ay binibigyan ito ng laruan. Maaaring ito ay stuff toy, food toy, doll house, toy musical instruments o puzzle. Kadalasang nagugustuhan ng isang bata ang laruan kung ito ay makulay o minsan naman ay tumutunog o umiilaw.

Image from Dreamstime

Kailangan lang na mag-ingat ang mga magulang sa pagbibigay ng laruan sa kanilang anak. Piliiin ang magagandang klase nito upang makaiwas sa disgrasya. May ibang kaso dito na natatanggal ang isang parte ng laruan ito ay hindi namamaalyang isinusubo ng bata. May iba ding laruan na sagana sa toxic materials na makakasamasa sa kalusugan ng iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Pets

Image from Veronika Homchis on Unsplash

Ang pagkakaroon ng alagang hayop ay isang paraan upang mahasa ang pagmamahal ng isang tao. Dito nila unang natututunan ang totoong connection at affection.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon din sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng alagang hayop ay may mental benefits sa isang tao. Napag-alaman na ang mga pet owners ay may mas mababang risk factor sa pagkakaroon ng depression. Natutulungan ng mga alagang hayop ang mentalidad ng tao at itinuturing itong therapeutic animals.

Mas mabuting sanayin na ang iyong anak hanggat bata pa ito sa pag-aalaga ng hayop. Dahil makakatulong ito sa kanyang paglaki.

4. Electronic Games

Hindi naman masama ang pagpapagamit ng gadgets sa iyong anak paminsan-minsan. Maaari kang mag install ng educational games apps o e-books. Ito ay makakatulong sa mental ability ng iyong anak.

5. Food

Madalas na sinusumpong ng tantrums ang isang bata dahil ito ay gutom o walang laman ang tyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Dreamstime

Kung ito ay hindi mapakali at iritable, subukan mong bigyan ng paborito niyang pagkain. Siguradong, ito ay tatahimik at gaganda ulit ang mood. Siguraduhin lang na ang mga ibibigay mong pagkain ay healthy at makabubuti sa iyong anak.

 

If you want to read an english version of this article, click here.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano