Hindi na lingid sa kaalaman ng mga magulang na hindi mabuti ang usok ng sigarilyo sa kalusugan. Ngunit alam niyo ba na pati ang amoy ng sigarilyo sa kamay ay posibleng makasama sa kalusugan ng mga bata? Tinatawag itong third-hand smoke, at hindi ito dapat balewalain ng mga magulang.
Third-hand smoke masama sa kalusugan ng bata
Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Tobacco Use Insights, posible pa ring ma-expose sa nicotine ang mga bata kahit hindi naninigarilyo sa paligid nila. Sapat na raw ang amoy ng usok na kumakapit sa kamay, damit, balat, atbp upang magkaroon ng respiratory problems ang mga bata.
Natagpuan ng mga researchers na kumakapit raw kasi ang mga kemikal ng usok sa balat at iba-iba pang mga kagamitan. Ibig sabihin, kahit umiwas pa ang mga naninigarilyo sa mga bata, basta’t maamoy ng mga bata kumapit na amoy ng usok ay nakakasama na agad ito sa kanilang respiratory system.
Ang mga kemikal na ito ay mga carcinogens, na posibleng magdulot ng kanser. Nagiging sanhi rin
Ibig sabihin, nasa panganib pa rin ang mga anak ng mga taong naninigarilyo. Ito ay kahit pa manigarilyo sila sa labas ng bahay, o kaya ay hindi nila ipalanghap ang usok sa kanilang mga anak.
Hindi biro ang masamang epekto ng paninigarilyo
Wala talagang mabuting maidudulot sa kalusugan ang paninigarilyo. Sa katotohanan, ang paninigarilyo ang pangunahing sanhi ng mga preventable death sa buong mundo. Bukod dito, 7 milyong tao ang namamatay taon-taon dahil sa paninigarilyo.
Mahalaga sa mga magulang na tumigil na sa paninigarilyo dahil marami itong masamang epekto sa kalusugan ng mga bata. Hindi lang second-hand smoke o third-hand smoke ang dapat nilang ipag-alala, ngunit pati na rin ang posibilidad na baka gayahin sila ng kanilang mga anak.
Malaki ang papel ng mga magulang pagdating sa pag-impluwensiya ng kanilang mga anak. Kaya’t dapat magsilbing mabuting halimbawa ang mga magulang para manatiling malusog at malayo sa sakit ang kanilang mga anak.
Source: Edex Live
Basahin: Ano ang epekto ng second hand smoke sa mga baby?