TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Iwa Moto on step-son Thirdy: "Mula bata siya tuwing may injection, lagi niyang hinahawakan ang kamay ko"

4 min read
Iwa Moto on step-son Thirdy: "Mula bata siya tuwing may injection, lagi niyang hinahawakan ang kamay ko"

Ayon kay Iwa, ito na daw ang nakasanayan nila ng stepson niyang si Thirdy mula noong ito ay bata pa.

Tingnan kung gaano ka-sweet at close ang relasyon ng stepmom na si Iwa Moto sa stepson niyang si Thirdy Lacson.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang sweet na relasyon ni Thirdy Lacson at stepmom niyang si Iwa Moto.
  • Reaksyon ng mga netizens sa ginagawang pag-aalaga ni Iwa sa stepson niya.

Iwa Moto ibinahagi kung paano nagpabakuna kasama niya ang stepson na si Thirdy Lacson

thirdy lacson and iwa moto

Image from Iwa Moto’s Instagram account

“Ang mga bata ang kawawa”. Ito ang lagi nating maririnig na sinasabi sa tuwing maghihiwalay ang mag-asawa. Lalo na kung sila ay nakakita na ng panibagong karelasyon na madalas ay hindi nakakasundo ng mga anak nila.

Pero para sa stepmom at son na si Iwa Moto at Thirdy Lacson ay mukhang hindi ito ang sitwasyon. Dahil sa isa sa pinakabagong Instagram post ni Iwa ay ipinakita niya kung gaano ka-close at sweet ang relasyon nila ni Thirdy.

Si Thirdy ay ang anak ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson na ka-relasyon ngayon ni Iwa. Siya ngayon ay 15-anyos na.

Nitong Sabado ay ibinahagi ni Iwa na sabay silang nagpabakuna ng stepson niyang si Thirdy. Siya para sa kaniyang booster shot laban sa sakit na COVID-19, habang si Thirdy naman ay nagpa-inject ng second dose niya.

Sa pamamagitan ng maikling video ay naipakiita ni Iwa kung gaano sila ka-sweet ni Thirdy sa isa’t isa.

Sapagkat habang ini-injectionan ito ay hawak-hawak niya ang kamay ni Thirdy na nakasanayan na daw nila mula noong ito ay bata pa.

Pero bago pa man ito, tinanggihan ni Thirdy ang offer niyang mag-holding hands sila. Ang pag-aakala ni Iwa ay talagang hindi na ito takot at binata na.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Iwa Moto (@iam_iwa)

“Mula bata siya tuwing may injection sya at ako ang kasama nya lagi nya hinahawakan kamay ko and vice versa (Pareho kasi kaming takot sa injection).

Ngayon malaki na siya when I offered my hand para hawakan niya tinanggihan niya. Nagulat ako kala ko talagang binata na siya at talagang ‘di na siya takot.”

Ito ang sabi ni Iwa sa kaniyang Instagram account. Pero ilang segundo umano ng makita na ni Third yang karayom na itutusok sa kaniya ay tila nagbago ang isip nito.

“After few seconds, biglang na realize niya na takot pa rin pala siya. Hahaha. Kaya hawak kamay nanaman kaming dalawa. hahaha.”

Ito ang natatawang sabi pa ni Iwa. Makikitang sa video ay magkaholding-hands si Iwa at Thirdy habang binabakunahan ito. Tulad ng isang bata na humuhugot ng lakas ng loob mula sa kaniyang ina ay ganoon rin ang tingin ni Thirdy kay Iwa ilang sandali bago tuluyang matapos ang pagbabakuna sa kaniya.

thirdy lacson

BASAHIN:

Iwa Moto and Jodi Sta. Maria show that blended families do work!

Iwa Moto on her kasambahays: “Kung anong kinakain namin, ‘yon din ang kinakain nila”

LOOK: Jodi Sta. Maria and Jolo Revilla bond with Iwa Moto, Pampi Lacson and kids in Singapore

Netizens humanga sa relasyon ni Iwa at Thirdy

thirdy lacson with siblings and dad pampi lacson, stepmom iwa moto

Image from Iwa Moto’s Instagram account

Ang sweet na tagpo na ito ni Thirdy at Iwa ay hinangaan ng mga netizens. Dahil bibihira umano ang tulad ni Iwa na stepmom na maayos ang pakikitungo at tunay na inaalagaan ang stepchild niya. May netizen pa ngang nakapagsabi na nabago ang pagtingin niya kay Iwa dahil sa nakita niyang pakikitungo nito kay Thirdy.

“Grabe talaga pagmamahal niyo po sa isa’t isa.”

“Sana all ng step parent/child relationship ganyan.”

“Dati bwiset ako dito kay iwa e haha tas nung nakikita ko na nagkabati na sila ni Jodi tas mahal niya si Thirdy, tas napaka hands on mom niya, ayun gusto ko na siya hahaha!

Ito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens tungkol sa sweet ni relasyon ni Iwa Moto at stepson niyang si Thirdy Lacson.

Hindi lang si Thirdy at Iwa ang may maayos na relasyon sa isa’t isa. Dahil kahit si Iwa at ang ina ni Thirdy na si Jodi Sta. Maria ay may maayos rin na relasyon sa kabila ng past nila.

Ito nga ay makikita sa ilan sa mga social media post ni Iwa na kung saan nababanggit niya si Jodi. At kung paano namimiss ng kanilang pamilya ni Pampi ngayon na ito ay makasama.

Matatandaang taong 2011 ng mapabalitang naghiwalay si Jodi Sta.Maria at mister na si Pampi lacson. Sa sumunod na taon ay kinumpirma naman ni Iwa na sila ay may relasyon na ni Pampi. Sila ngayon ay may dalawang anak na sina Mimi at baby CJ.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Iwa Moto on step-son Thirdy: Mula bata siya tuwing may injection, lagi niyang hinahawakan ang kamay ko

Image from Iwa Moto’s Instagram account

Source:

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Iwa Moto on step-son Thirdy: "Mula bata siya tuwing may injection, lagi niyang hinahawakan ang kamay ko"
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko