Nico Bolzico sa pagkakaroon ng black eye ng anak na si Thylane: “She calls herself Tili Pacquiao!”

Solenn siniguro namang maayos ang kalagayan ni Thylane, resulta lang daw ito ng excitement ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Thylane Bolzico nagka-black eye Solenn at Nico may nakakatuwang pagbabahagi sa nangyari sa anak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Thylane Bolzico nagkaroon ng black eye.
  • Paliwanag ni Nico at Solenn sa kung bakit nagkaroon black eye si Thylane.

Thylane Bolzico nagkaroon ng black eye

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Nitong Martes ay nagbahagi sa kaniyang Instagram account ang celebrity mom na si Solenn Heussaff ng larawan ng kaniyang mga anak na sina Maelys at Thylane Bolzico. Maliban sa ka-kyutan ng magkapatid, umagaw sa atensyon ng mga netizens ang pasa sa mukha ni Thylane.

Sa naturang Instagram post ay ito ang caption ni Solenn na may pagsisiguro sa kaniyang mga fans at followers na maayos ang anak niyang si Thylane.

“The best days with my best people. Yes Tili has a black eye, but she is all good!”

Ito ang caption ng post ni Solenn sa naging bakasyon ng kanilang pamilya sa Taytay, Palawan.

Paliwanag ni Nico at Solenn sa kung bakit nagkaroon black eye si Thylane

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Nico Bolzico

Sa post na ito ni Solenn ay may komento ang mister ni Solenn na si Nico Bolzico. Si Thylane daw ay tinatawag ang kaniyang sarili na si Tili Pacquiao dahil sa black eye nito.

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi naman napigilan ng celebrity mom at kaibigan ni Solenn na si Isabelle Daza na magtanong sa kung anong nangyari kay Thylane.

Sagot ni Solenn, masyado daw na-excite si Thylane sa pagpunta nila sa beach. Kaya nagtatalon ito sa sofa, nahulog at tumama ang mukha sa dingding.

@isabelledaza she was excited for the beach, jumping on the sofa the night before we flew, jumped so high she fell off and bumped her face on the wall.”

Ito ang paliwanag ni Solenn sa naging dahilan ng pasa sa mukha ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit may blackeye ang mukha, hindi naman napigilan ng mga netizens na ma-amaze sa kakyutan ng magkapatid. Si Thylane na girl version daw ng kaniyang amang si Nico at ang baby sister nitong si Maelys na little Solenn naman ang itsura.