Nag-anunsyo ang Department of Health (DoH) na isinama na rin ang Calabarzon, Western Visayas, at Central Visayas sa mga lugar na mayroong tigdas outbreak o measles outbreak.
Tigdas outbreak
Nauna nang idineklara ang tigdas outbreak sa Metro Manila at Central Luzon bago ang update ng additional na lugar sa Luzon at Visayas.
Ayon kay DoH Secretary Francisco Duque III, layunin ng pagdeklara ng tigdas outbreak na i-alert ang mga mamamayan upang bantayan ang mga bagong kaso ng tigdas at ikalat ang impormasyon tungkol sa sakit na ito.
Ayon sa mga reports, sa NCR alone, tumaas ng 550% ang kaso ng tigdas kumpara sa Enero 1 – Pebrero 6 ng nakaraang taon.
Ayon naman sa San Lazaro Hospital sa Maynila, may naitalang 55 namatay sa tigdas at sa kumplikasyon na dulot ng sakit na ito. Karamihan daw sa mga namatay ay nasa edad 3 buwan hanggang 4-taong gulang. Klinaro naman ni Sec. Duque na kailangan pang imbestigahan ang datos na ito mula sa ospital.
“Marami ring pinanggalingan itong mga datos, we need to validate them. Hindi naman puwedeng kung ano lang ang bilang na pumapasok, iyon na ang ating ibubukang bibig,” ayon sa kalihim.
Nagbabadyang tigdas outbreak sa ibang lugar
Hindi pa man idinedeklarang may tigdas outbreak sa ibang lugar, nasa “close watch” na rin ang mga ito dahil sa bilang ng kaso ng measles. Paalala ni Sec. Duque na bagaman wala pang tigdas outbreak sa mga lugar na ito, pinapaghanda na rin ang mga kababayan sa mga naturang lugar.
Ang mga lugar na nasa watch list ay:
- Mimaropa
- Ilocos
- Northern Mindanao
- Eastern Visayas
- SocSarGen
Sintomas ng tigdas
Ilan sa sintomas ng tigdas o measles na dapat bantayan ay ang sumusunod:
- Fever o lagnat
- Dry cough
- Runny nose
- Sore throat
- Inflamed eyes (conjunctivitis)
- Skin rash
Kapag nakaramdam o nakakita ng mga nasabing sintomas lalo na sa mga bata ay dalhin agad ito sa doktor para mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon at malunasan.
Sources: ABS-CBN News, ABS-CBN News
Basahin: Tigdas o Measles: Isang gabay tungkol sa sakit na ito