Bakit tinitigyawat ang buntis? 4 na posibleng dahilan ng tigyawat sa buntis

undefined

Bakit ba nagkakaroon ng tigyawat sa buntis, at ano ang puwedeng gawin ng mga ina upang magkaroon ng lunas ang kanilang tigyawat?

Bakit tinitigyawat ang buntis? Ang tigyawat sa buntis ay isang karaniwang problemang nararanasan ng mga ina, lalo na sa una at sa ikalawang trimester ng pagbubuntis. Ito ay dahil naglalabas ang katawan ng ina ng hormone na androgen na nagiging dahilan ng pagdami ng sebum o oil sa mukha.

Bakit tinitigyawat ang buntis?

Ang sobrang sebum na ito ay nagiging dahilan para magkaroon ng tigyawat ang mga nagbubuntis. Sa kabutihang palad, nawawala rin ito matapos magbuntis, pero siyempre mahalaga pa rin na alagaan ng mga ina ang kanilang balat.

Narito ang mas detalyadong paliwanag kung bakit tinitigyawat ang buntis:

1. Pagbabago ng hormones

May malaking epekto sa hormonal balance ng katawan ang pagbubuntis. Ang mga hormone tulad ng estrogen at progesterone ay nagdadagdag ng mga pagbabago sa katawan para sa pagbuo at pangangalaga ng fetus.

Samantala, ang mga pagtaas at pagbabago sa hormonal levels ay maaaring magdulot ng mas mataas na production ng sebum, ang natural na langis ng balat. Ang labis na sebum ay maaaring magdulot ng pamumuo ng mga hair follicles at mas madaling magkaroon ng acne.

2. Pag-increase ng blood flow

Ang pagbubuntis ay nagdudulot ng pagtaas ng dami ng dugo sa katawan para suportahan ang pangangailangan ng fetus. Ang mas mataas na blood flow ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng mas maraming blood vessels sa balat, at ito ay maaaring magresulta sa pagdami ng mga acne breakouts.

3. Sensitivity sa hormones

Ang mga hair follicles sa balat ay may mga receptors para sa mga hormones tulad ng androgens, na maaaring makaapekto sa production ng sebum.

Sa panahon ng pagbubuntis, ang mga receptors na ito ay maaaring maging mas sensitibo sa mga hormone na ito, na nagdudulot ng mas maraming sebum at acne breakouts.

4. Stress

Isa ang stress kung bakit tinitigyawat ang buntis. Ang mga hormonal changes sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magdulot ng stress sa katawan. Ang stress ay maaaring makaapekto sa hormonal balance at magdulot ng acne breakouts.

Mahalaga na ma-maintain ang maayos na skincare routine at iwasan ang mga produktong maaaring mag-cause ng irritation sa balat ng buntis.

Kung ang acne breakouts ay labis na nagiging sanhi ng pag-aalala o discomfort, maganda ring kumonsulta sa isang dermatologist o healthcare professional para sa tamang payo at treatment options.

bakit tinitigyawat ang buntis

Image from Freepik

Ano ang natural na lunas para sa tigyawat sa buntis?

Mahalaga sa mga buntis ang paggamit ng mga natural na gamot. Ito ay dahil mas sensitibo ang mga nagbubuntis, at mabuting umiwas sa mga kemikal na posibleng makasama sa sanggol. Kaya’t pagdating sa tigyawat sa buntis, mas mabuting gumamit ng mga natural na lunas.

Heto ang ilang lunas na makakatulong upang mabawasan ang tigyawat:

1. Apple cider vinegar

Ang apple cider vinegar ay isang uri ng vinegar o suka na gawa sa apple juice. Karaniwan itong mabibili sa mga supermarket o kaya sa mga health food store.

bakit tinitigyawat ang buntis

Image from Freepik

Upang gamitin ito, ilagay lang ang ilang patak ng apple cider vinegar sa kapirasong bulak, at idampi sa iyong mga tigyawat. Nakakatulong ito upang matuyo ang mga pimples. Mabuti itong gamitin bago matulog, at pagkatapos mong maghilamos.

2. Baking soda

Ang baking soda ay nakakatulong upang matuyo ang mga pimples, at nakakapagpabilis rin ng healing ng iyong balat.

Upang gamitin ito, maghalo ng isang kutsarang baking soda sa isang kutsarang tubig. Ilagay ito sa mga pimples, at hindi sa buong mukha. Kapag tuyo na ito, ay puwede ka nang maghilamos upang tanggalin ang baking soda.

3. Mga citrus na prutas

Malaking tulong ang pagkain ng mga citrus na prutas tulad ng orange, lemon, lime, ponkan, atbp. Ito ay dahil maraming lamang alpha hydroxy acids ang mga citrus na prutas na nakakatulong para mawala ang bara ng mga pores at linisin ang balat.

Upang gamitin ang mga prutas na ito sa tigyawat sa buntis, kumuha lang ng juice, ilagay sa bulak at idampi sa iyong balat. Makakatulong ito upang ma-exfoliate ang iyong balat at matuyo ang mga pimples.

4. Honey

Ang honey o pulot ay napakaraming mga antibacterial at antispectic na properties. Bukod dito, maganda rin ang pakiramdam nito sa iyong balat.

Upang makatulong sa pagbawas ng tigyawat, ipahid lang ang pure honey sa mga lugar kung saan mayroon kang tigyawat, at iwan ito ng 20-30 minuto. Pagkatapos nito ay maghilamos ng maligamgam na tubig.

5. Coconut oil

Mainam na gamitin ang coconut oil bilang moisturizer bago matulog dahil mayroon itong antibacterial properties na nakakatulong makabawas sa tigyawat. Bukod dito, soothing ito at madaling naaabsorb ng balat.

6. Oatmeal at pipino

Ang oatmeal at pipino ay parehas na nakakatulong makabawas ng pimples at mayroon din itong soothing na effect sa balat. Upang gamitin ito, paghaluin lang ang pipino at oatmeal sa isang blender, at ilagay ito sa ref.

bakit tinitigyawat ang buntis

Image from Freepik

Kapag malamig na ang iyong mixture, ilagay ito sa balat upang magkaroon ng cooling sensation. Iwan ito ng mga 10 minuto, at maghilamos pagkatapos.

Skincare para sa buntis

Kahit na buntis ay mahalaga pa rin ang skincare mga mommies, kaya naman inilista namin ang ilang tips para sa inyong skincare rountine:

1. Gentle cleanser

Pumili ng mild at gentle na facial cleanser na walang matapang na mga kemikal na bawal sa buntis. Iwasan ang mga cleanser na naglalaman ng mga harsh na ingredients. Ito ang ilang mga cleanser na pwede gamitin na ligtas sa buntis, i-click dito!

2. Moisturizer

Gumamit ng magandang moisturizer para ma-hydrate ang balat. Ang moisturizer ay makakatulong mapanatili ang balat na malambot at hydrated. Tignan ang mga moisturizer products na pwede sa buntis, i-click dito!

3. Gumamit ng sunscreen

Proteksyunan ang balat mula sa araw-araw na araw sa pamamagitan ng pag-apply ng broad-spectrum SPF na hindi bababa sa SPF 30. Ang mga buntis ay mas sensitibo sa araw at maaaring magkaroon ng mas mataas na pagkakataon na magka-sunburn. I-click dito, para malaman ang mga pwedeng bilhin na suncreen para sa buntis.

4. Uminom ng sapat na tubig

Hydrate: Uminom ng sapat na tubig upang mapanatili ang hydration ng katawan at balat. Ang tamang pag-inom ng tubig ay makakatulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng balat.

5. Tanungin ang iyong doktor para sa mga skincare routine mo

Kung may mga skin concerns o problema kaugnay ng balat, magkonsulta sa isang dermatologist o healthcare professional na may kaalaman sa skincare para sa mga buntis.

Mahalaga na maingat ka sa mga ginagamit mong produkto at kumonsulta ka sa iyong doktor o dermatologist kung may mga tanong ka ukol sa tamang skincare routine para sa panahon ng pagbubuntis.

Tandaan mommies na bago gumamit ng mga products ay itanong muna ito sa iyong OB-Gyn kung ligtas ba ito para sa ‘yo. Samantala, kung hindi pa rin nawawala ang mga tigyawat ay huwag masyadong mabahala sapagkat pagkatapos ng pagbubuntis ay babalik na sa dati ang iyong hormones at mababawasan na ang iyong tigyawat.

 

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!