Timi-Tim-Tim

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Mama, do you love me?” … “I am sorry Mama!” …”I love you Mama!”
These are the common sentences, my Timi-Tim-Tim says after his meltdown or tantrums.
My son was diagnosed with Autism Spectrum Disorder when he was four years old. Two years old pa lamang alam ko na dahil he manifested signs like not getting hurt when he had to, speaking English and stating “slang” English words, and not responding to me every time his name being called. Kahit ganoon ang trato ko pa rin as his mom ay kagaya ng pagpapalaki sa isang batang regular.
Does this make me sad? No! the acceptance was already there because in a way I was expecting there would be a chance. I got impregnated at the age of 44 years old. Possible nga, base sa natutunan ko noon na usually raw kapag ang isang babae ay nagbuntis sa edad na 40 pataas ay maaaring magkaroon ng anak na may “disabilities”.
Ano nga ba ang gustong tumbukin ng kuwentong ito? Nais ko lang maibahagi ang aking paninindigan lalo na sa may mga anak na kagaya ko na “Let us all be proud for our children with disabilities.” Hayaan natin makilala sila. Iexpose sa abot ng ating makakaya sa mga bagay na makakatulong sa kanila para makisabayan sa hamon ng buhay. Nakakalungkot na makita at makabalita na ang mga batang may “disabilities” ay napapabayaan ng sariling mga magulang. Mahirap sa totoo lamang magpalaki. Minsan susuko ka na lalo na at hind natin matugunan ang pinansiyal nilang pangangailangan. Nakakadrain, nakakapaiyak lalo na kung disiplina na nais nating ipasunod ay di magawa na minsan ay darating sa puntong tayo ay kanilang nasasaktan. Ako, bilang Mama niya ay dumarating din sa puntong gustong pumatol sa kaniyang pananakit verbal man o pisikal.
Ano nga ba ako bilang Mama ni Timi-Tim-Tim? I am a working mom. Hindi ako perpektong Mama niya. Dumadaan din ako sa nawawalan na ng pag-asa kung paano maisasaayos ang buhay niya. I do everything to give all his needs. Sabi nga ay gapang para mabigyan ng tinatawag na “basic needs” bukod pa riyan ay ang pagkakaroon ng “therapy” at mga “activities” na kinakailangan niya. Mahirap para sa amin mga nanay na may anak na kagaya nila ang maging mahirap!
Sumusuko ba ako dahil ni Timi-Tim-Tim? Oo naman! Dinadaanan ako ng pagsuko lalo na kapag hindi ko agad maibigay ang kanyang pangangailangan sa paglago. Pero, hindi naman ako bumibitaw! Minsan nasasambit ko rin, “Ayaw ko na po, Lord!” Hmm… hanggang sambit lamang iyon. Iiyak pero babangon para kay Tim. Hindi kasalanan ng anak ko kung bakit siya nakasama sa batang may ASD, Autism o Autismo.
Ano nga ba ang gustong tumbukin ng aking kuwento? Advocacy o Adbokasiya! Iyan! “Acceptance” sa mga batang may “disabilities” Magkaroon sana ng maluwag na pagtanggap at ‘di pagsuko ng mga magulang at sa lipunang ginagalawan. Magkaroon ng suporta sa pamahalaan kagaya ng ibang bansa na nagbibigay ng mga libreng konsultasyon sa mga pamilyang may mga anak na may ASD/ADHD at iba pa.
#advocacyASD #acceptance #support

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

aurora_lina