Many ways how to keep your baby stay asleep at night
Kung tuloy-tuloy ang tulog ni baby, for sure tuloy-tuloy rin ang tulog na parents.
Kaya nga para hindi na magkaroon ng puyat at walang tulog na gabi, narito ang maraming ways paano mapapanatiling tulog ang bata:
- Patulugin siya sa isang room na may katamtamang temperature; hindi gaanong mainit at hindi rin malamig.
- Siguraduhing komportable ang kanyang hihigaan at maging damit na suot niya.
- Subukang maglagay ng mellow music o lullaby sa room kung saan siya matutulog.
- Tignan kung hindi ba barado ang kanyang ilong na maaaring maging dahilan para hindi siya makahinga.
- Mag-set ng consistent na sleeping routines at sundan mo ito para sabay kayo parati ng tulog ni baby.
- I-try rin na bigyan siya ng warm bath upang ma-relax ang kanyang muscles.
- Iwasang maglagay ng ilaw o iba pang distracting na bagay sa room na kapag naaninag niya ay agad siyang magigising.
- Siguraduhin ding busog siya pero hindi dapat sobrang busog upang hindi siya istorbohin ng pagkagutom at magising.
- Palitan ang kanyang wet diapers dahil may mga baby na hindi nagiging komportable na mayroon nito.
- Ilayo sa kanyang tutulugan ang iba’t ibang klase ng airborne irritants kagaya na lamang ng hairsprays, air refreshers, at iba pang hindi maganda para sa sanggol.