Narito ang mga tips para sa first time moms mula sa isang kilalang psychologist na si Dr. Ali Gui.
Image screenshot from YouTube video
Post-partum “baby blues” sa mga babae
Sa isa sa mga vlog episodes ng mother of 2 na si Bianca Gonzales-Intal ay nakapanayam niya ang sikat na life coach at psychologist na si Dr. Ali Gui. Ang naging topic ng kanilang usapan ay tungkol sa nararanasang post-partum sadness at guilt ng mga mommies. Paliwanag ni Dr. Ali Gui, normal lang na maramdaman ito ng mga bagong panganak na ina. Ito ay dahil sa hormonal changes sa katawan ng isang babae noong siya ay buntis pa at nakapanganak na.
“When you’re pregnant you have certain hormones. When you give birth, some of that hormones go away as well. That would cause you to sometimes be down. Meaning to say, maliit lang na bagay, iiyak ka na.”
Ito ang paliwanag ni Dr.Gui sa pagiging too emotional ng mga bagong silang na ina.
Dagdag pa niya ito rin ang stage na kung saan mas nagiging mainitin ang ulo ng babae sa kaniyang asawa.
Bagamat ito ay normal at karamihan ng mga babae ay nararanasan ito, hindi naman ito dapat isawalang-bahala. Dahil kung mapabayaan ay maaring mauwi ito sa depresyon na lubhang makakaapekto hindi sa buhay ng bagong silang na ina kung hindi pati narin sa kaniyang buong pamilya. Kaya naman para maiwasan ito ay nagbahagi si Dr. Gui ng tips para sa first time moms para ma-overcome ang post-partum sadness at guilt na kanilang nararamdaman.
Tips para sa first time moms
“Much as you want to even if you’re the best executive, even if you’re the best anything, you could only be the best of you. Therefore, admit and accept yourself. if there are days that you cannot finish everything. Don’t push yourself.”
Ayon kay Dr. Gui, bilang babae ay hindi natin kailangang magpaka-super mom kapag tayo ay bagong panganak. Hindi natin dapat ipilit na gawin ang lahat ng sabay-sabay habang inaalagaan ang ating newborn baby. Kailangan nating tanggapin na sa ganitong pagkakataon ay limitado ang kaya nating gawin. At huwag pilitin ang ating sarili na kayanin lahat at imbis ay magpahinga sa mga oras na tulog si baby. Upang mabawi ang pagod at puyat habang inaalagaan siya. Dahil maliban sa kapakanan ni baby ay mahalaga ring alagaan ang ating sarili at mental health na very sensitive sa mga panahong ito.
“And don’t in any way hesitate to cry for help. Call a friend, call someone you can trust. Call someone who can come and help you. Not maybe to do the chores, but to listen to be your friend. To be someone, just your ears.”
Dahil sa very sensitive nga daw talaga ang emotions ng babae kapag bagong panganak. Dagdag pa ang pagod at puyat na nararanasan dahil sa pag-aalaga kay baby. Hindi dapat magdalawang-isip na humingi ng tulong sa iba sa mga gawaing hindi mo na kaya. O kaya naman maghanap ng taong makakausap na makikinig sa iyong nadarama. Upang ito ay mabawasan at kahit papaano ay gumaan.
Ayos lang daw ang lumabas kasama ang mga girlfriends mo. Dahil kung tutuusin mas kailangan mo ito sa mga ganitong pagkakataon. Dahil sila ang perfect na taong makaka-relate sa narararamdaman mo.
“Don’t waste your time on things you cannot control. Only do the things you can do and the things you cannot do, set them aside. You can learn what to do. You can learn how to do it. But you don’t have to pressure yourself into doing somethings you cannot do. If your hands are full, don’t use your feet.”
Ang pagiging isang ina ay isang learning process. Along the way ay magkakamali ka pero ito ay paraan para ikaw ay matuto. Kailangan mong tanggapin na hindi lahat ay kaya mong gawin at ikaw ay hindi perpekto. At ang pagkakamali ay parte ng iyong journey sa pagiging mabuting ina.
“This is your own life. The life you build. The life you’ll live. And Nobody has the right to tell you if its right or wrong. They can only give you advice. They can only share with you their experiences but at the end of the day the bucket stops with you. People who truly love you and truly understand you will never pass judgment on you. Because they will always know that you are still a beautiful work in progress, no need to rush.”
Hindi natin ma-pleplease ang lahat ng tao. Hindi rin natin sila mapipigilang hindi mag-komento. Pero hindi ka dapat magpaapekto, dahil unang-una buhay mo iyan. Ang kailangan mo lang gawin ay tanggapin ang pagkakamali mo at matuto mula rito. At patuloy na subukang maging isang mabuting ina para sa anak mo.
Para sa video ng panayam at tips para sa first time moms mula kay Dr. Ali Gui ay panoorin ang video na ito.
Photo: Freepik
Basahin: 15 bagay na hindi mo dapat gawin sa newborn baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!