7 bagay na puwedeng gawin kapag bumababa ang grades ng anak mo sa school

Para tumaas o gumanda ang performance ng iyong anak sa school, narito ang ilang tips na dapat mong gawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips para tumaas ang grade ng iyong anak sa school ba ang hanap mo? Huwag mag-alala dahil nandito ang TheAsianparent para tulungan ka. Gawing mas competitive at excellent ang performance ng iyong anak sa school gamit ang mga tips na ito.

Image from Freepik

7 Tips para tumaas ang grade ng iyong anak sa school

1. Maging involve sa mga school activities ng iyong anak.

Ayon sa isang 2010 study na nailathala sa journal ng US National Library of Medicine, ang parent’s involvement ay may positive effect sa academic performance ng isang bata. Ito man ay pag-aattend ng mga meetings o iba pang school activities, isang paraan ito para malaman kung ano ang status ng iyong anak sa kaniyang paaralan. Magandang oportunidad ito para makausap ang kaniyang guro. Upang malaman kung saan siya nag-eexcel o kung anong subject o areas niya kailangan ng improvement. Sa ganitong paraan rin ay iyong malalaman kung may mga problema ba o isyu sa school na nakakaapekto sa performance niya.

2. Bisitahin ang school o website nito.

Para naman maging updated sa mga school activities ay mabuting bisitahin ang school ng iyong anak paminsan-minsan. Ito ay maaring sa pamamagitan ng paghatid o pagsundo sa kaniya sa eskwelahan. Puwede ding bisitahin ang website ng school ng iyong anak na kung saan maari mong makita ang school calendar of activities at contact information ng guro o adviser na maari mong kausapin tungkol sa performance ng iyong anak sa school.

3. Suportahan ang iyong anak sa paggawa ng kaniyang homework.

Isa pang tip para tumaas ang grade ng iyong anak ay ang paggawa niya ng kaniyang homework na kailangan ang iyong suporta.

Ayon sa classroom magazine na Scholastic, maliban sa isa ito sa batayan ng grade computation ng iyong anak, ang homework o assignment ay isang paraan rin para maturuan ang mga bata na maging independent at magkaroon ng self-discipline. Binibigyan rin nito ng pagkakataon ang isang magulang na magkaroon ng active role sa education ng kaniyang anak. At para ma-evaluate narin ang progress ng anak sa eskwelahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag gumagawa ng homework ang iyong anak ay maging available para ma-interpret sa kaniya ang assignment niya. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng instructions, guidance, pagtulong sa kaniyang sagutin ang assignment niya at pagrereview ng gawa o mga sagot niya. Ngunit dapat iwasan na magbigay ng sagot sa mga tanong o kaya naman ay tapusin ang assignment ng iyong anak. Tandaan na ang pagkakamali ay parte ng learning process na mahalagang matutunan niya.

Dapat din ay mag-provide ng effective study environment sa inyong bahay para sa iyong anak. Ito ay dapat well-lit, comfortable at tahimik na kumpleto sa mga supplies o gamit na kailangan niya. Dapat din ay malayo ito sa distractions gaya ng TV o gadgets na makakaapekto sa concentration niya sa pag-aaral.

4. Siguraduhing ready na matuto ang iyong anak sa tuwing siya ay pumapasok sa school.

Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansyang pagkain sa kaniya bago pumasok ng school. Ito ay para magkaroon siya ng sapat na energy para mag-perform ng maayos sa school.

Ang pagkain ng nutritious breakfast ay nakakatulong para ma-boost ang attention span ng iyong anak pati ang kaniyang concentration at memory. Ito ay napakahalaga para maintindihan niya ang kaniyang lesson at masagot niya ang mga test o task na ibinibigay sa kaniya ng tama at maayos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Siguraduhin ding my sapat na tulog ang iyong anak bago pumasok sa school. Dahil ang kakulangan sa tulog ay maaring makapagdulot ng irritability at hyperactive behavior na makakasira sa kaniyang concentration sa klase.

Makakatulong rin ang pagbibigay ng healthy foods at pagsisiguro ng complete sleep sa mga bata para maiwasan niya ang umabsent. Ito ay mahalaga rin at ginagawang basehan sa kaniyang grade computations sa eskwelahan.

5. Siguraduhing nakakapasok sa kaniyang klase ang iyong anak sa tamang oras at araw-araw.

Bagamat ang pagkakasakit ay isang bagay na hindi inaasahang mangyari, mas maiging gawin ang lahat ng iyong makakaya para ito ay maiwasan ng iyong anak. Maliban sa pagpapakain ng nutritious foods at pagsisiguro na kumpleto ang tulog niya ay maari ring siyang bigyan ng vitamins bilang kaniyang dagdag na proteksyon. May mga vitamins din na makakatulong para mas ma-improve ang brain development niya na mahalaga sa kaniyang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil kung palagi siyang absent dahil sa pagkakasakit o kaya naman ay laging late ay mahihirapan siyang humabol sa kanilang lessons. Ito ay magdudulot ng malaking epekto sa kaniyang performance sa school at sa kaniyang grades.

6. Turuan ng study skills ang iyong anak na kaniyang maieenjoy habang nag-aaral.

Isa pang batayan ng grade ng iyong anak ay ang overall score niya sa mga quizzes o exam. Kaya naman sa inyong bahay ay mahalagang maturuan mo siya ng mga paraan para mas maging effective o madali ang pag-aaral o pagrereview niya ng kaniyang lessons o aralin.

Maaring ito ay sa pamamagitan ng isang game o activity na kaniyang mai-enjoy habang nirereview ang kaniyang mga lessons. O kaya naman ay sa pamamagitan ng mga acronyms para sa mga lessons na dapat niyang ma-memorize o kabisaduhin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tandaan na mahalagang bigyan ng break ang iyong anak sa kada 45-minutes na study period para mas ma-process at matandaan niya ang impormasyon na kaniyang pinag-aaralan.

7. Maglaan ng oras na makausap ang iyong anak tungkol sa kaniyang karanasan sa school.

Importanteng kumustahin mo araw-araw ang naging karanasan ng iyong anak sa eskwelahan. Ito ay para maging “on track” ka sa development niya o para malaman kung may problema ba sa school na gumugulo sa kaniya.

Sa ganitong paraan ay makakagawa ka agad ng solusyon sa kung anumang sa school issues na maaring makaapekto sa performance niya.

Dapat ay makinig ng mabuti sa iyong anak at magkaroon ng eye contact habang kausap siya. Ito ay para mas maramdaman niya ang iyong involvement na napakahalaga sa mga bata. Dahil sa tulong nito ay napaparamdam mo sa kaniya ang iyong suporta na mas makakapag-inspire sa kaniya na mas mag-aral ng mabuti at mag-perform ng best sa school niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilan lamang ito sa mga tips para tumaas ang grade ng iyong anak sa school. Napakahalaga ng involvement mo sa kaniyang school achievement. Kaya naman ay dapat maglaan ng oras sa kaniya para masigurong ito ay kaniyang magagawa.

Source: NCBI, Scholastica, VeryWell Family, Kids Health

Basahin: Mga panganay na anak, mas matalino raw ayon sa isang pag-aaral