May mga tips sa magandang relasyon na dapat i-apply para sa mas matibay at matagal na pagsasama ng iyong minamahal. Ito ang mga katangiang taglay ng isang relasyon na magiging gabay at basehan ninyo upang parehong maging masaya sa inyong pagsasama. Ang pagkawala ng mga katangiang ito sa isang relasyon ay katumbas din ng pagkawala ng pagmamahal na napakaimportante sa bawat pagsasama.
13 Tips sa magandang relasyon
1. Trust
Ang pagkakaroon ng tiwala ang pinakaimportanteng katangian ng isang magandang relasyon, Kapag wala ito ay wala rin ang matibay na pundasyon na bubuo sa isang pagmamahalan.
Ang pagkawala rin ng tiwala sa iyong partner ay magiging dahilan sayo upang kwestyunin ang iyong kasiguraduhan sa pagsasama. Dito ay madalas kang maghihinala na kinalaunan ay mag-uugat ng isang problema na makakasakit sa iyo at sa iyong partner.
2. Communication
Walang relasyon ang perpekto. Lahat ay dadaan sa pagsubok o makakaranas ng conflicts na dapat harapin ng magkarelasyon ng magkasama. Ngunit para masolusyonan at maharap ng maayos ang mga conflicts na ito ay kailangan ng komunikasyon. Sa pamamagitan nito ay masasabi mo sa iyong partner ang iyong opinyon o nararamdaman at maitatama ang anumang pagkakamali sa inyong relasyon.
Ang pagkakaroon rin ng consistent at honest communication sa iyong partner ay mas magpapatibay ng inyong pagsasama dahil sa ganitong paraan ay naipapakita mo ang pagmamahal sa kaniya at mas tumitibay ang inyong tiwala sa isa’t-isa.
3. Patience
Mahirap manatiling pasensyoso o pasensyosa lalo na kung ikaw ay pagod, puyat at maraming kinakaharap na problema. Ngunit para mapatagal ang isang relasyon ay kailangan mong mas habaan ang iyong pasensya sa iyong partner at sa inyong pagsasama. Dahil ang pagkawala ng pasensya ay maaring makapagdulot ng pagtatalo na maaring mag-ugat sa mas maalim na problema.
Ito rin ay maaring maging dahilan upang isipin mo na nagkamali ka sa taong pinili at ang inyong relasyon ay isang malaking pagkakamali.
4. Empathy
Ang pagpapakita ng empathy o pakikibahagi sa lahat ng pinagdaraanan ng iyong karelasyon ay importante rin sa isang pagsasama. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng empathy ay napaparamdam mo ang iyong pag-aala at pagmamahal sa iyong partner.
Ang pakikinig din o paglalagay sa sarili mo sa posisyon ng iyong partner ay isang mabisang paraan upang iyong maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Sa ganitong paraan ay mababawasan ang inyong hindi pagkakaintindihan at mapipigilan ang pagkabuo ng mga conflicts sa inyong relasyon.
5. Affection and Interest
Ang pagpapakita ng iyong affection o interest sa iyong karelasyon ay napakaimportante rin upang mas lalong tumibay ang inyong pagsasama. Ika nga action speaks louder than words. Kaya ang mga simple physical gestures gaya ng yakap, paghalik at comforting touch ay isang magandang paraan para maparamdam sa iyong partner ang iyong pagmamahal. Sa ganitong paraan rin ay naipapakita mo na secure at comforted ang partner mo sa relasyon ninyo.
Ang pagpapakita rin ng interest sa iyong partner ay isang paraan para mas maiparamdam mo sa kaniya ang iyong appreciation sa kaniyang presence sa inyong pagsasama.
6. Flexibility
Ang isang magandang relasyon ay dapat may mutual understanding o may give and take relationship. Hindi dapat isa lang ang palaging nag-aadjust o nagigive way para sa pagsasama. Dapat ay parehong flexible sa mga pagbabago ang magkapartner upang mabalanse nila ang isang relasyon. Dahil ang isang magkapartner ay dapat willing mag-meet sa iisang path ng magkasama para matulungan at maalalayan ang isa’t-isa.
7. Appreciation
Dapat din ay nagpapakita ka ng appreciation sa iyong partner. Ang pagsasabi ng simpleng salita na “thank you” ay isang malaking bagay na para maipakita ang iyong gratitute o pasasalamat sa kaniya. Ito rin ay nagpapakita na masaya ka at kontento sa inyong relasyon
8. Room for Growth
Ang isang magkarelasyon ay hindi dapat makaramdam ng pagkastuck sa pagsasama. Dapat ay laging maging open ang isa’t-isa sa mga pagbabago na susubok at mas magpapatibay sa kanilang relasyon. Ang mga pagbabago rin na ito ay isang magandang paraan upang kayo ay parehong matuto at mas mag-improve sa inyong relasyon at sa sarili mo.
9. Respect
Napakaimportante rin ng respeto sa isang pagsasama. Sa pakikipagusap sa iyong partner dapat ay iwasan mong maliitin o hamakin ang kaniyang pagkatao o di kaya naman ay ang pagsasabi ng mga salitang makakasakit sa kaniya. Dapat ay ma-appreciate mo siya kung sino siya at tanggapin ang maliliit na pagkakamali niya. Dapat din ay i-respeto niyo ang oras at opinyon ng isa’t-isa. Kahit kayo ay magkarelasyon dapat ay mayroon parin kayong privacy at respeto sa space ng bawat isa.
10. Reciprocity
Ang reciprocity naman ay tumutukoy din sa mutual benefits o mutual understanding ng isang magkarelasyon, Dapat ay pareho kayo nagbibigay at tumatanggap upang maging balanse ang pagpaparamdam niyo sa isa’t-isa ng inyong pagmamahal. Mapaphysical o emotional na aspeto man ito, importante na maiparamdam ng magkarelasyon ang reciprocity sa kanilang pagsasama.
11. Healthy Conflict Resolution
Ang isang magandang relasyon ay may healthy way ng pagsosolve ng kanilang problema. Ito ay ang agad na pagbibigay pansin dito sa pamamagitan ng pag-uusap sa kung ano ba ang naging mali at ang dapat baguhin. Hindi dapat itinatago ang mga problema upang masabi lang na perfect ang isang relasyon.
Ayon nga sa sabi ng matatanda, ang pag-aaway ay normal lang sa isang healthy relationship. At isang phase lang na pagdadaanan at paulit-ulit na malalampasan ng isang magkarelasyon kung agad na mapaguusapan at masosolusyonan.
12. Individuality/Boundaries
Madalas sa ang isang relasyon ay mas nagiging matibay kung mayroon kayong similarities ng iyong partner. Ngunit ang mga individual differences ay dapat ding respetuhin at pahalagan.
Bagamat nasa loob kayo ng isang relasyon, dapat parin na magkaroon ng freedom ang isa’t-isa na gawin ang mga bagay na gusto nila para sa self-satisfaction at achievement gaya ng pagpili ng kaibigan, profession at ng iba pa. Ang importante ay lagi kang nakasuporta at handang respetuhin ang individuality at boundaries ng bawat isa.
13. Openness at Honesty
Ang magkakarelasyon ay may iba’t-ibang level ng openness sa isa’t-isa. Ang iba ay komportableng maligo ng bukas ang pintuan ng banyo habang nandyan ang partner nila. Ang iba naman ay hindi nahihiyang makipagusap ng intimate details o wild dreams sa partner nila, Magkaano pa man ang pagpapakita ng openness sa iyong partner ay isang paraan rin ng pagpapakita mo ng honesty sa iyong nararamdaman at sa inyong relasyon. Napakaimportante nito dahil ang pagiging open at honest din ay ang pundasyong bumubuo ng tiwala sa inyong relasyon.
Kung i-aapply ang mga katangian at tips ng magandang relasyon na ito ay siguradong magtatagal at titibay ang inyong relasyon. Dahil higit sa pagmamahal, ang mga bagay na ito ang dapat na tinataglay ng bawat pagsasama.
Sources: Huffington Post, Psychology Today
Basahin: 11 na sensyales ng namumuong problema ng mag-asawa
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!