Alamin dito ang mga pangkaraniwang dahilan ng naglalagas na buhok ng bagong panganak na ina at mga simpleng paraan upang maiwasan ito.
Naglalagas na buhok: Mga dapat malaman
Tunay nga na masaya maging isang bagong nanay, pero marami rin itong kasamang mga problema. Dahil sa pabago-bagong katawan ng isang babae habang siya ang nagdadalang-tao, may mga problema na maari niyang makaharap.
Isa na rito ang naglalagas ng buhok. Ito ay walang direktang epekto sa kalusugan ng isang bagong nanay, pero ito ay nakakabawas sa kanyang kumpiyansa – na isang mahalagang aspeto sa pagpapalaki ng bata.
Upang makatulong sa mga nanay, kami ay gumawa ng mga simpleng tips na maaring sundin upang maibalik ang malusog, makapal, at mahabang buhok.
Mga Dahilan ng Paglalagas ng Buhok ng mga Bagong Panganak na Nanay
Ito ang mga kadalasang dahilan ng paglalagas ng buhok ng mga nanay na kakapanganak pa lamang:
- Mga hormonal na pagbabago matapos magbuntis at manganak
Ang mga bagong panganak na nanay ay nakakaranas ng kabawasan sa estrogen sa katawan. Dahil sa pagbabawas na ito, madalas na nararanasan ang labis na paglalagas ng buhok.
Pero may magandang balita. Habang tumatagal, ang iyong katawan ay mag-a-adjust sa mga hormonal na pagbabago at maaaring bumalik sa normal na paglago ang iyong buhok.
- Kakulangan sa nutrisyon
Ang kakulangan sa nutrisyon ay isa sa mga pangunahing dahilan ng paglalagas ng buhok. Kapag ikaw ay nagbubuntis, kailangan ng iyong katawan ng mas maraming nutrisyon upang maibigay sa iyong sanggol.
Ugaliing kumain ng mga pagkaing mataas sa protina katulad ng itlog, isda, at karne.
Pero mahalaga ring sabayan ito ng mga gulay at prutas na makapagbigay ng balanseng nutrisyon sa katawan.
- Stress
Ang pagkakaroon ng bagong sanggol ay maaaring magdulot ng stress sa mga bagong nanay. Ang stress ay maaaring magdulot ng hormonal na pagbabago sa katawan, na maaaring magresulta sa paglalagas ng buhok.
Kaya naman mahalaga na ang nanay ay nakakakuha ng tamang pahinga sa araw-araw.
Dito papasok ang paghingi ng suporta at tulong sa mga taong nakapaligid sa nanay. ‘Wag na ‘wag kang magdadalawang-isip na humingi ng alalay tuwing ikaw ay nakakaramdam na ng pressure.
- Mga Gamot
Maaaring ang ilang gamot na ginagamit ng mga nanay matapos manganak ay maaring magdulot ng paglalagas ng buhok. Kung ikaw ay nag-aalala tungkol sa mga gamot na ito, maaring kausapin ang iyong doktor upang magrekomenda ng ibang uri ng gamot o ibang solusyon.
Mahalaga rin na huwag uminom ng kahit anong gamot nang hindi humihingi ng payo sa mga eksperto.
Paano Solusyunan ang Naglalagas na Buhok sa mga Bagong Panganak na Nanay
Talagang nakakabahala tuwing makakakita ng naglalagas na buhok. Ngunit huwag mag-alala, dahil ang iyong katawan ay babalik din sa dati at kasama na rito ang pagtigil ng paglalagas ng buhok.
Mayroong ding mga solusyon para mas mabilis mapigilan ang paglalagas ng buhok sa mga bagong panganak na nanay. Narito ang ilang mga paraan upang malunasan ang problema:
- Regular na Ehersisyo
Ang regular na ehersisyo ay hindi lamang nakakatulong upang mapanatili ang iyong kalusugan kundi makakatulong din upang maibsan ang stress. Ang stress ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng naglalagas na buhok.
Maaari kang magtanong sa iyong doktor kung ano ang mga aktibidad na ligtas para sa iyo.
- Pagkakaroon ng Sapat na Tulog
Ayon sa mga eksperto, dapat makapagpahinga ang nanay ng hindi bababa sa pitong oras tuwing gabi. Kung mayroon kang sapat na tulog, ito ay makakatulong upang maiwasan ang stress at iba pang mga problema sa kalusugan.
- Iwasan ang Paggamit ng Mainit na Kasangkapan sa Pag-Styling
Ang paggamit ng mga mainit na kasangkapan sa pag-styling tulad ng hair dryer at curling iron ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng iyong buhok. Ito ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng dry at naglalagas na buhok.
- Gumamit ng Tamang mga Produkto
Dahil ikaw ay isang bagong panganak na nanay, maaaring hindi na epektibo ang mga produktong ginagamit mo noon pa nung ikaw ay dalaga pa. Mas mainam lumipat sa mga ginawa para sa mga bagong panganak na nanay katulad mo.
Maaari kang humingi ng payo mula sa iyong doktor o sa isang lisensyadong hair stylist upang masigurado na ikaw ay gumagamit ng tamang produkto para sa iyong buhok.
6 na Produkto Para sa iyong Hair Care Routine
Para sa mga nanay na naghahanap pa ng shampoo, conditioner, at hair serum na nakakatulong sa naglalagas na buhok – narito ang aming mga rekomendasyon.
[product-comparison-table title="6 na Produkto Para sa iyong Hair Care Routine"]
Una, ang Mama's Choice Treatment Shampoo for Hair Loss ay epektibo sa paglilinis ng anit at buhok habang pinapatibay ito. Mayroon itong mga sangkap katulad ng kiwi, candlenut, at green pea na nakakapagpaganda tubo ng buhok.
Bakit mo ito magugustuhan:
- Specially made ito para sa mga nagdadalang-tao o nagpapa-breastfeed
- Walang SLS, SLES, paraben, dyes, alcohol, o silicones
- Gawa sa natural ingredients: Kiwi, Candlenut, Green Peas
Mayroon ding Mama's Choice Treatment Conditioner for Hair Loss na nagtataglay rin ng mga natural na sangkap katulad ng shampoo. Maganda itong gamitin ng kasunod ng Mama's Choice Treatment Shampoo araw-araw.
Bakit mo ito magugustuhan:
- Specially made ito para sa mga nagdadalang-tao o nagpapa-breastfeed
- Walang SLS, SLES, paraben, dyes, alcohol, o silicones
- Gawa sa natural ingredients: Kiwi, Candlenut, Green Peas
Samantalang ang Mama’s Choice Strengthening Hair Serum naman ay mainam na gamitin pamahid habang minamasahe ang anit upang pagtibayin ang pagtubo ng buhok. Talagang kakaiba ito sa mga hair serum na mabibili ngayon dahil ito ay hindi na kailangan banlawan.
Bakit mo ito magugustuhan:
- Siguradong safe para sa nagdadalang-tao o nagpapa-breastfeed
- Madaling ma-absorb ng balat at hindi sticky
- Gawa sa natural ingredients: Kiwi, Candlenut, Green Peas
Moringa O2 Anti Hairfall Shampoo
Ang Moringa ay naglalaman ng vitamins at minerals na kinakailangan ng ating mga katawan.
Nagbibigay ang shampoo na ito ng proteksyon sa ating buhok mula sa breakage at falling out. Sinisigurado din ng argan oil na healthy at moisturized ang scalp.
Bakit mo ito magugustuhan:
- Available sa iba't ibang sizes
- Gawa sa natural ingredients: Moringa, Olive, Omega, Argan
- Maaaring gamitin sa lahat ng hair types
Avalon Organics Thickening Biotin B-Complex Conditioner
Ang Avalon Conditioner naman ay kilala bilang EWG Verified (Environmental Working Group). Ito ay kinakamit ang striktong ingredient standards at features ng EWG.
Bukod pa dito, ito rin ay pH balanced at safe gamitin nga mga nagdadalang-tao o nagpapa-breastfeed.
Bakit mo ito magugustuhan:
- Gawa sa epektibong ingredients: biotin, saw palmetto, quinoa protein and vitamin E
- pH balanced
- Walang Phthalates at Animal Testing
Human Nature Sunflower Beauty Oil
Panghuli, ang Human Nature Sunflower Beauty Oil ay naglalaman ng 99.95% na natural sunflower oil. Kaya ito ay safe gamitin para sa lahat ng skin types.
Nakakatulong ang produktong ito sa pag-ease ng dry at makati na scalp, at nakakatulong din sa hair growth.
Bakit mo ito magugustuhan:
- Hypoallergenic at Vegan
- Mabango ang springtime floral scent
- Kino-kontrol ang flyaway at frizz
Sana ay nakatulong ang aming mga rekomendasyon upang mas mapaganda ang inyong buhok at mapagaan ang inyong loob.
READ MORE:
LIST: Top shampoo brands para sa naglalagas na buhok ng bagong panganak na ina
Best pregnancy-safe shampoo brands in the Philippines for hair loss you can try
Postpartum recovery after 6 months, what you need to know!