Planong bumili ng bahay at lupa? Narito ang ilang tips at mga dapat tandaan!

Kinakailangan ang maingat na pagplaplano kung nais mong bumili ng bahay sa Pilipinas. Mula sa pag-assess sa inyong finances hanggang sa mga legal papers na kailangang asikasuhin. Kaya naman, sa article na ito, magbibigay kami ng mga essential tips sa pagbili ng bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayon, malapit nang maging reality ang noo’y pangarap lang ng inyong pamilya na makabili ng bahay sa Pilipinas. Kung ikaw ay magulang na naghahanap ng mabibiling bahay na angkop sa inyong budget, nasa tamang pahina ka! Narito kasi ang listahan ng mga housing options na nagkakahalaga ng 1 hanggang 3 million pesos. Bukod pa riyan, naglista rin kami ng ilang tips upang tulungan ka sa kung paano, saan, at ano ang dapat mong isaalang-alang sa pagbili ng bahay at lupa.

Tips sa pagbili ng bahay at lupa sa Pilipinas: Listahan ng mga house developer

Ang paghahanap ng budget-friendly na bahay sa Pilipinas ay nakapagbubukas ng mga oportunidad upang makapag-invest ka sa isang lugar na matatawag mong sa iyo. Narito ang ilang kilalang budget-friendly house developers sa Pilipinas na nagke-cater sa iba’t ibang income levels:

Larawan mula sa Shutterstock

Deca Homes:

  • Affordable Quality: Kilala ang Deca Homes sa paggawa ng komunidad na nag-aalok ng abot-kaya pero makalidad na mga bahay. Marami silang ino-offer na housing options. Mayroong townhouses at single-detached units. Layunin kasi nila na makapagbigay ng komportableng living spaces para sa mga pamilya.

Dulalia Realty:

  • Accessibility at Quality: Committed ang Dulalia Realty na makagawa ng mga bahay na accessible para sa mga tao pero hindi nakokompromiso ang kalidad nito. Marami rin silang housing choices, kaya naman ano mang size ng inyong pamilya o ano mang preference niyo sa bahay ay maibibigay nila.

Bria Homes:

  • Economic housing: Kilala naman ang Bria Homes pagdating sa economic housing. Nakatuon ang Bria Homes sa pagbibigay ng abot-kayang mga bahay at maayos na community development. Makikita ang mga proyekto ng Bria Homes sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Kung saan ay nailalarawan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino pagdating sa bahay at lupa.

Futura Homes by Filinvest Land:

  • Quality Living on a Budget: Dinisenyo ang Futura Homes by Filinvest Land para sa mga pamilyang naghahanap ng bahay na affordable pero makalidad. Karaniwang may kasamang amenities ang kanilang developments na nakatutulong na magkaroon ng komportable at enjoyable na community life ang mga residente.

Amaia Land:

  • Amaia Series: Ang Amaia Land, na subsidiary ng Ayala Land ay nag-aalok naman ng kanilang Amaia Series. Ito ay linya ng mga affordable at well-designed na mga bahay. Ang maganda pa sa Amaia Land, ang mga proyekto nila ay matatagpuan sa mga strategic areas upang makapagbigay ng accessible housing solutions.

Camella Homes:

  • Lessandra Series: Ang company naman ng Vista Land na Camella Homes ay mayroong Lessandra Series. Tampok sa seryeng ito ang mga affordable pero aesthetically pleasing na mga bahay. Maraming iba’t ibang house models na iniaalok ang Lessandra Series. Kaya naman ano man ang family size at preference niyo ay maaaring may mapili kayong bahay sa kanila.

Tandaan lang din nab ago magdesisyon sa pagbili ng bahay at lupa, mahalagang magsaliksik nang maigi tungkol sa developer. Mabuti ring bisitahin ang kanilang mga model unit at isaalang-alang ang lokasyon nito.

Dagdag pa rito, makabubuti rin ang pagkonsulta sa real estate professional o financial advisor. Ito ay upang masiguro na align ang inyong investment sa inyong budget at long-term goals. Tandaan na ang pagkakaroon ng budget-friendly na bahay ay hindi nangangahulugan na dapat nang makompromiso ang kalidad nito at comfort ng pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips sa pagbili ng bahay at lupa: Step-by-step guide

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ihanda ang kakailanganing pera

  1. Bago simulant ang paghahanap ng bibilhing bahay, mabuting malinaw sa iyo ang lagay ng finances niyo. Anong klaseng bahay ang realistically ay afford ng pamilya? Mabuting kumonsulta sa financial advisor para makapag-set ng budget na align sa pangangailangan ng pamilya.
  2. Makatutulong para mabawasan ang stress sa paghahanap ng bahay kung preapproved na ang home loan mo bago ka mag-house hunting. Hindi lang nito mapadadali ang proseso kundi makatutulong din ito para malaman mo kung magkano ang afford niyong bahay.
  3. Maaari ding mag-explore ng mga local at national government programs na maaaring magbigay ng financial support para sa mga first-time homebuyers.

Magsaliksik ng magandang lokasyon

  1. Isaalang-alang kung ang bahay na nais bilihin ay malapit sa school, ospital, o sa iyong trabaho. Makabubuti kasi ang ganito para ma-manage nang maayos ang schedule ng pamilya.
  2. Obserbahan ang paligid at alamin kung mukhang ligtass ba ang mga kapitbahay at kung anong klaseng vibe ang mayroon sa komunidad. Maaaring makipag-usap sa potential neighbors at maglibot-libot sa lugar.

Alamin kung ano ang sukat na angkop sa pamilya

  1. Alamin kung ano ang inyong pangangailangan. Ilang kwarto at banyo ang kailangan ng pamilya? Planuhin hindi lamang ang kasalukuyang kalagayan ng pamilya kundi pati na rin ang future needs.
  2. Magandang option din para sa mga pamilyang naghahanap ng budget-friendly na bahay ang townhouses. Karaniwang cozy naman ang atmosphere ng mga townhouse at mayroong sapat na espasyo para sa quality family time.

Closing the deal: Pro Tips sa pagbili ng bahay at lupa

  1. Importante ang home inspection. Huwag itong balewalain. Mahalagang inspeksiyonin ang bawat bahagi ng bahay. Ito ang insurance mo laban sa potential hidden issues na maaaring lumitaw pag naglaon.
  2. Huwag matakot o mahiya na mag negotiate. Kadalasan kasing may flexibility naman ang developers pagdating sa payment plans o dagdag na perks.
  3. Planuhin ang extra costs o dagdag na gastusin. Bukod sa presyo ng property, importante ring isaalang-alang ang closing costs, taxes, at ano mang potential renovations o furnishing expenses.

Congratulations! Malapit mo nang makamit ang pinapangarap mong bahay at lupa. Ang journey na ito ay hindi lang basta tungkol sa pagbili ng bahay. Tungkol din ito sa pagbuo ng tahanan para sa pamilya. Happy house hunting!

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba pang tips na dapat tandaan sa pagbili ng bahay at lupa

  1. Unawain ang loan options: Mahalagang maging pamilyar sa mortgage options. Pwedeng kumonsulta sa banks o mortgage brokers upang malaman kung ano ang pinaka angkop na loan na mayroong favorable terms.
  2. I-check ang credit score: Tiyakin na mayroong healthy credit score. Makaaapekto kasi ito sa loan approval at interest rates. Ayusin na agad ang ano mang issue bago mag-loan para matiyak na maaprubahan ang iyong home loan.
  3. Magtabi para sa down payment at closing costs: Mag-save ng pera para sa down payment na karaniwan ay 20%. Maghanda rin ng pera para sa karagdagang gastusin tulad ng transfer taxes, notarial fees, at registration expenses.
  4. Legal at title checks: I-verify ang titulo ng bahay at lupa pati na rin ang ownership para maiwasan ang ano mang legal issues. Kumonsulta sa abogado para matiyak ang smooth at secure transaction.
  5. Home inspection: I-prioritize ang masusing home inspection para malaman agad ang ano mang potential issues. Makipag-negotiate tungkol sa pagpapaayos o adjustment kung mayroon man.
  6. Planuhin ang future growth: I-consider ang long-term needs ng pamilya. Piliin ang property na may room para sa growth at potential resale value.
  7. Government programs at incentives: Alamin ang mga government housing programs at incentives na maaaring makatulong sa proseso ng pagbili niyo ng bahay.
  8. Makipag-usap sa real estate professional: Kuhain ang serbisyo ng mapagkakatiwalaang real estate agent na nakauunawa ng local market at magagabayan ka sa buong proseso ng pagbili mo ng bahay.

Kung isasaalang-alang ang mga key factor na ito, ang journey sa pagbili ng bahay at lupa sa Pilipinas ay maaaring maging rewarding at fulfilling experience para sa mga magulang na  nagnanais na makapagbigay ng maayos at komportableng tahanan para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kung nais basahin ang English version ng artikulong ito, maaaring bisitahin ang link dito.

Sinulat ni

Jobelle Macayan