10 Tips sa pagtatalik para manumbalik ang init ng inyong pagmamahalan ni mister

lead image

Nawala na ba ang dating sidhi ng inyong pagmamahalan pagkatapos magkaroon ng mga anak? Muli itong ibalik at subukan ang aming mga tips sa pagtatalik!

Pagod ka na ba sa paulit-ulit ninyong routine sa kama? Bakit hindi mo subukan ang mga bagong sex moves para ma-impress mo si mister! Narito ang ilan sa mga tips sa pagtatalik na siguradong magpapasabik at muling magbabalik sa init ng inyong pagmamahalan!

Mga tips sa pagtatalik para ma-impress si mister!

Sa kung anumang kadahilanan, maging ang mga pinaka-wild na mga kababaihan ay nagiging tahimik sa loob ng kwarto pagkatapos na maging isang ina. Maaaring iniisip natin na hindi na tayo pwedeng magsaya ulit. May mga oras na nararamdaman pa rin natin ang pagiging "pilya" kahit na isa na tayong nanay ngayon at pwede pa rin naman tayong maging pilya sa loob ng kwarto.

Hindi mo kailangang maging boring dahil lamang sa nagkaroon ka na ng mga anak. Alisin sa iyong isipan na ang mga nanay ay dapat na laging maging maamo! Kung nais mong maibalik ang iyong pagiging dating "sex-kitten" bago ka naging ina, subukan mo itong mga tips sa pagtatalik para ma-impress mo ang iyong mister.

tips sa pakikipagtalik

1. Subukan ang patayo

Ang move na ito ay dapat subukan ng sinuman na nagnanais na patunayang sila pa rin ay "sex goddess!" Habang nakatayo, dahan-dahang yumuko at hawakan ang iyong bukung-bukong. Hayaang pumwesto si mister sa iyong likod. Sa ganitong posisyon, pareho ninyong makakalimutan nang panandalian na may mga anak na kayo.

2. Gumamit ng silya

Siguraduhing tulog na ang mga chikiting bago ninyo gawin ito. Paupuin si mister, nang nakahubad, sa isang silya at kumandong din nang nakahubad, paharap sa kanya. Bahagyang humilig kay mister at hayaang siyang umulos sa'yo. Pagkatapos nito, ang silya na inyong ginamit ay siguradong magiging paborito na ninyong silya ni mister.

3. Lamesa bilang bagong kama

Pagkatapos linisin ang lamesa ay humiga rito na nakalaylay ang mga paa sa dulo. Hayaan si mister na tumayo sa iyong harap sa relax na posisyon. I-enjoy ang pilyang paggamit ninyo ng lamesa, basta siguraduhing linisin ito bago kumain ng almusal ang mga bata.

4. Gawin sa loob ng bathtub

Sumaklang kay mister sa loob ng bathtub at gawing kapana-panabik ang paggamit ng banyo. Kung shower lamang ang mayroon kayo sa banyo, humarap sa pader at hayaang salyahin sa likod ni mister. Mas mainam kung i-aangat ka niya at iipitin sa pader habang kayo ay naliligo.

5. I-level up ang kama

I-level up ang nakasanayang doggie style sa pamamagitan ng pagyuko sa kama at pagpwesto ni mister sa iyong likuran. Makakaramdam kayong pareho ng bahagyang kasikipan dahil magkadikit ang iyong mga paa sa posisyong ito imbes na nakabukaka. Ang maganda sa posisyong ito ay hindi maririnig ng inyong mga natutulog na anak ang iyong pag-ungol.

6. Pahigain si mister

Pahigain si mister at humiga sa ibabaw niya. Hayaang umulos sa'yo si mister sa posisyong ito.

7. Abutin ang iyong mga tenga

Para sa mga nanay na kayang ibaluktot ang katawan, i-angat ang iyong mga paa papunta sa iyong tenga at hayaan si mister na isalya ka sa pinakamalalim na maaabot ng inyong pakiramdam.

8. Paa, tuhod, balikat at ulo

Hindi mo kailangang kantahin ang nursery rhyme habang pina-praktis ang posisyon na ito. Umibabaw kay mister habang siya ay nakahiga. Imbis na gawin ang nakasanayang cowgirl position na nakatupi ang mga tuhod, i-diretso ang mga paa patungo sa tenga ni mister, habang ang iyong tuhod ay malapit naman sa balikat niya. Maaaring mapagod si mister sa posisyong ito, ngunit hindi naman siguro siya magrereklamo sayo.

9. Gamitin ang sofa bilang bounce chair

Sumampa kay mister paharap sa kanya sa sofa. Ang pagiging matalbog ng sofa ang magpapadali ng pag-ulos niya dahil pareho kayong tatalbog sa isa't-isa. Hindi nga lang ligtas sa inyo ang napili ninyong lokasyon dahil maaari kayong mahuli dito.

10. Huwag manood sa telebisyon

Imbis na manood sa TV, manood ng mga video -- ninyong dalawa ni mister. I-record ang inyong mainit na pagtatalik at panoorin ito kung nagsisimula kang maging maamong ina. Bigla mong maaalala na pwede ka pa ring magsaya at matuto ng mga bagong sex moves para ma-impress si mister! Pag-ingatan lamang ang video upang hindi mapanood ng mga bata o ng ibang tao.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ A. Cruz

BASAHIN: Sexercise: Sex bilang ehersisyo? Mga tips para makabawas lalo ng calories

If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Written by

theAsianParent