Plano ba ng inyong pamilya na mamasyal ngayong Pasko? Tiyak na dudumugin ng mga tao ang mga pasyalan ngayong Christmas. Kaya naman, kung nais na mamasyal kasama ang mga bata, narito ang ilang tips sa pamamasyal ngayong Pasko na dapat niyong tandaan.
Tips sa pamamasyal sa Pasko para ligtas at masaya ang pamilya
Tips sa pamamasyal sa Pasko: Bago umalis ng bahay
- Bago umalis, tiyaking maayos ang seguridad ng bahay. Siguruhing naka-lock ang lahat ng pinto at bintana, at kung mayroon, i-activate ang security system.
- Kung mayroong automatic timers para sa ilaw sa loob ng bahay ay gamitin ito. Ang pagbibigay ng impression na may tao sa loob ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa posibleng magnanakaw.
Larawan mula sa Shutterstock
- Ilagay ang mahahalagang gamit tulad ng gadgets, pera, at alahas sa mga secure na lugar o safety deposit box.
- Siguruhing mayroong kopya ng emergency contact numbers para sa mga bata, pati na rin ang medical information tulad ng mga allergy o maintenance na gamot.
- Turuan ang mga bata kung ano ang dapat sabihin at gawin sakaling mawala ito. Ituro din dito kung kanino dapat at hindi dapat lumapit.
- Kung magdadala ng sasakyan, tiyaking nasa kondisyon ang preno, makina at iba pang dapat tingnan sa sasakyan.
- Ihanda ang mga essentials para sa mga bata tulad ng extra damit, diaper (kung kailangan), tsinelas o sapatos, at iba pang personal na gamit.
- Kung pupunta sa hotel o ibang accommodation, siguruhing childproof ito. I-secure ang mga electrical outlets at tignan ang mga potensiyal na peligro para sa mga bata.
Habang namamasyal
- Iwasan ang pagpo-post ng detalye ng bakasyon sa social media habang nasa biyahe. Sa pamamagitan nito, maiiwasan niyong makakuha ng atensyon ng masasamang loob.
- Dalhin ang listahan ng mahahalagang numero tulad ng contact numbers ng pamilya at mga lokal na awtoridad, sakaling kailanganin ng tulong.
- Pagsuotin ang bata ng makulay na damit para mabilis itong makita kung sakaling mawala sa kumpol ng mga tao.
Larawan mula sa Shutterstock
- Huwag magdala ng malaking halaga ng pera. Magdala lamang ng kinakailangang cash at ilagay ang credit/debit cards sa secure na wallet o pouch.
- Kung ang bata ay maliit pa, dalhin ang stroller o baby carrier para sa kanilang kaginhawaan at para madaling i-navigate ang mga crowded na lugar.
- Kung pupunta sa outdoor na lugar, siguruhing protektado ang mga bata mula sa araw. Gumamit ng sunscreen, magsuot ng hat, at magdala ng payong o tela.
- Palaging magdala ng sapat na tubig at mga paborito ng snacks ng bata. Ito ay makakatulong sa maiwasan ang gutom at uhaw.
Tips sa pamamasyal sa Pasko: Pag-uwi ng bahay
- Sa pagbalik, gawin ang “security sweep” bago pasukin ang bahay. Siguruhing wala nang kahina-hinalang tao sa paligid.
- Iwasang iwanan ang mga bags at valuables sa loob ng sasakyan, lalo na kung ito’y naka-display. I-secure ang mga ito bago bumaba ng sasakyan.
- Obserbahan ang paligid ng bahay ng anumang hindi pangkaraniwang palatandaan ng pagpasok ng ibang tao habang wala kayo.
- Pagbalik ng bahay, suriin ang kalusugan ng bata. Kung mayroong kahit anong hindi pangkaraniwang sintomas, kumonsulta agad sa doktor.
- I-secure ang lahat ng personal na gamit ng bata bago bumaba ng sasakyan o lumabas ng accommodation.
- Kung malaki na ang bata, kahit paano ay kausapin sila tungkol sa kanilang karanasan at siguruhing alam nila kung paano magbigay-alam kung kinakailangan.
Mommy and daddy, posible ang isang masayang pamamasyal tuwing Pasko basta’t sundin lamang ang mga ligtas tips na ito. Mahalaga ang mga ito para matiyak ang kaligtasan ng pamilya lalo na ng mga bata. Makatutulong din ito upang maiwasan na ma-stress ang mga magulang sa pag-aalaga ng anak habang namamasyal.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!