Tips and tricks para mapahaba ang buhay ng gatas ni Nanay

lead image

Sundin ang mga tips na ito upang mapanatiling sariwa at mapahaba ang buhay ng inyong gatas!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa oras na mag-desisyon kang magpasuso ng iyong anak, importanteng malaman ang lahat ng kailangang gawin para mapanatiling may gatas ka, at kung paano ito maiimbak para may sapat na gatas si baby mula sa kaniyang nanay. Hindi basta-basta ang pag-iimbak ng gatas ng ina, at mapanatili itong sariwa. Maliit na pagkakamali lang ay makakaapekto sa kalusugan ng sanggol, kaya’t kailangang alisto si Nanay.

Kung aalamin at susundin ang tamang paghahanda at pag-iimbak ng gatas ng ina, walang masasayang at mapapanatili ang kalidad ng gatas ng ina.

1. Lalagyan o container

Ilagay ang breastmilk sa BPA-free plastik o babasahin na may takip. May mga plastik bag na sadyang ginawa para sa pag-iimbak ng gatas ng ina. Mainam ang  mga lalagyang may takip dahil diretso ang pagpa-pump ni Nanay dito, pagkatapos ay tatakpan na lamang. Pero ang maganda lang sa mga plastik na lalagyan (na parang zip-lock) ay space saver ang mga ito sa refrigirator. May posibilidad lang na mabutas ang plastik bag, kaya’t kailangan pa ring ilagay sa mga containers na tulad ng Tupperware o Lock and Lock.

Huwag na huwag direktang ilalalgay ang gatas sa mga plastik o lalagyan na sadyang ginawa para sa kusina katulad ng baunan. Kahit na ang mga plastik ng disposable feeding bottles ay hindi para sa gatas ng ina. Siguraduhing sadyang para sa gatas ng ina ang gagamitin upang hindi makontamina ang iyong breastmilk.

Huwag maglagay ng bagong gatas sa nagamit nang lalagyan (na hindi hinugasan).

2. Sakto lang ang sukat, at pangalanan palagi

Kapag nagpa-pump ng gatas, siguraduhing malinis ang kamay, at ang mga lalagyan. Bawat iiimbak ay dapat katumbas ng isang feeding ni baby: 2-4 ounces. Mag-imbak din sa mas kaunti dito para lang may extra. Huwag punuin ang lalagyan, dahil nag-eexpand ang gatas ng ina kapag nagiging yelo. Kapag masyado kasing madami, at hindi nainom ng sanggol, masasayang lang ang gatas. Kaya’t paunti-unti lang ang sukat.

Pangalanan ang bawat lalagyan ng petsa at oras kung kailan ito na-pump. Kung iiwan sa ibang tao (nanny, day care, atbp) lagyan ng pangalan ng anak, para lang sigurado.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. May tatlong pagpipilian na lalagyan.

Kung sa isang insulated cooler ito ilalagay, punuin ng yelo ang cooler. Ito ay mabuti kung sigurado kang sa loob ng 24 na oras mo gagamitin ang gatas na inimbak.

Kung sa freezer, mas malamig sa likurang bahagi dahil ito ang pinakamalamig na bahagi ng freezer kaya’t mas maganda na duon ilagay ang mga gatas.

Kung sa refrigerator, sa likurang bahagi pa din ilagat dahil malamig din dito. Basta’t malinis ang refrigirator, hanggang 5 araw ito tatagal.

4. May limitadong oras o panahon lamang ang gatas na inimbak.

Sa hirap ng pagpa-pump ng gatas, nakakaiyak naman kung masasayang lang ito, hindi ba? Narito ang tsart na ibinahagi ng Medela, isang advocate ng breastfeeding, na aprubado ng Department of Health at ayon sa masusing pagsasaliksik ng mga eksperto:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

photo: blog.medelabreastfeedingus.com

Ang gatas ng ina ay dapat na panatilihing malamig bago ipainom sa sanggol. Ayon sa Center for Disease Control ng Amerika, ang expressed breast milk na nasa room temperature lamang ay tatagal ng 6 hanggang 8 oras. Kung nasa mainit na lugar o mainit ang panahon at ang kuwarto, hanggang 4 na oras lamang ito tatagal na sariwa.

Ang CDC ang nagbabahagi ng mga mahahalagang impormasyon at guidelines para sa breastmilk storage. Totoong ang paglalagay sa freezer ng gatas ng ina ay nakakapagpahaba ng buhay nito, ng hanggang 12 buwan. Ngunit tandaan na habang tumatagal ito, ang nutrisyon na makukuha dito ay hindi na sapat para sa lumalaking sanggol. Nababawasan din ang Vitamin C content nito. Ang gatas na nanggagaling sa ina ay nagbabago din ang nutritional content, dahil natural itong umaakma sa idad ng sanggol at sa pangangailangan nito habang lumalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Unahing ipainom ang pinakalumang gatas.

Sa paglalagay sa freezer, ilagay sa harapan ang mga pinakaluma o naunang na-pump (kaya mahalaga ang may petsa). Ito dapat ang unahin sa pagtutunaw at pagpapakain kay baby.

6. Huwag bsta ihalo ang frozen sa kaka-pump pa lamang na gatas.

Maaaring ihalo sa kaka-express pa lang na gatas ang mga frozen o pinalamig sa fridge, kung sa parehong araw mo ito na-pump. Ihalo lamang ito kapag natunaw na o liquid na muli ang pina-yelong gatas. Huwag ihahalo ang maligamgam at sariwang gatas ng ina sa nag-yelo nang gatas.

Pagtutunaw (thawing) ng nag-yelong gatas.

Unahin ang pinakalumang expressed breastmilk. Isang gabi bago planong gamitin ang nag-yelong gatas, ibaba na ito sa refrigirator mula sa freezer. Ibabad sa mainit o maligamgam na tubig ang frozen breastmilk para matunaw.

Huwag masyadong mainit o huwag kumukulo dahil matutunaw ang mismong lalagyan lalo kung plastik ito.

Huwag ilalagay sa microwave o sa stove dahil hindi magpapantay ang init o pagkatunaw nito. Maraming pagsasaliksik na rin ang nagsabing ang mabilis na pagpapainit o rapid heating ay nakakaapekto sa antibodies ng gatas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Katulad din ng karne o ulam na pina-yelo at ininit o tinunaw na, hindi na dapat pang ipainom kay baby ang gatas na nag-yelo na at tinunaw, kapag lumagpas na ng 24 oras. Hindi rin dapat ibalik pa sa freezer ang tinunaw na o na-thaw na frozen breastmilk.

7. Kung tinanggihan ni baby ang tinunaw na frozen milk…

Maaaring ikilan ang storage time sa susunod.

8. Hugasang mabuti at i-sterilise ang lahat ng bahagi ng breast pump pagkagamit.

Panatilihing malinis ang lahat ng gamit sa lahat ng oras. Itago din ito sa malinis na lalagyan o lugar, at siguraduhing walang insekto o alikabok na makakadumi sa mga ito.

Para sa Nanay na magbabalik-trabaho na:

Babalik ka na ba sa trabaho, pero gusto mo pa ring gatas mo lang ang iinumin ng iyong sanggol?

Magsimula sa pagpa-pump 1 hanggang 2 linggo bago magbalik sa trabaho para masanay na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mag-epress ng 3 beses sa loob ng 8 oras na trabaho sa opisina (o kung saan man), o sa bawat 3 oras na wala ka sa piling ng sanggol. Ang ibang Nanay ay nagpa-pump ng 10 minuto sa tuwing break sa trabaho, at 15 minuto tuwing tanghalian. Ang patuloy na pag-eexpress ay makakatulong sa milk production, para hindi tumigil ito.

Maaari kang mag-pump sa trabaho, para sa gatas na iiwan mo kay baby sa buong araw kinabukasan. Nilalagay ang gatas na na-pump ng Biyernes sa refrigirator, halimbawa, para sa susunod na Lunes, sa pagpasok muli sa trabaho. Gamitin ang mga frozen milk para sa mga emergency.

 

READ: 7 ways of pumping and storing that cause breastmilk contamination