VIRAL: Lalaki pinapakain ang "tropa" niyang teenage girls, hindi raw dinadala sa hotel

Viral na ngayon ang usapan ni "Tito Pemsa" at ng mga "tropa" niyang menor de edad na dalaga dahil sa pagyaya nito sa fast food chain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kilala mo ba ang mga kaibigan ng anak mo sa Facebook? Kilala mo ba kung sino ang mga nakikilala nila sa social media at kung kanino sila nakikipagkita? Narinig niyo na ba ang istorya ni “Tito Pemsa?”

“Tito Pemsa”

Viral na ngayon ang screenshot ng usapan ng isang lalaki na nagngangalang Pemsa Pascual at ng mga menor de edad na babae. Binansagan na ang lalaki na “Tito Pemsa” ng mga netizens dahil doble ang edad niya sa mga tinatawag niyang “tropa” niyang mga dalaga. Ang dalaga na nasasangkot ay tila nasa high school pa lamang at tinatantiyang nasa 14-16 anyos pa lamang.

Sa kumakalat na screenshot ng messages ni Tito Pemsa at ng kaniyang mga “tropa,” makikita na niyayaya niya ito na “kumain sa labas,”  kadalasan sa mga fast food chain, at “gumala.”

May mga pagkakataon naman na ang isa sa mga dalaga—itago na lang natin sa pangalang *Katherine—na nasasangkot ang nagyayaya sa kaniyang kumain sa labas at hindi niya ito tinatanggihan.

Sa isang conversation ni Tito Pemsa at ni *Katherine, tila nagselos pa ang matanda nang makita na may post ang bata na may kayakap na ibang lalaki. Nang minsan magyaya si *Katherine na lumabas, tinanong ni Tito Pemsa kung kasama ba nito ang kaniyang manliligaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ako ok lng sa akin na may bf ka wala ako paki pero pag ako kasama mo tayo pero pag d tayo mag kasama d bahala ka kung ano gawin mo,” mensahe ni Tito Pemsa sa dalaga.

 

Base sa usapan, tila nagkaroon pa ng “third party” sa pagkakaibigan ni Tito Pemsa at ni *Katherine, isa ring menor de edad na dalaga na itatago natin sa pangalang *Maria. Tila nagagalit si *Katherine tuwing nababanggit ang pangalan ni *Maria at tuwing lumalabas sa Pemsa kasama ang dalaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagaman walang direktang pag-amin sa usapan na may namagitan sa pagitan ni Pemsa at ng mga bata, nakakabagabag ang isang mensahe ng nakakatanda kay *Katherine. Nang minsan mag-aya ito na lumabas ng dis oras ng gabi, tinanong niya ang dalaga: “Handa ka na ba talaga ipasok kita sa hotel?”

Sumagot si *Katherine ng “Onaman.”

Depensa ni Tito Pemsa

Sa Facebook page na Tito Pemsa Pascual, nai-post ang depensa ni Pemsa Pascual ukol sa mga viral niyang istorya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ako po si Pemsa Pascual,” bungad niya. “Iyong nakakakita po sa Facebook, ay wala pong katotohanan ‘yan. Ang totoo po niyan nag-trending na daw po ako [dahil sa] hacker na ‘yan si Marie Ocampo.”

Ayon sa kaniya, matagal na siyang ginugulo ng isang nagngangalan na Marie Ocampo. Noong isang taon daw ay nahuli niya kung sino ito at na-i-save ang picture. Nawala daw ito panandali ngunit lumutang ulit nang maging kaibigan niya ang mga dalaga.

“Ngayon ‘eto na naman si Marie Ocampo dahil nga do’n sa mga tropa kong mga bata. Kumakain lang kami sa [fast food chain], ngayon ginawan na ng isyu. Hanggang sa nawala ‘yong aking account. Iyon pala na-hack na pala ‘yong account ko. Hindi ko alam kung bakit napunta sa kaniya.”

Hindi daw niya alam na kumalat na ang mga larawan nila ni *Maria.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

SI Pemsa at *Maria

“Hanggang sa napunta na sa Facebook ‘yong mga picture namin na kumakain lang sa [fast food chain] tapos sa ganiyan, e, kung anu-ano na ginawa niya.”

Itinanggi rin niya na siya ang ka-text ng mga “tropa” niyang menor de edad kahit na ang laman ng usapan ay mga detalye ng pagkikita niya umano sa mga ito. Hindi rin daw niya niyaya si *Katherine na mag-hotel.

“Pati ‘yong pagte-text sa tropa ko, hindi po ako ‘yong nagte-text. Siya po ang ka-text niyan. Kaya ako’y nagugulat na lang. Kumakalat ‘yong text na mayro’ng pa-hotel-hotel na hindi ko naman… Kain lang kami sa [hotel] ‘tapos may hotel-hotel pa.”

Dagdag pa niya na nabalitaan niya na may isa siyang “tropa” na menor de edad na babae na naipa-baranggay. Ang itinutukoy niya ay ang isang dalaga na pinagbibintangan na nagbubugaw daw sa mga kapwa niya dalaga at ifinoforward diumano ang mga pictures ng mga ito kay Pemsa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Katulad niyan, ‘yong isa kong kaibigan si [pangalan ng menor de edad]—hanggang sa na-baranggay. Ang ka-text niya ay ‘yong hacker, hindi ako.”

Hindi matukoy ni Pemsa kung sino talaga si Marie Ocampo at kung bakit siya na-hack. Gumamit na rin daw ito ng mga ibang pangalan dati tulad ng Jenny Lirio at Sergio Habulan. Wari niya ay gusto ng huli na matanggal siya sa trabaho niya sa isang kumpanya ng softdrinks.

“Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong siraan. Gusto yata akong matanggal sa trabaho, gano’n. Ewan ko ba. May trabaho tayo, [brand ng softdrinks] pa. Siyempre, big time tayo diyan…”

Saad pa niya, “Ngayon ang ginugulo niya ‘yong mga bata. Kawawa ‘yong mga bata, hindi na makapag-aral. Pati nga ‘yong trabaho ko, hindi na ako makalabas ng bahay, e, sa ginawa nitong Marie Ocampo na ito.”

Ayon kay Pemsa, nagbura na siya ng Facebook account. “Wala, e. Talagang kahiyaan na, e.”

Sa halos 4 na minuto niyang pahayag, pinabulaanan niya ang mga pahiwatig na may ugnayan siya sa mga menor de edad bukod sa pagkakaibigan.

“Walang katotohanan ‘yong nangyayaring ganiyan. Katulad niyan, kawawa naman ‘yong mga batang ‘yan. Tropa lang ‘yan, e. Tapos ginawan na ng isyu.”

Bilang panghuli, himanom niya ang hacker kuno na lumabas. “Gusto kong humarap sa akin ‘yan Marie Ocampo na ‘yan… Perwisyo ang ginawa mo sa akin, akala mo ba. Hindi na tama ito. Kasi Facebook hanggang abroad, tine-text ako ng mga, ‘Pemsa, bakit ganiyan ka?’ Hiyang-hiya na nga ako, e.”

Viral

Mula nang maging viral ang mga usapan na ito sa Facebook, nag-sanga-sanga na ang usapan. Hindi nakatakas ang mga bata sa mga bashers at trolls. Panay ang mga komento ng netizens at pag gawa ng memes.

Facebook status ni *Katherine

Imbis na pagpayuhan si *Katherine na huwag gumawa ng kung ano man na makakasakit sa kaniyang sarili o di kaya ay pakinggan ang kaniyang panig, kinuyog pa ito ng netizens.

Hindi biro ang cyber bullying. May mga bata nang nagpakamatay dahil dito.

May nagsasabing hindi lamang si *Katherine at *Maria ang “tropa” ni Tito Pemsa kundi mga iba pang mga menor na dalaga.

Para sa mga magulang

Tunay na nakakabahala ang eskandalong ito dahil napapa-isip tayong mga magulang kung sino-sino ba talaga ang mga kinakausap ng mga anak natin sa social media. Kumportable ba kayo na sumasama ang anak niyo sa “tropa” niyang higit sa doble ang edad sa kaniya?

Alamin ang mga puwede mong gawin upang maprotektahan ang iyong anak online.