LOOK: Tito Sotto at Helen Gamboa, nag-celebrate ng 50th wedding anniversary

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ika-22 ng Setyembre, Linggo, ang Senate President na si Tito Sotto at kabiyak na si Helen Gamboa ay nagkaroon ng renewal of vows upang i-celebrate nila ang kanilang ika-50th anniversary bilang mag-asawa.

Renewal of vows

Ang kanilang intimate renewal of vows ceremony ay ginanap sa St. Thomas Aquinas Parish sa Batangas at dinaluhan ito ng mga pamilya at malalapit na kaibigan ng mag-asawa.

Ang St. Thomas Aquinas Parish sa Batangas ay ang parehong simbahan kung saan nagtanan ang mag-asawa 50 years na ang nakalipas.

Sa Instagram post nga ni Tito Sotto, ipinakita niya ang damit na isinuot ng asawa sa kanilang pagtatanan noon.

Aniya, “This is the dress she wore when we eloped 50 years ago!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasikatan nga ng actress-singer na si Helen nang magtanan sila ni Tito noong ika-21 ng Setyembre, taong 1969.

Pero dahil inabot sila ng madaling-araw, naisipan nilang kinabukasan na lamang magpakasal at ikinasal nga sila sa St. Thomas sa Batangas.

50th wedding anniversary

Matapos ang makabagbag damdamin na exchange of vows nila Tito at Helen, itinuloy nga ang celebration ng kanilang ika-50th wedding anniversary sa Chairman’s Villa ng Solaire Resort and Casino.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement


Naniniwala ang apat na anak nina Tito at Helen na sina Apples, Lala, Gian, at Ciara na totoong may forever, dahil pinatunayan ito mismo ng kanilang mga magulang na umabot ng 50 taon ang pagsasama.

Umaasa rin ang mga anak na umabot ang kani-kanilang mga love story na parang sa kanilang mga magulang, 50 years o higit pa, forever nga ika nga nila.

Talagang naging isang magandang inspirasyon sina Tito at Helen sa kanilang mga anak lalo na pagtungkol sa relasyon at pagpapalaki ng sari-sarili nilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban sa kani-kanilang mga malalapit na kapamilya na nandoon tulad nila Vic Sotto, Pauleen Luna, Val Sotto, present rin sina Susan Roces, Senator Grace Poe, Joey de Leon, at si Mother Lily Monteverde.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Happy wife, happy life”

Kung aalalahanin ang interview ni Tito Sotto para sa The Manila Times noong ika-49th wedding anniversary nila last year ng asawang si Helen Gamboa, sinambit niya ang cliche na katagang, “a happy wife is a happy life.”

Ang buong pahayag ng Senate President, “I believe that ‘a happy wife is a happy life.'”

“I try my very best to [always] make her happy. She takes care of me, but it has always been about her,” aniya pa.

Dagdag pa niya, “If she’s happy, then I’m happy. She’s my everything. In my 69 years [in this world], 49 years [and looking forward for decades more] had been spent with her. She is my life.”

Ito ang buong album ng 50th wedding anniversary nila Tito at Helen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement


Source: Nice Print Photography, The Manila Times

Basahin: 3 Rason kung bakit dapat ipagdiwang ang inyong wedding anniversary