Nagdiwang na ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Marco Alcaraz at Lara Quigaman na si Tobias Alcaraz.
Tobias Nolan Alcaraz
Nagsalo-salo ang mga pamilya at kaibigan ng mag-asawa nuong Lingo na may temang army. Ayon kay Lara, ito ay dahil ang kanilang anak ay part of God’s army. Si Tobias Nolan ay isang soldier of Christ.
Dahil dito, kapansin-pansin na ang handa at disenyo ay naaayon sa pagiging sundalo. Maging ang ilang mga bisita ay nagbihis na tila sundalo para sa pagdiriwang ng kaarawan ng bata.
Mensahe ni Lara Quigaman
Para sa inang si Lara Quigaman, commitment nila ni Marco ang palakihin ang bata sa salita ng Diyos. Kanyang kinikilala ang bata bilang sagot sa kanilang mga dasal at regalo sa kanila ng Diyos. Ito ay ang kwento sa likod ng pangalan ni Tobias Alcaraz na nangangahulugang God is good.
Nais ni Lara na hindi malimutan ni Tobias ang pagmamahal sa kanya ng Diyos. Kanyang panalangin na kahit ano ang mangyari sa buhay ng bata, lagi niyang maalala na kontrolado lahat ng Diyos at na mahal siya nito.
“May you grow up healthy, smart, full of wisdom that comes only from the Lord, tall, matangos ang ilong 🙊 but more importantly that you will grow up in fear and love and knowledge of the Lord. That He will keep keep you always. ” Dagdag pa ni Lara.
Basahin din: LOOK: Cute photos ng pamilya ni Lara Quigaman at Marco Alcaraz
Sources: Nice Print Photography, Lara Quigaman
Basahin: LOOK: Cute photos ng pamilya ni Lara Quigaman at Marco Alcaraz