Development at paglaki ng toddler sa kaniyang ika-14 buwan

Mga kailangan mong malaman tungkol sa paglaki at development na pisikal, pandama, pag-unawa, emosyonal, social, at lenguahe.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Simula na ng (exciting) na parenting! Ang toddler development ng 14 buwan ay nangangahulugan ng pagtatakda ng boundaries at rules—at pagpupog ng halik at yakap. Alamin ang napakaraming bagay na puwedeng gawin kasama ng iyong 14-buwang gulang na baby.

Ihanda na ang sarili sa susunod na stage ng toddler development: dito na masusubok ang pasensiya ng mga magulang. May sariling personalidad at karakter na ang iyong anak, at makikilala mo na ang ugaling nabuo sa loob ng isang taon. May sarili na siyang pag-iisip at ipapakita niya ito sa iyo—hintayin mo lang!

Panahon na para turuan siya ng rules at boundaries. Huwag mag-alala—ang “terrible two’s” ay malayo pa. Sa ngayon, nagsasanay pa lang si baby, at pupupugin ka pa ng yakap at halik.

Toddler development ng 14 buwan: Physical Development

Sa yugtong ito, dapat ang median height at weight ng iyong anak ay:

  • Boys
    – Length: 77.9 cm (30.7 inches)
    – Weight: 10.1 kg (22.3lb)
  • Girls
    – Length: 76.4 cm (30.1 inches)
    – Weight: 9.7 kg (21.5lb)

Ang kanyang head circumference naman ay dapat na:

  • Boys: 46.58 cm (18.3 inches)
  • Girls: 45.43 cm (17.9 inches)

Nakakatuwang panooring maglakad na parang bibe ang iyong 14-buwang gulang. Basta’t patuloy na hihikayatin siyang maglakad, para tuluyan siyang masanay. Sa ngayon, Malakas na ang loob ni baby na maglakad nang walang tulong. Ito ang tanda ng mabilis na pag-unlad ng gross motor skills niya. Panuorin din kung paano niya hilahin ang sarili para tumayo, mula sa pagkakaupo.

Bantayan lang siya dahil magsusubok na din itong umakyat ng hagdan kapag naisipan niya. Kapag bored ka o pagod, magpatugtog ng masayang kanta at siguradong sasayaw si baby at magpapakitang gilas pa kamo. Makisayaw sa kaniya para makita niya ang mga “dance moves” mo, at hintayin mong gayahin ka niya! Alalayan pa rin siya dahil may pagkakataon na matutumba o mapapaupo si baby lalo na kapag sobrang excited na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Parang bibeng naglalakad si baby, pero huwag mag-alala at normal lang ito. Mahirap din kasing maglakad ng diretso kung naka-nappy. Bigyan siya ng masahe pagkaligo para makatulong sa tuwid niyang paglalakad.

Para naman sa fine motor skills niya, bigyan siya ng mga crayon at blocks para masanay ang mga daliri at kamay. Pati ang mga board books at baby books ay epektibo para sa fine motor skills niya, dahil natututo na rin siyang maglipat ng pahina ng mga libro.

Mga gawain para sa physical development:

Kapag nagbabasa ng libro, hayaang si baby ang maglipat ng bawat pahina. Ipakita sa kaniya kung paano, at saka hayaan siya. Huwag nang magalit o mag-alala kung mapunit ng kaunti, ang importante ay natututo si baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Huwag ding masyadong mairita kung makalat ang bahat ngayon, lalo na kung oras ng kainan o crafts time ni baby. Ang mga gawaing ito, kasama na ang pagkakalat ay importante para sa development ni baby.

Hind pa siya nakakahawak ng crayons nang gamit ang tripod grip, pero ensayo na ang “pincer grip” na ginagawa niya. Ituro sa kaniya ang iba’t ibang kulay at hugis at siguradong mabilis niya itong matututunan, lalo na kung gagamitin ito sa mga arts at crafts activities.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

  • Kung hindi nagtuturo ang bata sa mga bagay at litrato.
  • Kung ang bata ay hindi pa nakakatayo nang walang gabay

Toddler development ng 14 buwan: Cognitive Development

Ngayon ay puno na ng curiosity at pagtataka ang iyong toddler. Patuloy ding umuunlad ang physical skills niya kaya’t nakakaya na niyang tuklasin ang paligid niya—at ang mga loob nito. Asahang makikita siyang nagbubukas ng mga pinto, drawer, cupboards, at mga containers na may takip. Mahihilig din siyang kumuha ng gamit mula sa isang shelf, tapos ay ibabalik ito, at paulit-ulit pa niyang gagawin. Siguraduhing naka-childproof ang bahay para ligtas ang paggala ni baby sa loob ng bahay niyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lahat ng impormasyon na ito isa lang ang ibig sabihn—abalang-abala ang utak ni baby! Isa siyang little explorer at lahat ng senses niya ay aktibo—kaya din lahat ng mahawakan niya ay isinusubo niya. Mahilig pa itong pumulot ng mga bagay sa sahig, sabay subo! Kaya siguraduhing kunin ang mga nahuhulog na pagkain, at maliliit na bagay sa sahig, at baka choking hazard ito, kundi man nakakalason o masama para kay baby.

Itabi ang mga nail polish, shoe shine at shaving cream. Pati ang toothpase ay ilagay sa mga lugar na hindi maaabot ni baby.

Naiintindihan na niya na si Mommy at Daddy, ang sarili niya, at ang mundo ay tatlong magkakaibang bagay.

Ito ang panahon para simulan ang pagtatakda ng boundaries. Masyado pang bata si baby para sa timeout o anumang uri ng consequences. Kaya sa ngayon, kailangan lang paulit-ulit na paalalahanan ang bata sa mga rules, hanggang sa tuluyan niya itong maintindihan at sundin.

Gawain para sa physical development:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil mahilig na siyang magbukas-sara ng mga cabinet, pintuan at drawer, bakit hindi siya bigyan ng mga bagay na pwede niyang buksan at isara, punuin ng laman at itaob? Bigyan siya ng laruan basket o kahon ng laruan, mga laruang kubyertos, plastik na prutas at gulay, at mga plastic bottles na walang laman. Kapag interesado pa rin siya sa pagkuha at paghahalungkat ng mga gamit sa cupboard o drawer, lagyan ito ng pangsara (lalo na kung may mga mapanganib na bagay sa loob), o di kaya ay turuan  siyang magbalik o magligpit ng kinalat niya. Itaas o ikandado ang mga detergent, bleach at iba pang kemikal, at mga matatalas o delikadong bagay.

Bigyan din si baby ng sensory bin para may pagkaabalahan siya. Mangolekta ng iba’t ibang bagay na may iba’t ibang texture, sukat, at kulay para sa pagdevelop ng sensory skills ng bata.

Kung maganda ang panahon, ilabas ang bata at maglaro kayo. Dalhin siya sa park o playground at samantalahin ang sariwang hangin. Napakaraming bagay ang matututunan niya sa paglalaro sa labas.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

  • Hindi pa nakakatayo mag-isa.
  • Hindi nagsasabi ng anumang salita.
  • Hindi pa tumutugon sa tawag ng pangalan niya.
  • Hindi interesado sa anumang laruan.

Toddler development ng 14 buwan: Social at Emotional Development

Kung minsan ay umiiyak si baby kapag naglalaro, huwag mag-alala. May mga madidiskubre siyang nakakatakot para sa kaniya, tulad ng mga madilim na sulok sa ilalim ng hagdan o kusina. Pagmasdan kung ano ang mga bagay na nagsisimula siyang katakutan. Normal lamang ito sa mga 14-buwang-gulang na bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makikitang independent na siya, at mas gusto na niyang naglalaro nang mag-isa. Pero ikaw pa rin, Mommy, at si Daddy ang paboritong mga tao ni baby! Ang mga magulang niya ang gusto niyang kalaro palagi, at makikita mo ang tuwa sa mga mata niya kapag nakikita si Mommy at Daddy.

Lahat ng ito ay nakakatulong sa pagkatuto niya, at matutulungang masanay ang sense of autonomy at self-confidence ng bata. Ito ang pinakamabuting pundasyon para sa pagkatuto niya paglaki niya.

Mga gawain para sa socio-emotional development:
Napansin mo din bang mahilig na siyang tumulong sa iyo sa mga gawaing bahay? Patulungin siya sa mga simpleng bagay tulad ng pagkuha ng susi sa lamesa, pagligpit ng tsinelas o sapatos, pag-abot sa ‘yo ng mga tinutuping damit o medyas. Bonding moment din ito, habang natuturuan si baby na maging responsable at matulungin.

Makipag-ayos ng play dates sa mga kaibigan o kamag-anak para matulungan si baby na makakilala ng mga ibang tao, lalo na ang mga ka-edad niya.

Maglaro ng “Mirror me” at hayaan siyang gayahin ang malungkot, masaya, umiiyak, nakangiti at galit na mukha. Sa pag-alam ng mga emosyon at tawag dito, umuunlad din ang social-emotional skills niya.

Kailang dapat kumunsulta sa doktor:

  • Kung sobra ang takot niya sa mga bagong mukha o sitwasyon, at ayaw sumubok ng mga bagong gawain o pumunta sa mga lugar sa labas ng comfort zone niya.
  • Kung palagi lang lethargic at walang ginagawa, hindi kumikilos, at parang walang motibasyon na gumawa ng mga bagay bagay.

Toddler development ng 14 buwan: Language at Speech Development

Nagsisimula na ang paglago ng bokabularyo niya, at maaaring nagsasanay ng boses sa pamamagitan ng pagsigaw at paghiyaw.

Nag-iimbento pa nga ito ng mga tunog at salita—na ang ibig sabihin ay patuloy na nagdedevelop ang pagsasalita niya. Kung palagi pang kinakausap at binabasahan, mas marami na siyang alam na salita sa ngayon.

Nakakaintindi na rin siya ng maraming mga salita, na kakayanin din niyang sabihin pagtagal. Mabilis ang pagkatuto niya ng mga bagong salita sa araw-araw, habang patuloy niyang naririnig ang mga ito.

Mga gawain para sa  speech development:

Maglaro ng mga sorting games para sa kaniya, tulad ng paglalagay ng stacking rings o kaya ay shape sorting cube, at pagpapatong-patungin ito. Kausapin siya at itanong kung nasaan ang kulay pula, o ang maliit at malaki. Pangalanan ang mga kulay at hugis na makikita habang naglalaro. Magbilang din kasama si baby.

Kaya na rin ng iyong toddler na sumunod sa mga simpleng instruction, tulad ng, “Iabot mo nga sa akin ang bola.” Kapag nagbabasa, gawing “animated” ang boses at iba-ibahin ang tono, ang hina at lakas. Hikayatin siyang gayahin ang mga animal sounds kung meron. Tanungin siya tungkol sa mga nakikitang larawan sa libro at hikayatin siyang magturo: Nasan ang kabayo? Nasan ang puno?

Toddler development ng 14 buwan: Kalusugan at Nutrisyon

Dahil nga yumayabong ang independence at self-confidence ni baby, mapili na rin siya sa pagkain. Hayaan siyang kumain mag-isa, kahit pa makalat. Kasama ito sa paghikayat ng independence at autonomy niya. Kung nag-aalala sa kalat, maglagay ng plastic mat na malaki sa sahig at saka ipatong dito ang high chair. O di kaya ay maglatag ng diyaryo para itatapon na lang pagkatapos magkalat ni baby.

Siguraduhing nakahanda ang phone number ng pediatrician ng bata para mabilis na matatawagan kung may anumang emergency o kung may tanong tungkol sa kalusugan ng bata.

Tips para sa mga magulang

Ito ang panahon para magtakda at maghanda ng mga boundaries, hindi lang emosyional, kundi pati pisikal. Mag-invest sa paglalagay ng gate para sa hagdan, at ibang kuwarto na delikado para kay baby (tulad ng cleaning closet, garahe, kusina) at para din magkaro’n ng limitasyon ang paggala niya.

Lahat ng bata ay nagde-develop sa sarili nilang bilis o oras. May mga natututo nang magbukas ng pinto, umakyat ng hagdan ng pagapang, pero meron din mga kuntento na sa laruang ibinigay ni Mommy, at iyon ang pagtutuunan ng pansin ng ilang oras.

May mga bata rin na masayang sinasamahan lang si Mommy at tumutulong sa ginagawa niya, at meron ding tahimik na naglalaro mag-isa, at nagbabasa pa nga ng libro at nakaupo lang sa isang tabi.

Lahat ng ito ay walang indikasyon tungkol sa kinabukasan ni baby—sa future development niya o sa pag-aaral niya. May balita nga na si Einstein ay hindi natutong magsalita hanggang 3 taong gulang na siya.

Basahin ang mga articles tungkol sa toddler development sa ika-12, ika-18 at ika-24 buwan, para malaman ang mga early warning signals ng delay na dapat pagmatiyagan. Kung may concern, ikunsulta agad ito sa doktor.

 

Isinalin sa wikang Filipino ni ANNA SANTOS VILLAR
https://sg.theasianparent.com/toddler-development-14-months