Tom Rodriguez baby tinawag ng aktor na kaniyang greatest source of inspiration sa ngayon.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Aktor na si Tom Rodriguez isa ng ganap na ama.
- Tom Rodriguez baby source of inspiration daw ng actor sa ngayon.
Aktor na si Tom Rodriguez isa ng ganap na ama
Larawan mula sa Instagram account ni Tom Rodriguez
Sa isang panayam ay Ibinahagi ng aktor na si Tom Rodriguez na siya ngayon ay isa ng ama. Pagbabahagi ni Tom ang kaniyang baby ay isang boy na nagngangalang Korben. Si Korben ngayon ay four months old na.
Ibinahagi ni Tom ang kuwento sa likod ng pangalan ng kaniyang anak na si Korben. Ito daw ay isang anagram ng salitang “broken” at sumisimbolo sa panibagong simula at muling pagbuo ng buhay.
“David’s covenant with the Lord was his broken soul, so Korben is an anagram for ‘broken,” paliwanag ni Tom.
Si Tom piniling hindi magbahagi ng iba pang detalye tungkol sa kaniyang baby pati narin sa ina nito. Hindi niya naman daw intensyong itago ang kaniyang mag-ina. Pero sa ngayon ay mas gusto niyang isapribado ang kaniyang buhay pamilya. Pagbibigay clue ni Tom sa nanay ng kaniyang baby, ito daw ay hindi isang Filipina.
Tom Rodriguez baby source of inspiration daw ng actor sa ngayon
Larawan mula sa Instagram account ni Tom Rodriguez
Ayon kay Tom, si baby Korben ngayon ang source of inspiration niya. Lalo pa’t nagbabalik showbiz siya ngayon matapos ang pinagdaanang gusot sa kaniyang lovelife at career dito sa bansa.
“He’s my source of inspiration and he makes me so happy. I’ve never experienced happiness at this level.”
Ito ang sabi ni Tom sa isang panayam.
Kuwento pa niya, malaki ang impact sa kaniyang pagkatao ng pagiging isang ama. Sabi pa ng aktor, ibabahagi niya sa anak ang mga natutunan at napagdaanan niya.
“Everything I go through, iniisip ko, how will I want to teach (my son) things. Paano ko ituturo sa kanya na everything na nangyayari sa akin… it’s not about how do I get through this, but what can I learn from this to be able to pass this down to him.”
Ito ang sabi pa ni Tom Rodriguez tungkol sa kaniyang baby.
Matatandaang naging mainit na usapin ang naging paghihiwalay ni Tom noon at dating misis niyang si Carla Abellana. Matapos ang higit isang taon na pamamalagi sa ibang bansa, siya ngayon ay balik Pilipinas para ipagpatuloy ang kaniyang acting career.
Larawan mula sa Instagram account ni Carla Abellana
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!