Ang na kundisyon tongue tie sa mga baby hindi naman daw dapat ikabahala ng mga mommy, sa Tagalog maaari itong ma-describe na tila nakatali ang dila ng isang baby.
Wala pang malinaw na paliwanag at basehan ang mga eksperto patungkol sa tongue tie sa mga baby.
Talaan ng Nilalaman
Ano nga ba ang tongue tie?
Ang tongue tie o ankyloglossia ay isang kondisyon na kung saan ang lingual frenulum. O ang tissue na nagdudugtong sa dila at ilalim na parte ng bunganga ng bata ay masyadong maiksi.
Dahil sa kondisyon na ito ay nahihirapang maigalaw ng isang bata ang kaniyang dila. Pinaniniwalaang din na maaring magpahirap sa kaniyang sumuso, magsalita, kumain at lumunok.
Madalas ang tongue tie ay sinasabayan rin ng lip tie. Kung saan ang labial frenulum o ang tissue na nagdurugtong sa itaas na bahagi ng labi at gum line ay masyadong maiksi.
Ang kondisyon na ito’y nararanasan ng apat hanggang sa 11% ng mga newborn na namamana o hereditary sa kanilang pamilya.
Halos lahat ay maaaring magkaroon ng tongue tie. Subalit mas karaniwan ito sa mga baby boy kaysa sa mga baby girl.
Sintomas ng tongue tie sa mga baby
Narito ang ilang mga senyales at sintomas ng tongue tie sa isang baby. Ito ay ang mga sumusunod:
- Hirap sa pag-lift ng dila sa kaniyang upper teeth o hirap sa paggalaw ng kaniyang dila side to side.
- Dila na tila may bingot o kaya naman may heart shape kapag nilabas.
- May hirap sa pag-stick out ng kaniyang dila sa kaniyang lower front teeth.
Epekto ng tongue tie sa mga baby
Madalas ang tongue tie ang sinisi kung bakit hindi nakakasuso ng maayos ang mga newborn baby. Sinasabi ring ang mga baby na may kondisyon na ganito ay magkakaroon ng speech defect sa kanilang paglaki.
Kaya naman ang payo ng mga lactation consultant sa mga bagong panganak na mommy na nakakaranas ng hirap sa pagpapasuso sa mga tongue tie baby ay ang gupitin ang tissue o frenulum para maigalaw nito ng maayos ang kaniyang dila.
Ang tawag sa procedure na ito ay frenotomy o tongue-tie revision.
Ang procedure na ito ay ligtas at ginagawa lang ng ilang minuto.
Sa pamamagitan ng laser o sterile scissors ay bahagyang gugupitin ang frenulum na nagdudugtong sa dila at sa ilalim na bibig ng baby.
Sa pamamagitan nito, mas maigagalaw ng baby ang kaniyang dila. Ito daw ay makakasuso o makaka-latch na ng maayos sa kaniyang mommy.
Pero para sa mga medical professionals at researchers, hanggang sa ngayon ay hindi pa napapatunayan kung nakakatulong nga ba talaga ang procedure na ito sa pagpapasuso ng mga baby.
Lalo pa at wala pang matibay na ebidensya ang nakakalap tungkol dito.
Tongue tie at breastfeeding
Sa isang kuwento ng karanasan ni Rachel Morgan Cautero, isang Florida-based writer at first time mom. Sinabi niyang ang kaniyang baby ay na-diagnose na may tongue tie at lip tie ng kaniyang lactation consultant matapos itong maipanganak.
Ang naging suggestion nga raw agad ng kaniyang consultant ay ang idaan agad sa frenotomy ang kaniyang baby. Sapagkat hindi daw ito makaka-latch o makakasuso nang maayos dahil sa kondisyon niya.
Dagdag pa ang sakit na maidudulot nito sa kaniya kapag nagpapasuso.
Ngunit hindi agad nakinig si Rachel sa payo ng consultant at sinubukang pasusuin parin ang anak.
Matapos subukan ang iba-ibang posisyon para mapasuso ng maayos ang kaniyang newborn son. Nakasuso ito ng 3 ounces of milk sa loob lang ng dose minuto.
Ikinagulat ito ni Rachel at ng kaniyang asawa. Kaya naman napagdesisyunan nilang huwag ng ipa-laser pa ang tounge tie ng anak.
Katulad ng kaniyang baby si Rachel at ang asawa niya ay mayroon ring tongue tie at lip tie ngunit hindi naman daw sila nakaranas ng mga sinasabing epektong dulot ng kondisyon.
Sa pagdaan ng araw ay maayos na nakakasuso na ang kaniyang baby at unti-unti ng nawala ang sakit na dulot ng pagpapasuso. At ito ay naging possible ng hindi isinasagawa ang frenotomy sa kaniyang tongue tie baby.
Frenotomy bilang solusyon sa tongue tie
Ayon sa isang 2017 study, ang reported diagnosed cases ng tongue tie sa mga baby ay tumaas ng 834% mula 1997 hanggang 2012.
Kasabay nito ay tumaas rin ng 866% ang mga baby na nag-undergo sa frenotomy para mai-address ang kanilang kondisyon.
Ito ang nakitang solusyon ng mga ina na nahihirapang magpasuso ng kanilang anak.
Ngunit para sa mga eksperto wala pa ring malinaw na basehan at ebidensya kung ang frenotomy nga ay nakakatulong para maisaayos ang breastfeeding relationship ni mommy at baby.
At kung ang tongue tie na hindi nagamot ay makakaapekto o magdudulot ng bad outcome sa buhay ng isang sanggol sa kaniyang paglaki.
Ayon iyan kay Dr. Karthik Balakrishnan, isang pediatric-otolaryngology professor sa Mayo Clinic Children’s Center.
Para naman kay Dr. Jonathan Walsh, assistant pediatric-otolaryngology professor sa Johns Hopkins School of Medicine at author ng ginawang 2017 study tungkol sa tongue tie, ang mga long term effects ng tongue tie ay napaka-upredictable at nakadepende sa lala ng kondisyon.
At wala rin maayos na data na nagpapakita ng talagang mga epekto nito.
Para naman sa manager ng isang speech-language pathology na si Jennifer Burstein, walang research ang nakakapagpaliwanag na ang tongue tie ay maaring makaapekto sa speech development ng isang bata.
Pag-aaral patungkol sa treatment sa Tongue tie
Ayon naman sa certified lactation consultant na si Linda Derbyshire mula sa Philadelpia, ang pagkakaroon ng tongue tie ng isang baby ay hindi agad nangangahulugan na mahihirapan na itong sumuso sa kaniyang ina. Dahil maraming baby naman ang may kondisyon na ito ngunit nakakasuso ng maayos.
May isang pag-aaral naman ang nagsabi na may 40 to 75% ng baby na may tongue tie ang nakakasuso ng maayos ng hindi kailangan ng intervention o frenotomy. Ngunit ang procedure ay makakatulong para maibsan ang maternal nipple pain.
Ang isang pag-aaral naman noong 2007 ang nagsabing 10% lamang ng mga pediatrician ang naniniwalang ang tongue tie ay nakakaapekto sa breastfeeding. Thirty percent naman ng mga ENTs ang naniniwala sa relasyon ng tongue tie at hirap sa pagpapasuso..
Samantalang 70% ng mga lacatation consultants ang naniniwalang nakakapekto ang tongue tie sa breastfeeding. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ay nakakakuha ng iba’t-ibang impression tungkol sa kondisyon.
Kaya payo ng lactation consultant na si Linda Derbyshire. Bago gawin ang surgical intervention ay subukan muna ang strength-building mouth exercises sa mga newborn baby.
Ito ay magagawa sa pamamagitan ng paggalaw sa dila ng baby o kaya naman ay pagpapasipsip isang malinis na daliri sa kaniya. Sa ganitong paraan ay matutulungan ang mga baby na ma-master ang swallowing motion.
Ang mahinang pagsipsip o pagdede ay isa rin sa maaring dahilan ng mahirap na pagpapasuso sa mga baby, ayon parin kay Derbyshire.
Para naman kay Dr. Paul Bahn, isang pediatric dentist na laging nagsasagawa ng tongue tie revision may mga seryosong kondisyon rin na dapat bigyan pansin ang mga mommy na hirap magpasuso.
Isa na rito ang torticollis o ang kondisyon na kung saan ang ulo ni baby ay nakalihis lang sa isang side. Maaring ang hirap sa pagpapasuso rin ay dahil sa congenital issues. Puwede rin na naman ay dahil cardiac issue, dagdag pa ni Dr. Bahn.
Paliwanag ni Dr. Bahn ang isang baby na may cardiac problem ay hindi makakasuso ng maayos dahil madali itong mapagod o hingalin.
Kaya naman paalala ng mga eksperto sa mga mommy kung napapansin na hirap sa pagsuso ang baby, agad na dalhin ito sa doktor. Para matukoy kung ano ang dahilan nito at agad na masolusyonan.
Kailan dapat pumunta sa doktor?
Kapag mayroong tongue tie ang iyong baby at nagdudulot na ito ng ilang problema sa kaniya. Katulad na lamang nagpagdede, maaaring pumunta at magpakonsulta na sa isang doktor. Ilan pa sa mga senyales na dapat nang pumunta sa doktor si baby ay ang mga sumusunod:
- Hirap sa pag-breastfeed
- Kapag nahihirapan siya sa pagsasalita o sinabi ng isang speech-language pathologist na naaapektuhan ang kaniyang pagsasalita dahil sa kaniyang tongue tie.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.