Sa isang YouTube video na in-upload ng aktres na si Toni Gonzaga, naikwento niya na 8 taon raw sila naghintay ni Paul bago sila nakapagbakasyon na magkasama. Ito raw ay dahil mahigpit ang mga magulang ni Toni, at pinagsabihan siya na mag-hintay na lang daw muna sila na ikasal bago mag-‘honeymoon.’
Toni Gonzaga: “Medyo matagal-tagal ang hinintay ko para ma-experience ‘to. Pero it was all worth it”
Naikwento ni Toni na kapag napag-uusapan raw niya ng kaniyang mga magulang ang pagbabakasyon, ay pabiro na hindi sumasang-ayon ang kaniyang ina. Ang ama naman ni Toni ay mas strikto tungkol dito, at sinabihan siya na maghintay hanggang ikasal sila ni Paul.
Dagdag pa ni Toni na bumilib rin siya kay Direk Paul dahil nakapag-antay raw ito. Aniya, kahit kailan daw ay hindi siya sinabihan na mag-rebelde sa kaniyang mga magulang. Sabi pa nga raw ni Paul na intindihin na lang raw nila ang patakaran ng mga magulang ni Toni.
Ngunit paglaon ay naisip ni Toni na sulit ang kanilang ginawang paghihintay. Sabi ng aktres: “I realized that your obedience and sacrifice will always be rewarded in the end. Medyo matagal-tagal ang hinintay ko para ma-experience ‘to. Pero it was all worth it.
“Kaya pala ako pinaghintay nang matagal, kasi may magandang nakalaan. Kung siguro pinilit ko pumunta dito noon, it would’ve cost me hundreds and thousands of pesos, and it would’ve cost me my relationship with my parents. But because I waited for God’s perfect time, it cost me nothing.”
Masaya raw si Toni sa buhay mag-asawa
Para kay Toni, sadyang hindi niya malilimutan ang naging honeymoon nilang mag-asawa. Sa Amanpulo raw sila nagpunta, at ito rin ang pinaka-una nilang bakasyon na magkasama. Mahalagang-mahalaga raw ang lugar na iyon para sa kanila, dahil ito ang naging “reward” ng kanilang paghihintay.
Kaya naman tuwang-tuwa si Toni na nagbakasyon silang pamilya sa Amanpulo. Ayon kay Toni, masaya raw siya at nakapaghintay sila ng kaniyang asawa. Hindi man raw naging madali ito para sa kanila, naging sulit naman ang kinahinatnan dahil biniyayaan sila ng Panginoon sa kanilang paghihintay.
Aniya, “Darating ang time, ibibigay din sa’yo ni Lord and pinagdarasal mo.”
Source: ABS-CBN
Basahin: LOOK: Toni and Paul’s baby Seve’s dedication
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!