Best Baby Toothpaste Brands Para Sa Healthy Oral Health Ng Iyong Little One

Alagaan ang ngipin ni baby habang maaga pa. Narito ang mga brands ng natural, flavored at fluoride-free best baby toothpaste available online

Mommy, nagsisimula na bang tumubo ang ngipin ng iyong little one? Lahat ba ng mahawakan niya ay gustong kagatin at pinanggigigilan? Ito ay sign na upang gamitan siya ng toothpaste.

Ang toothpaste ay isa sa mga essential needs ng mga bata lalo na kung kumakain na sila at may milk teeth na. Habang baby pa sila, mas magandang masanay na sila sa tamang oral hygiene para madala nila hanggang sa paglaki nila.

Kaya naman kung naghahanap ka ng best baby toothpaste, patuloy na magbasa! Inilista namin ang iba’t ibang brands ng toothpaste na ligtas at epektibong mangangalaga ng ngipin at gilagid ng iyong precious one.

Kailan ba dapat gumamit ng toothpaste para sa baby?

Best Baby Toothpaste Brands Para Sa Healthy At Strong Teeth | Larawan mula sa iStock

Ayon sa mga eksperto ng American Academy of Pediatric Dentistry (AAPD) at ang American Dental Association (ADA) mas makabubuting simulan ang healthy oral hygiene ni baby bago pa man siya tubuan ng ngipin.

Kinakailangan kasing malinisan ng kanilang gilagid at dila upang matanggal ang mga milk residue na maaaring pagmulan ng bacteria kapag napabayaan ng matagal sa bibig.

Ang paggamit naman ng toothpaste para sa baby ay inirerekumenda namang simulan kapag lumabas na ang una nilang ngipin. Maaaring gumamit ng malinis na washcloth at kaunting toothpaste sa pagbrush ng mga ngipin ng baby.

Kung gagamit naman ng toothbrush, siguraduhing ito ay angkop sa kanilang edad at may soft bristle upang hindi masaktan ang kanilang gums.

Best baby toothpaste brands in the Philippines

Best baby toothpaste
Mama's Choice Kids Toothpaste
Buy Now
Kindee Organic Oral Gel
Best Organic
Buy Now
Nature to Nurture Toddler Fluoride Toothpaste
Best Fluoride-free
Buy Now
Aquafresh MilkTeeth Kids Toothpaste
Best for Teething
Buy Now
TinyBuds Toddler Toothgel Stage 1
Best Flavored
Buy Now
UniLove Probiotic Training Toothpaste
Best Flavor-free
Buy Now

Best Overall Baby Toothpaste

Mama’s Choice Baby & Kids Toothpaste

Best Baby Toothpaste Brands Para Sa Healthy At Strong Teeth | Mama’s Choice

Una sa aming listahan ay ang baby and kids toothpaste mula sa Mama’s Choice. Ito ang aming best overall pick dahil bukod sa ligtas ito para sa mga babies at kids, gawa ito sa natural ingredients at may masarap na flavor pa na tiyak makaka-engganyo sa iyong anak na magtoothbrush.

Ang kagandahan pa sa baby toothpaste na ito ay mayroon itong food grade formula kaya naman hindi dapat ikabahala kung sakaling malunok ng iyong anak ang produkto. Mayroon din itong antibacterial feature kaya’t tiyak na malilinis ng husto at maiiwasan ang anumang infection sa teeth and gums ni baby. Fluoride-free rin ito at ginamitan ng Xylitol para naman makaiwas sa tooth decay at cavities.

Available ang toothpaste na ito sa bubblegum at strawberry flavors.

Features we love:

  • Safe para sa mga babies at kids
  • Food grade formula
  • Yummy bubblegum at strawberry flavor

Best Organic Baby Toothpaste

Kindee Organic Oral Gel

Best Baby Toothpaste Brands Para Sa Healthy At Strong Teeth | Kindee

Ang Kindee ay isang international brand na may mga produktong gawa sa natural at organic na sangkap para sa babies at sa mga bata.

Ang kanilang oral gel ay nagtataglay ng Xylitol at iba pang food grade ingredients na siguradong safe kapag ginamit ni baby. Mayroon pa itong antioxidant para sa malusog na mouth at gums. At dahil nga ito ay gawa sa organic ingredients, ligtas ito kung sakaling malunok ni baby at wala itong halong paraben, sulfate, gluten, at glucose.

Tiyak din na magugustuhan ng iyong anak ang masarap na strawberry flavor ng toothpaste na ito.

Features we love:

  • Gawa sa organic at natural ingredients
  • Safe to swallow
  • Walang taglay na harsh substances

Best Fluoride-free Baby Toothpaste

Nature to Nurture Toddler Training Toothpaste

Best Baby Toothpaste Brands Para Sa Healthy At Strong Teeth | Nature to Nurture

Ang Nature to Nurture Toddler Fluoride Toothpaste ay isa sa mga best seller toothpastes dahil ito ay fluoride-free. Maaari kasing makasama sa development ng baby ang fluoride kapag ito ay sumobra. Kaya naman karamihan sa mga mommies, mas pinipiling gumamit ng fluoride-free toothpaste sa kanilang anak.

Karagdagan, ang toothpaste na ito ay mayroon sunflower oil at aloe vera na maganda para sa gums. May silica rin ito na mabisang pangtanggal ng plaque. Naglalaman pa ito ng Xylitol para sa mapigilan ang tooth decay.

Hindi ka rin mahihirapang ipagamit ito kay baby dahil sa masarap na grapes flavor nito.

Features we love:

  • Fluoride-free toothpaste
  • Nakakapagsooth ng gums
  • Nakakatanggal ng plaque
  • Grapes flavor

Best Baby Toothpaste for Teething

Aquafresh Milk Teeth Kids’ Toothpaste

Best Baby Toothpaste Brands Para Sa Healthy At Strong Teeth | Aquafresh

Malaking tulong din ang paggamit ng toothpaste na may soothing effect sa nananakit na gums kapag nag-ngingipin si baby. Kaya naman perfect ang Aquafresh bilang teething toothpaste! Ito kasi ay mayroong baby-friendly gentle mint flavor na maaaring makatulong upang maibsan ang masakit na gilagid ni baby.

Bukod pa riyan ay mild lamang din ang formulation na mayroon ito. Kahit na nagtataglay ito ng fluoride, sinigurado ng mga experts na sapat lamang ito at hindi makakasama sa mga babies at kids. Nakakatulong din ang paggamit ng toothpaste na ito upang maiwasan ang cavities at mabigyan ng proteksyon ang enamel coating ng ngipin.

Wala rin itong halong artificial coloring at flavors na maaaring makasama sa bata.

Features we love:

  • May mint flavor na nakakapagsooth ng gums
  • May expert-recommended levels of fluoride
  • Walang artificial ingredients

Best Flavored Baby Toothpaste

Tiny Buds Toothgel Stage 1 – Strawberry Banana

Best Baby Toothpaste Brands Para Sa Healthy At Strong Teeth | Tiny Buds

Isa pa sa mga nangungunang brands pagdating sa mga produktong safe para kay baby ay ang Tiny Buds. Karamihan ng kanilang mga products ay gawa sa natural ingredients kaya’t nahihiyang ang mga bata.

Ang kanilang Baby Toothgel ay gawa sa 100% food grade Xylitol. Ang key ingredient na ito ay nakakatulong para maiwasan ang tooth decay sa mga bagong tubong ngipin ni baby. Ito rin ay fluoride-free kaya naman hindi mag-aalala si mommy kung naparami ang lagay ng toothpaste.

Tiyak na hindi rin mahirap ito ipagamit kay baby dahil sa yummy flavor nito na strawberry banana.

Features we love:

  • Gawa sa natural ingredients
  • May food grade Xylitol
  • Fluoride-free
  • Strawberry banana flavor

Best Flavor-free Baby Toothpaste

UniLove Probiotic Training Toothpaste

Best Baby Toothpaste Brands Para Sa Healthy At Strong Teeth | UniLove

Kung mas gusto mo naman na gumamit ng toothpaste para sa iyong baby na flavor-free, best choice ang UniLove Probiotic Training Toothpaste. Nagtataglay ito ng probiotics upang mapanatiling maayos ang oral health at maiwasan ang iba’t ibang dental concerns gaya ng cavities, tooth decay, gum disease and bad breath.

Gawa rin ito sa food grade ingredients kaya safe rin kahit na malunok ng bata. At dahil nga ito ay flavor-free, madali rin itong ipagamit kay baby dahil di niya agad mapapansin na may toothpaste siyang gamit.

Features we love:

  • Flavor-free toothpaste
  • With probiotics
  • Food grade ingredients

Price Comparison Table

Brands Pack size Price
Mama’s Choice 45 g Php 199.00
Kindee 50 g Php 400.00
Nature to Nurture 50 ml Php 99.00
Aquafresh 50 ml x 3 Php 235.00
Tiny Buds 55 g x 2 Php 230.00
Unilove 60 g x 2 Php 181.00

Tamang pangangalaga sa milk teeth ni baby

Best Baby Toothpaste Brands Para Sa Healthy At Strong Teeth | Larawan mula sa iStock

Kapag lumabas na ang unang ngipin o mga ngipin ni baby, ito ang ilang dapat gawin upang mapangalagaan ito.

  • Magsimula sa paggamit ng toothpaste para sa baby na angkop sa kanilang edad. May mga toothpaste na sadyang ginawa sa para sa baby na 0-6 months, ang ilan naman ay nasa 6months hanggang 1 year old. May mga fluoridated baby toothpaste na safe gamitin kay baby. Kung nag-aalangan gumamit nito, maaaring kumonsulta muna sa inyong pedia dentist para malinawan.
  • Gumamit ng toothbrush na design para sa baby. Ito ay may extra soft bristle para hindi masugatan ang kanilang sensitive gums.
  • Sa paggamit ng toothpaste, maglagay lamang ng kasing liit ng butil ng bigas sa toothbrush ng baby.
  • Magpa-appointment sa pedia dentist para magkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa milk teeth ni baby.
  • Itanong sa pedia dentist ang mga nais malaman at proper oral hygiene habang lumalaki si little one. Magandang bumisita sa pedia at least twice a year.

Kung hindi naman comfortable si baby habang nagsisipilyo, gawin ito kasabay ng pagkanta at paglalaro para makuha ang atensyon niya. Mas magiging kapana-panabik ang pagsisipilyo para kay little one.