Top 10 Sulit at Matibay na Baby Wipes brands in the Philippines

Alamin ang best baby wipe brands sa Pilipinas!

Bukod sa diapers, onesies at mga lampin, isa rin ang baby wipes sa mga must-have products para sa mga babies. Ito ay isa pa sa pinakamadalas na ginagamit ng mga mommies kapag si baby ay kumakain, nagpapalit ng diaper o dumumi. At dahil na madalas na dumudumi o umiihi si baby, kailangan lagi kang may reserbang baby wipes. Hindi ito pwedeng mawala sa iyong baby changing table. 

Kaya’t kung ikaw ay naghahanap ng baby wipes, kami na ang bahala sa’yo. Basahin ang article na ito upang malamang kung anu-ano ang mga brands na napabilang sa best baby wipes Philippines.

Benefits ng paggamit ng baby wipes

Narito ang ilan sa mga benepisyo na maaaring makuha ni mommy at ni baby sa paggamit ng baby wipes:

  1. Magiging madali at mabilis ang paglilinis kay baby;
  2. Effective na natatanggal ng baby wipes ang anumang dumi sa katawan ni baby;
  3. Maaaring maiwasan ang diaper rash at anumang irritation kapag gumamit ng baby wipes tuwing nagpapalit ng diaper;
  4. May antibacterial formulation ang mga baby wipes na makatutulong upang mapatay ang anumang mikrobyo na nasa katawan ni baby;
  5. Nag-iiwan ng moisture ang baby wipes sa balat ni baby upang maiwasan ang dryness na maaaring maging sanhi ng irritation

Pagpili ng best baby wipes

Ang mga sanggol ay may sensitibong balat kung kaya’t nararapat lamang na maging mabusisi sa pagpili ng mga products na gagamitin para sa kanila. Tulad na lamang sa pagpili ng baby wipes na hindi basta-basta, nangangailangan ng iyong masusing research para sa iyong magiging desisyon sa gagamiting baby wipes.

Upang tulungan kayo, nilista namin sa baba ang ilang mga katangian na dapat mong tignan sa pagbili ng baby wipes.

Quality of materials and ingredients used

  • Gawa ba ito sa safe ingredients na gentle sa balat ni baby, at the same time, epektibo sa pagtanggal ng poopoo, ihi, at iba pang dumi? Gayun din, matibay ba ito at hindi madaling mapunit? Kung masyado itong manipis, mas madali itong mapupunit at kung madali itong mapunit, mas mapaparami ka ng wipes na gagamitin. Ibig sabihin, hindi ito cost-effective. Importante rin na gawa ang wipes sa malambot na materyal dahil kapag ito ay may magaspang at matigas na texture ay maaaring maging sanhi ng irritation sa delicate na balat ni baby.

Fragrance

  • Scented ba ito o fragrance-free? Tulad ng mga ibang produkto na ginagamit para kay baby, mas mainam kung ang baby wipes ay fragrance-free dahil sensitibo pa ang sense of smell ni baby. Sa kabilang banda, kung nais mong gumamit ng baby wipes na may scent, pumili ng lightly scented lamang.

Presyo

  • Tandaan na araw-araw at madalas mong gagamitin ang baby wipes. Kung kaya ng budget, mas mabuting bilhin ito nang maramihan para makatipid. Kadalasang may discount ang iba’t ibang baby wipes brands kapag binili ang kanilang produkto nang maramihan. 

Ingredients na dapat iwasan sa pagpili ng baby wipes

Upang mas maging madali ang pagpili ng baby wipes, narito ang mga ingredients na dapat iwasan:

  1. Synthetic fragrances - ang mga produktong ginagamitan ng synthetic fragrances ay may strong scent na maaaring maka irita ng balat at respiratory tract ng mga sanggol.
  2. Phthalates - ang chemical na ito ay dangerous at carcinogenic. 
  3. Parabens - ang preservative na ito ay maaaring maging sanhi ng neurotoxicity, reproductive toxicity at skin irritation.
  4. Phenoxyethanol - ito rin ay isang uri ng preservative na kadalasang ginagamit sa mga body products. Ito ay maaaring magdulot ng iba’t ibang health problems kay baby gaya ng allergic reactions at iritasyon sa mata, balat at lungs.

10 Best baby wipes for baby

10 Best Baby Wipes for Baby
Mama's Choice 3 in 1 Gentle Wipes
Buy from Shopee
Giggles Baby Wipes
Most Trusted
Buy Now
Johnson's Baby Skincare Wipes
Best Hypoallergenic
Buy Now
Uni-Love Unscented Baby Wipes
Most Affordable
Buy Now
Organic Baby Wipes 
Most Organic
Buy Now
Pampers Baby Wipes with Aloe 
Best for Sensitive Skin
Buy Now
Huggies Clean Care Baby Wipes 
Best Germ-fighting
Buy Now
Sanicare-Baby Wipes 
Best Unscented
Buy Now
Nursy Baby Wipes
Best Lightly Scented
Buy Now
Baby First Baby Wipes 
Best for Newborn
Buy Now
Pigeon Hand and Mouth Wet Tissue 
Best for Hand and Mouth
Buy Now

Mama's Choice 3 in 1 Gentle Wipes

Ang Mama's Choice 3 in 1 Gentle Wipes ay ang perpektong on-the-go na solusyon para sa paglilinis ng sensitive skin ng iyong anak! Ang gentle wipes na ito ay enriched with aloe vera na nakaka-refresh ng balat, rosemary na may natural na kakayahang patayin ang 99.99% of germs and bacteria, at chamomile na pinoproteksyunan ang balat.

Ang maganda sa wipes na ito ay super flexible ito, malapad, at malambot. Saktong-sakto it para sa mga balat ng babies na prone sa irritation. Ito ay maaaring gamitin kapag magpapalit ng diaper, sa mukha ni baby, at kahit pa sa bibig nito dahily ito ay walang halong alcohol.

At tulad ng lahat ng mga produkto ng Mama's Choice, ito ay certified hypoallergenic at dermatologically tested.

Features nito:

  • Quality of materials and ingredients used
  • Malapad, flexible at malambot
  • Alcohol-free
  • Food-grade ingredients
  • Hypoallergenic
  • Dermatologically tested
  • Fragrance
  • No artificial fragrance
  • Natural scent

 

Giggles Baby Wipes

Most Trusted

First time mom/dad ka man o hindi, siguradong familiar ka sa Giggles Baby Wipes. Sa loob ng mahabang taon, isa ito sa mga baby wipes brands na trusted, di lamang sa Pilipinas, kundi pati sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang bawat sheet ay gawa sa silky soft at makapal na materyal na gentle at safe ipanglinis sa sensitibong balat ng iyong precious one. 

Higit na magugustuhan mo ang Giggles Baby Wipes dahil ito ay may mild formulation na nag-iiwan ng moisture sa balat. Maaari rin itong gamitin sa kamay at mukha ni baby. Bukod dito, ang wipes for baby na ito ay hindi rin nagdudulot ng iritasyon sa balat at mata. Sumailalim ito sa oral urgent toxic testing upang masigurado ang kaligtasan ng produkto para sa mga sanggol.

Features nito:

  • Quality of materials and ingredients used
  • Gentle formulation 
  • Alcohol-free
  • Silky soft at makapal ang material na ginamit

 

  • Fragrance
  • Unscented

Johnson’s Baby Skincare Wipes 

Best Hypoallergenic

Para sa young at delicate skin ni baby, mas makabubuting hypoallergenic ang baby wipes na gagamitin. Alam ng Johnson’s Baby ang paraan kung paano alagaan ang sensitibong balat ng mga sanggol. Kaya naman ang kanilang skincare wipes ay hypoallergenic at gawa sa baby-safe ingredients na soap at alcohol-free. 

Ang baby wipes brand na ito ay hindi lamang nakatutulong sa effective na paglinis ng balat ni baby. Ito rin ay nagbibigay ng extra protection sa diaper area ni baby upang maiwasan ang rashes at anumang skin irritation. Bukod dito, ang cotton soft wipes na ito ay clinically-proven mild na may moisturizing agents na nagpapanatili ng moisture at softness ng balat. Hindi dapat ikabahala ang light scent ng baby wipes na ito dahil ito ay proven na non-irritating. Dermatologically-tested din ang produktong ito kaya’t ikaw ay nakakasigurado na safe itong gamitin para kay baby.

 

Features nito:

  • Quality of materials and ingredients used
  • Hypoallergenic
  • Cotton soft material
  • Soap at alcohol-free
  • Clinically-proven mild formulation

 

  • Fragrance
  • Lightly scented

Uni-Love Unscented Baby Wipes 

Most Affordable

Mahalaga sa Uni-Love na siguraduhing ma-eenjoy ng inyong baby ang ligtas at komportableng oras ng paglalaro. Kaya naman, gumawa sila ng dekalidad at abot-kayang baby wipes para sa mga baby at mommy na malaking tulong sa pagpapanatili ng araw-araw na good hygiene care. 

Perfect na panlinis sa delicate skin ng inyong baby and unscented baby wipes ng Uni-Love. Tiyak na malilinis ninyo ang kanilang mga kamay, mukha, at buong katawan nang ligtas. 

Features nito:

  • Quality of materials and ingredients used
  • Natural at mild ang ingredients - aloe vera, lanolin, Vitamin E
  • Mas makapal at malambot ang fabric nito kumpara sa ordinaryong wipes
  • Moisturizing at extremely gentle sa balat
  • Hypoallergenic

 

  • Fragrance
  • Unscented

 

Organic Baby Wipes 

Best Organic

Kung naghahanap ka ng organic na wipes for baby, i-add to cart na ang produktong ito. Gawa sa plant-based material na 100% biodegradable, ang Organic Baby Wipes ay mayroong organic aloe vera na kilala para sa kanyang anti-inflammatory at antibacterial properties. 

Higit doon, ito ay walang halong paraben, alcohol, chlorine, at iba pang harsh chemicals na maaaring magdulot ng iritasyon sa balat ng sanggol. Makakasigurado kang ang bawat sheet ng baby wipes na ito ay malambot at safe gamitin. Kaya naman ito ang brand na napili namin bilang best organic baby wipes sa bansa. 

Features nito:

  • Quality of materials and ingredients used
  • Gawa sa plant-based, biodegradable material
  • Mayroong organic aloe vera
  • Alcohol, paraben, chlorine at harsh chemicals-free

 

  • Fragrance
  • Lightly scented

Pampers Baby Wipes with Aloe 

Best for Sensitive Skin

Ang kilalang diaper brand na ito ay nag develop din ng baby wipes na tamang-tama para sa mga babies na may sensitive skin. Ang Pampers Baby Wipes with Aloe ay may lotion with aloe na nakatutulong upang makaiwas sa rashes ang sensitive skin ni baby. Ito rin ay may Vitamin E na nagmomoisturize at nagbibigay proteksyon sa balat. 

Ang baby wipes na ito ay naglalaman din ng 97% pure water kaya’t tiyak na wala itong ibang halong liquid chemical na maaaring maging sanhi ng irritation at iba pang health concerns sa sanggol. Isa pa sa magugustuhan mo sa produktong ito ay ang kanyang new and improved packaging. Ito ay may pop-up lid na upang mas mapadali ang pagbukas at pagsara nito, at para rin maiwasan ang pagkatuyo ng bawat sheet ng baby wipes. 

Features nito:

  • Quality of materials and ingredients used
  • Walang paraben at strong chemicals
  • Mayroong 97% pure water, lotion with aloe at vitamin E
  • Gawa sa makapal at dekalidad na materyal

 

  • Fragrance
  • Lightly scented

Huggies Clean Care Baby Wipes 

Best Germ-fighting

Ang Huggies Clean Care Baby Wipes ay gawa sa skin-loving natural fiber na epektibong nakakatanggal ng dumi sa balat. Ito ay may germ-fighting mild formulation na alcohol, paraben at MIT-free. Bukod sa katawan, ang baby wipes na ito ay ligtas din gamitin sa kamay at mukha ni baby. 

Tiyak na mas mapapabilib ka sa baby wipes brand na ito dahil sa ito ay fragrance-free at gumamit ng 100% purified water. Cost-effective rin ang produktong ito dahil sa isang punasan lamang ay kaya nitong matanggal ang dumi sa balat ng iyong precious one. No wonder kung bakit ito ay napabilang sa aming listahan ng best baby wipes Philippines. 

Features nito:

  • Quality of materials and ingredients used
  • Gawa sa natural fiber
  • Ginamitan ng 100% purified water
  • Alcohol, paraben at MIT-free

 

  • Fragrance
  • Fragrance-free

Sanicare Baby Wipes 

Best Unscented

Kung nais mo namang gumamit ng unscented baby wipes para sa iyong anak, isa sa best options ang Sanicare Baby Wipes. Ang bawat sheet ay ginamitan ng natural, pure at malambot na fabric na gawa sa plant derived fiber. Bukod sa pagiging skin-friendly, ito rin ay environment-friendly dahil ito ay biodegradable.

Wala itong synthetic fragrance content na maaaring magdulot ng allergic reaction kay baby. Ito rin ay alcohol, paraben at chlorine-free. Ang antibacterial at moisturizing properties ng baby wipes na ito ay nagbibigay din ng benepisyo sa balat at kalusugan ng iyong baby. 

Features nito:

  • Quality of materials and ingredients used
  • Gawa sa natural, pure at malambot na fabric
  • Biodegradable
  • Alcohol, paraben at chlorine-free

 

  • Fragrance
  • Unscented

Nursy Baby Wipes 

Best Lightly Scented

Hindi dapat ikabahala ang paggamit ng scented na baby wipes lalo na kung ito ay light lamang. Ang Nursy Baby Wipes ay mayroong light powder scent na nag-iiwan ng fresh feeling sa iyong baby. Gawa sa malambot at makapal na materyal na kayang magtanggal ng dumi sa katawan.

Ito ay ligtas gamitin para sa mga sanggol dahil wala ito ay may gentle formulation at walang halong parabens at iba pang strong chemicals. Mayroon din itong antibacterial ingredients na nakakatulong sa pagpatay ng anumang bacteria sa katawan ni baby. 

Features nito:

  • Quality of materials and ingredients used
  • Gawa sa makapal at malambot na materyal
  • Gentle formulation
  • May antibacterial ingredients
  • Walang halong parabens at iba pang harmful ingredients

 

  • Fragrance
  • Lightly scented

Baby First Baby Wipes 

Best for Newborn

Specially designed para sa mga 0-24 months old na baby, ang Baby First Baby Wipes ay 100% hypoallergenic, paraben-free, alcohol-free at chlorine-free. Siguradong ligtas gamitin para sa mga newborn dahil sa ito ay may organic aloe at essential extracts na hindi nakakairita sa sensitibong balat.

Ito rin ay may balanced pH level at dermatologically tested. Nag-iiwan ito ng moisture sa balat ni baby upang maiwasan ang dryness na nagiging sanhi ng discomforts sa balat. Ang mild at organic ingredients din ng produktong ito ay ang dahilan kung bakit namin ito napili bilang best baby wipes for newborn Philippines. 

 

Features nito:

  • Quality of materials and ingredients used
  • Organic aloe at essential extracts
  • Balanced pH level
  • Paraben, alcohol at chlorine-free
  • Hypoallergenic

 

  • Fragrance
  • Lightly scented

Pigeon Hand and Mouth Wet Tissue

 

Best for Hand and Mouth

Ang baby wipes na ito ang pinakaligtas at mainam na gamitin para sa kamay at bibig ni baby. Mayroon itong 100% food grade ingredients kung kaya’t di dapat ikabahala ang kaligtasan ng paggamit nito lalo na sa facial area ng iyong anak. At dahil din sa food grade ingredients nito, maaari rin itong gamitin na panglinis ng feeding set ni baby.

Ito rin ay may 99.99% antibacterial property na nagdudulot ng mas epektibong paglinis sa katawan ng iyong anak. Ang baby wipes na ito ay hindi ginamitan ng alcohol at soap na maaaring magdulot ng kapahamakan sa sanggol. Sumailalim din ito sa microbiological test upang mas masiguradong ligtas at epektibo itong gamitin.

 

Features nito:

  • Quality of materials and ingredients used
  • Gawa sa food grade ingredients
  • Antibacterial property
  • Alcohol at soap-free

 

  • Fragrance
  • Lightly scented

Price Comparison

 

Brand Pack size  Price (Php) Price per sheet (Php)
Mama's Choice 3 in 1 Gentle Wipes 30 sheets 99 3.30
Giggles Baby Wipes 96 sheets 91.00 0.95
Johnson’s Baby Skincare Wipes 75 sheets 207.00 2.76
Uni-Love Unscented Baby Wipes 100 sheets 89.00 0.89
Organic Baby Wipes 80 sheets 92.75 1.16
Pampers Baby Wipes with Aloe 72 sheets 139.00 1.93
Huggies Clean Care Baby Wipes 80 sheets 125.00 1.56
Sanicare Baby Wipes 90 sheets 96.00 1.07
Nursy Baby Wipes 90 sheets 95.04 1.06
Baby First Baby Wipes 90 sheets 109.00 1.21
Pigeon Hand and Mouth Wet Tissue 60 sheets 190.00 3.17

Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out, or the price may be different at a later date

Sinulat ni

Millie Manahan