Ang pagkakaroon ng mild congestion ng iyong precious one ay talaga namang nagdudulot ng stress at pangamba sa’yo. Siguradong laging iritable at panay ang iyak ng iyong chikiting lalo na kapag siya ay baby pa lamang.
Don’t worry mommies and daddies, dahil narito ang aming recommendations para sa best nasal mist and spray brands safe for babies and kids na available rito sa Pilipinas!
Top picks ng Nasal Mist Brands for Babies and Kids in the Philippines
Baradong ilong ni baby? Naku, maraming sleepless nights iyan for sure. Kaya i-try na ang isa sa mga nasal spray brands na ito here in the Philippines. | Larawan kuha mula sa Pexels
No more sleepless nights para sa inyo mga parents! Maaari nang makatulog ang iyong anak nang mahimbing at walang baradong ilong. Check out dito ang best nasal spray and mist brands na safe gamitin pasa sa kanya:
Nasal Mist Brands for Babies and Kids
Best parents’ choice
Alam mo ba na ang Sterimar Nose Hygiene Sea Water Nasal Spray for Baby ay ang TAP Awards 2023 “Parents’ Choice Nasal Mist." Perfect talaga ang brand na ito para sa mild decongestion ng iyong chikiting dahil ginawa kasi nila ang product na mayroong specific isotonic solution para sa bata. Naaalis nito ang impurities at najakapaglinis din ng ilong. Namomoisturize rin at narerestore ang natural moisture ng ilong sa pag gamit ng produktong ito.
Sinigurado rin ng Sterimar na gentle ang rinsing at cleansing features na maibigay nito sa bata. Para naman sa components, mayroong itong 100% natural Seawater at free pa sa lahat ng preservatives so safe na safe gamitin. Ligtas din ito gamitin para sa baby kaya naman talagang pinipili ito ng maraming magulang!
What we love about it:
- Mayroong specific isotonic para sa bata
- Nagbibigay moisture at nagrestore ng ilong ni baby
- Gentle ang rinsing at cleansing features
- Walang halong preservatives
Best salinase nasal spray for infant baby
Ibayong pag-iingat ang kinakailangan sa pagbili ng produkto lalo sa sanggol pa lamang. Para maging safe ang bata, narito ang NoseFrida PH The Snutsucker na talaga namang ligtas para sa infant. Malinis ito dahil packed in hygienic way at non-invasive pa. Ang brand na ito ay gawa sa Sweden at talaga namang doctors recommended. Subok nang makakahinga ng mainam si baby after magamit ito.
Sa loob ng package makikita mo na mayroong itong NoseFrida Nasal Aspirator na may kasama nang travel case. Mayroon ding NoseFrida Saline Spray maging ang refill filters nito na naglalaman ng 20 pieces. Kaya nga mommies and daddies, sulit talaga ang pera dahil package mo na siyang mabibili.
What we love about it:
- Gawa ang brand mula sa bansang Sweden
- Proven na recommended na ng mga doktor
- Mayroong kasamang aspirator at refill filters na 20 pieces
- Pwede sa infant babies
Best for preservative-free feature
Hindi nga naman pwede ng kahit anong kemikal ang bata, so para sa preservative-free na nasal mist narito ang Humer Salinase Nasal Spray for Baby. Ito ay maaaring gamitin para sa araw-araw na hygiene ng nasal passages ng iyong little one. Namomoisturize rin nito ang nasal mucosa na nakukuha dahil sa dry atmosphere. Maaaring maranasan ni baby ang smooth na drainage at natutulungan pa siya sa nose blowing.
Ang unique system na gentle diffusion nito ay mayroong microdroplets na nagtataglay ng natural composition. Lastly, magagamit mo ang spray na ito sa kahit anong posisyon ng iyong chikiting.
What we love about it:
- Nabibigyan ng moisture ang nasal mucosa
- Umaalalay para sa smooth drainage at nose blowing ni baby
- With gentle diffusion na may microdroplets natural composition
- May kasamang special nozzle at safety rings
Best for Adriatic seawater component
Ginawa talaga ang Aquamaris Nasal Spray para magamit sa araw-araw. Ang Adriatic seawater component nito ay patunay lamang na safe itong gamitin para sa mga bata. Ginagamot nito ang dry at irritated na ilong na maaaring dulot ng air conditioning, pollution, o kaya naman ng pabago-bagong panahon. Recommended din naman ito para sa mga may baradong ilong o nahihirapang huminga dulot ng allergies, flu, o kaya naman ng sipon.
Natatanggal nito ang lahat ng allergens, viruses, impurities, at bacteria na madaling nakukuha ng mga bata gawa ng mahinang immune sytem.
What we love about it:
- Ginagamot ang dry at irritated na ilong dahil sa air
- Recommended gamitin para sa mga may baradong ilong
- Safe at pwedeng gamitin ng mga sanggol na may edad 0 hanggang 3 taong gulang
- Lumalaban sa lahat ng klase ng viruses, allergens, at bacteria
Most budget-friendly
Hindi maiiwasang kakapusin ang parents sa budget lalo’t marami ang gastusin para sa anak. Kung saktuhan lamang ang inilaan na pera ngunit kailangan solusyonan ang congested nose ng iyong chikiting, narito ang NASOCLEAR Nasal Spray. Sa kabila ng pagiging mura nito, marami namang qualities at benefits ang maaaring maibigay sa inyong little one. Nagagamot nito ang nasal congestion na epekto ng crusty passages, low humidity o ng init.
Sa pamamagitan lamang ng dalawa hanggang apat na spray, for sure mawawala na ang baradong ilong ng bata. Sa halagang hindi tataaas sa dalawang daang piso ay talagang sulit na sulit nga naman!
What we love about it:
- Budget-friendly nasal spray
- Nakakapaggamot ng nasal congestion dala ng iba’t ibang factors
- Nakakapagpagaling sa dalawa hanggang apat na spray lamang
- Murang halaga
Price Comparison Table
Siguradong mayroong mga inihahandang budget ang mga mommies and daddies para sa kanilang anak. Nakalaan iyan sa gatas, diaper, at iba pang things na need niya. Dahil kung minsan hindi inaasahan ang pagkakaroon ng nasal congestion, hindi ito nasasama sa budget. Kaya naman inihanda namin ang price comparison table ng mga nasal mist brands upang malaman mo kung ano ang swak sa iyong budget:
Tips sa pagpili ng best nasal mist for your kids
Hindi mo ba alam kung paanong dapat namimili ng tamang nasal spray kay baby? Inilista namin ang ilang guidelines para sa iyo dito. | Larawan kuha mula sa Pexels
Kailangan ng dobleng ingat pagdating sa pagbili ng gamot o anumang gamit para sa iyong anak. Mas extra sensitive kasi ang mga bata, lalo na ang sanggol at kailangang maraming i-consider. Ngayong ibinigay na namin ang listahan ng nasal mist, narito ang ilang ways kung paano dapat pumipili nito:
- Features – Mahalagang alamin mo kung ano ba ang kayang i-offer ng nasal mist na ito para sa iyong anak. Kabilang na diyan ang kung paano ito ginagamit at kung gaano ka-convenient ito dalhin.
- Brand – Of course, maraming nagsusulputan diyan na brands na nagsasabing effective ang kanilang nasal spray. Dito pa lang dapat, pinipili mo na ang brand na mayroong best reviews.
- Ingredients – Alamin kung ano ang components ng nasal spray kabilang kung saan ito gawa. Maaaring ang ibang nasal mist kasi ay mayroong kemikal na hindi pwede para sa mga bata. Dapat ito ay preservatives-free.
- Price – Hindi rin dapat stressful ang presyo ng nasal spray ng iyong chikiting. Piliin lamang iyong swak sa budget ng pamilya pero siguradong effective.
Iba’t ibang home remedies para sa baradong ilong ng iyong chikiting
Gaya nga ng nabanggit, hindi biro ang pagkakaroon ng baradong ilong ng mga bata. Hindi kasi komportable ang kanilang feeling sa tuwing mayroon nito. Maraming nakaharang na dumi kaya hirap ang kanilang paghinga. Hindi rin naman sila pwedeng uminom ng decongestant medicine hangga’t wala pa silang edad na apat na taong gulang.
Sa kabila nito, dapat lamang na ginagamot kaagad ang ganitong health concern bago pa man lumala. Bukod sa paggamit ng saline spray, narito pa ang ilang ways para mabigyang solusyon ang baradong ilong ng bata:
- I-steam up ang banyo ninyo at hayaang doon muna dalhin ang iyong little one para lumambot ang ilang mucus na nasa ilong niya.
- Magkaroon ng cool air humidifier para maiwasan ang dry air na sanhi ng decongested na ilong sa mga bata.
- Panatilihing hydrated sila sa pamamagitan ng pagpapainom parati ng tubig.
Mainam na kumonsulta rin sa doktor kung hindi pa rin gumagaling ang baradong ilong matapos ang isang linggo.