Ang paglilihi ay isang normal na nararamdaman ng buntis sa kanyang unang trimester. Ito ang dahilan kung bakit nagiging maselan tayo sa ating kinakain pati na rin sa ating pakiramdam at pang-amoy dulot ng hormonal changes.
Ako nga pala si Mommy Aji, isang ganap na ina sa aking siyam na buwang gulang na anak ngayon at ikukwento ko sa inyo kung ano ang karanasan ko nung ako ay nagbuntis.
First trimester
Ayaw na ayaw ko ng amoy ng kahit na anong malansa kagaya ng isda, itlog at mga lamang dagat. Lahat ng iyon ay hindi ko kinakain nung ako ay magbuntis pero nung dalaga naman ako ay mahilig ko kumain non.
Uupo ako sa mesa at itlog ang malimit na almusal ng aking asawa kaya madalas pagkatapos ko maghanda ay umaalis agad ako.
Sa akin namang napaglihian, maaring hulaan niyo muna ito, dahil ito ay pagkaing ipinagbabawal sa atin ng ating mga Obgyne lalo na ay mayroon tayong tinatawag na laboratory test.
Ano nga kaya ang napaglihian ko?
Matamis, bawal sa buntis at isang dessert.
Kung nahulaan mo, huwag kang kakain nito kung ikaw ay nagdadalang tao dahil mataas talaga ang sugar content nito!
Sagot: Ang aking napaglihian ay tsokolate.
Myth muna tayo, kapag matamis daw ang napaglihian ay baby girl at kapag maalat naman daw ay baby boy, sa aking naranasan ay totoo ngunit wala pa ring basehan ang bagay na ito.
Balik tayo sa aking kwento…
Alam natin na ang kulay ng tsokolate ay dark. Hindi ko alam bakit maaari yata ako makapag-breakfast, lunch at dinner na tsokolate lang ang kinakain ko. ay mga times pa na tumatakas pa ako sa aking asawa, at pupunta ako sa pinakamalapit na milktea-han sa amin at oorder ng chocolate flavored milk tea. Ang kulit kong buntis ‘di ba?
Napagsabihan tuloy ako noon, “Palaging tsokolate ang kinakain mo, baka maging maitim ang baby mo.” Sagot ko lang ay “malalaman natin.”
Ang aking asawa ay maputi at ako naman medyo maputi rin, kaya malimit ako mag-search noon kung totoo ba na kung ano ang kinakain ng isang buntis ay ganoon din ang magiging kulay ng anak niya?
Paano kung kayumanggi parehas ang kulay ng mga magulang pero laging umiinom ng gatas ang buntis, ang ibig sabihin ba non ay magiging maputi rin ang anak nila?
Ganoon ang tumatakbo sa isipan ko.
Heto na, alam niyo ba kung ano ang kinalabasan?
Ipinanganak ko si Jasmine Caitlyn na hindi kaputian, sinabi pa ng asawa ko na baka nga totoo ang paglilihi ko sa tsokolate, pero alam niyo lumipas ang maraming buwan, at ngayon ay nakita na namin ang totoo niyang kulay… Isang tisay na bata, mana sa kanyang tatay!
Sa pagbubuod ay totoo ang paglilihi, dahil may kakaiba talagang pagbabago na ating mararamdaman kapag tayo ay nagdalang tao, ngunit hindi ibig sabihin nito ay may magiging epekto ito sa panlabas na anyo ng ating anak.
Sa bagay na ito, mas maigi pa ring magtanong sa ating doctor. Yun lamang, maraming salamat sa pagbabasa.