TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Mister hindi na kinakausap ang sariling ina dahil sa pang-aaway nito sa kaniyang misis

4 min read
Mister hindi na kinakausap ang sariling ina dahil sa pang-aaway nito sa kaniyang misis

Isang mister ang naglabas ng sama ng loob sa social media. Aniya, pinutol niya ang ugnayan sa kaniyang ina dahil ayaw niyang lumaki ang anak na may toxic na kamag-anak.

Isang daddy ang nagkwento ng kaniyang karanasan sa kaniyang sariling ina. Na umano’y walang ibang ginawa kundi siraan ang kaniyang asawa. Hindi na raw niya ito kinakausap dahil sa pagiging toxic mother in law nito sa kaniyang misis.

Mister blinock ang sariling ina dahil inaaway si misis!

Isang confession mula sa isang mister ang ibinahagi ng netizen na may TikTok handle na reddikent. Ang confession na ito ay mula umano sa Reddit.

Kwento ng mister, taong 2020, bago mag-pandemic ay umuwi siya ng Pilipinas makalipas ang 7 taon na pamamalagi sa London.

Sa panahong iyon ay nabuntis niya ang kaniyang kaibigan at ito’y kaniyang pinanagutan. Nagkagustuhan din naman daw sila nang maglaon at nagpasyang magpakasal noong 2022.

mother in law

Larawan mula sa Shutterstock

At dito na nga nagsimula ang stress niya sa buhay. Pero hindi dahil sa kaniyang asawa at anak, kundi dahil sa kaniyang sariling ina.

“Galit na galit mama ko sa’kin kasi nasa London na raw ako, nagpakasal pa ako sa Pilipino.”

Noong una raw ay iniintindi niya pa ang kaniyang ina pero umiiwas din siya na ma-stress ang kaniyang asawa.

May mga pagkakataon pa raw na nirereto siya ng kaniyang ina sa mga anak ng mga kaibigan nito na taga-London din. Kahit na may asawa na siya.  Pinagsabihan na raw niya ito pero ayaw pa ring tumigil.

“Nagpapadala pa rin naman ako sa mama ko pero mas malaki sa asawa ko kasi syempre may anak kami na binubuhay.”

“Akala ko okay na kasi nakabukod naman asawa ko, nakatira sa nanay nya kasi malapit din don work nya. Pero nagulat na lang ako kasi minessage ako ng mother in law ko.”

Nagsumbong daw ito sa pinaggagagawa ng kaniyang ina sa kaniyang asawa.

mother in law

Larawan mula sa Shutterstock

Mother-in-law tinawag na gastadora asawa ng anak

Sumama raw ang loob ni mister dahil nalaman niyang sinusumbatan ng mama niya ang asawa niya tungkol sa pera. Tinawag pa umanong gastadora.

Kilala naman daw niya ang kaniyang asawa na hindi ito gumagastos nang malaki maliban na lang kung kinakailangan talaga.

“Ang sama ng loob ko kasi kung makapagsalita ang mama ko akala mo parang hindi nya apo yung pinaggagastusan ng asawa ko, sobra siyang sulsol na pineperahan ako ng asawa ko eh malaki rin naman sahod non.”

Hindi raw nagsusumbong sa kaniya ang kaniyang asawa dahil hindi marunong makipag-away.

Kinausap na lang daw niya ang mama niya na sa kanya lumapit kapag kailangan ng pera at huwag nang awayin ang kaniyang misis. Tumahimik naman daw ito ng ilang buwan.

Kaya lamang, napag-alaman ni mister na galit na galit ang kaniyang ina at mga tiyahin nang lumipad patungong London ang anak at asawa niya para magbakasyon.

mother in law

Larawan mula sa Shutterstock

Hindi naman daw siya ang gumastos ng plane ticket ng mga ito kundi ang kaniyang misis. Birthday gift daw kasi ito sa kanilang anak.

Pero dahil nga akala ng nanay ni mister na siya ang gumastos ng ticket ay nagalit ito. Sumbat nito ay wala umano siyang utang na loob at mas inuna pang papuntahin sa London ang asawa at anak kaysa sa kanya na ina nito.

Paratang pa ng ina na bine-brainwash daw siya ng kaniyang asawa at pinag-aaway silang mag-ina. Pero ang totoo ay hindi naman daw umiimik ang misis laban sa mother-in-law niya.

“Sobrang nakakasama ng loob kasi mahal ko yung asawa at anak ko. Pero mama ko pa ‘yung gumaganyan sa kanila.”

Partner Stories
Conti’s brings delight to ‘Modern-Day Heroes’ in clinics and hospitals
Conti’s brings delight to ‘Modern-Day Heroes’ in clinics and hospitals
Create Your Own Happiness for Better Mental and Physical Health
Create Your Own Happiness for Better Mental and Physical Health
Making her feel loved
Making her feel loved
Ayala Malls makes entertainment inclusive for Persons with Disabilities
Ayala Malls makes entertainment inclusive for Persons with Disabilities

Kaya nag-decide daw siya na i-block na lang ang kaniyang mama nang sabihin nito na hindi niya anak ‘yong anak nila.

“First time ko makita na umiyak ng sobra yung asawa ko sa frustration. Alam ko na anak ko yon at kahit ipa-DNA namin yan, anak ko yan at ayokong lumaki yung anak ko na may toxic na kamag-anak.”

Nagpapadala pa rin naman daw siya sa mga ito ng pera para sa bills at tuition ng mga kapatid. Pero hindi na niya kinakausap ang kaniyang ina.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Mister hindi na kinakausap ang sariling ina dahil sa pang-aaway nito sa kaniyang misis
Share:
  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko